Chapter 20

43 35 1
                                    


"Kriz sama ka mamaya?" Tanong ni kesper.

umiling ako kaagad, "next time nalang busy ako." Sagot ko habang inaayos mga gamit ko.

"alam mo! may Kapansin-pansin talaga kami sa kinikilos mo, Bakit mo lagi kasama si Earvin pag katapos ng Music club niyo?"

natawa lang ako. nung Monday pa nila kasi ako tinatanong nagulat sila bakit lagi kong kasama si Earvin.

"We're just friends, wag kayong issue d'yan!" sabay tawa ko at kinuha nalang ang cellphone ko.

"Ay! Hindi ako naniniwala sa Salitang friends na 'yan!" diretso naman sabi ni Kesper.

"Narinig ko na kay Primrose 'yan." sabat naman ni stella, natawa nalang ako naalala ko kasi nung Baguhan si primrose sa chevalier din. napansin namin lagi niyang kasama si Axton.

"Oo! never ko makakalimutan 'yon! Gagang 'to, sabi kakain ng Bato pag nainlove kay axton," Paalala pa ni kesper samin lahat, ka'ya lahat kami humalakhak lalo na nung may kinuhang bato si Kesper at inabot kay primrose. "Oh, ayan ipokpok mo sa ulo mo." Lumakas ang tawanan naming lahat.

"Bye!" paalam namin sa isa't isa, Hinalikan pa ako ni stella sa pisngi ko bago din sya umalis.

Pumunta ako sa building nila Earvin sa harapan lang sila ng building ng section namin. Habang papunta ako sa classroom nila napapansin ko mga Tingin ng Estudyante sa akin, Hindi ko pinansin mga tingin nila sa 'kin.

"Ganda ni krizia!"

"Nakikita ko lang siya sa IG at Fb n'ya, maganda siya sa picture pero mas maganda pala siya sa personal."

"May boyfriend ba siya taga dito sa building natin? Tangina kung meron nga, Sana all pre."

"Ganda ni krizia parang may runway show siya."

hindi ko nilingon mga bulungan nila sa akin, patuloy pa din ako sa pag lalakad ko palapit na sa Classroom nila earvin.

Pag sulyap ko sa pintuan nila nakita ko si Earvin kinakausap siya ni Javen, 'yung Kabanda ni Earvin sa Relarco. kilala ko na mga kabanda ni Earvin pumunta kami one time sa Gig nila kasama ko si Stella, pinakilala ako ni Earvin sa mga kabanda niya.

at lahat sila mababait at talagang masasabi ko sisikat talaga sila one day! napaka Talented nila. nakikita ko sila kung Papaano gumawa ng kanta except kay Earvin...

Napalingon naman si javen 'kong nasaan banda ako sa pinuan. nanlaki bigla mata nya at kinalabit niya si Earvin, doon bumaling si Earvin sa akin.

"Oh! si Riri!" Kumaway naman ako kaagad kay Javen at Earvin.

"May practice kayo ulit?" I asked nung nasa harapan ko na si Earvin, tiningnan lang ako ni earvin at hindi nagsasalita.

"Oo Ri! sama ka ulit!" sabat ni javen sa likod ni earvin.

"baka magalit na leader niyo, tumatambay na ako lagi do'n." pagbibiro kong sabi.

Tumawa naman ng malakas si Javen at inakbayan si Earvin, "Magagalit ka ba leader?" panunukso ni javen kay earvin, ka'ya ngumiti naman ako habang tumatawa ako ng marahan.

"shut up javen, Let's go." tipid lang niyang sabi. nakipag apir naman si Javen sa akin natawa naman ako sakanya, nasa Likod lang kami ni Earvin habang nag kwentuhan kami ni Javen. kapansin pansin talaga Tumitingin kay Earvin at kay javen ngayon.

S'yrempre kilala silang dalawa dahil sikat 'yung Banda nila Earvin.

"Hindi ka pa din ba makagawa ng Kanta?"

tiningnan ko kaagad si Earvin, alam kong nahihirapan siya mag sulat ng kanta ngayon. Chinismis lang ni javen sa akin.

Tahimik lang si Earvin, silence means yes.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Where stories live. Discover now