Chapter 35

35 4 2
                                    


"Bakit parang puyat na puyat ka naman?" umiling lang ako kay Tito maygo. hinatid ako ni Earvin sa condo kagabi, hindi na talaga ako totally nagsalita dahil sa sinabi niya kagabi.

Hindi ako martyr alam 'kong ginagawa ni Earvin.

"Ay! grabe ang gwapo nila sa Teaser! take my money talaga sa next album nila." napatingin naman ako kay francesca nagugulat ako sakanya, tili siya nang tili habang kinikilig siya sa likod.

"Ano na naman 'yan?" tanong ni tito maygo sakanya, hinarap naman ni francesca ang Ipad niya sa amin.

"may pateaser ang Relarco sa next album nila." tili pa ni francesca, Umiling naman ako nung pati si Tito maygo kinikilig na din. habang tinitingnan niya 'yung Ipad ni francesca.

"Sana next music video nila ikaw ulit kunin! ang laki ng bayad nila." Umirap lang ako patago sa sinasabi ni tito maygo.

"Baka next nila kunin sa Music video nila model ulit? kasi model din kinuha nila ngayon sa project ni Ma'am krizia. mahilig ata sa model si Earvin?" sa dulo pa sinabi ni francesca inosente pa siya.

Hindi mahilig sa model 'yon, mahilig sa Magaling kumanta.

"Swerte magiging jowa non! imagine ang napaka gwapo papaano pa ka'ya pag nagkaroon na ng anak ang Gandang lahi," sabat naman ni Tito maygo.

napaisip pa ako Naiimagine ko papaano maging ama si Earvin ngumisi naman ako sa naiisip ko. Hanggang ngayon hindi pa din ba sila kasal ni Chelseah?

"Diba may mga rumors siya before Ex niya daw ata kasama niya sa Studio or condo ata niya."

Nag taas naman ako ng kilay ko sa narinig ko kay francesca. ano 'iyon? hindi ko alam ang mga chismis ngayon dahil Hindi naman ako pala tingin sa TV puro balita lang kasi na fake news minsan.

"Ano 'yan?" I asked.

"may kasama kasi siya dati Ma'am krizia, Girl group trainee siya at ex girlfriend daw niya yon. nakita sila sa restaurant at sa studio ni Earvin pinaka malala na nung nakita sila sa Hotel mismo kung saan nag stay si Earvin magkasama din sila." Kumunot naman noo ko kay francesca habang nakiking sa mga sinasabi niya.

"S'yempre lalaki mga 'yan! tingnan nga niyo si Juluis dakilang playboy na rockstar 'yon, sa tingin niyo ba mga mahinhin na Lalaki mga 'yan? nag wawasak 'yan sa mga kama pa-"

"Tito maygo!" awat ko sakanya, nakakaloka minsan bunganga ni tito maygo naaalala ko sakanya si Primrose. walang p'reno 'yung bibig nila mag salita minsan.

"Grabe ka naman." ani ni francesca kay tito maygo.

"Hoy gaga! totoo 'yon, kung babae din ako papawasak din ako sa mga 'ya-"

"Tito maygo ang bibig!" awat ko ulit, tumawa naman si tito maygo alam ko nag Jojoke lang siya.

Pumunta na kami sa shooting area namin ngayon. may nakita pa akong mga Paparazzi nasa labas ng Gate, hindi sila makakapasok dahil madami mga Bodyguards nakaharang Hindi din ako nagpakita dahil hindi pa alam ng buong fans ng Relarco ako kinuha bilang Leading lady sa music video nila.

"Good morning!" masiglang bati ni tito maygo sa staff na mga Relarco. ngumiti naman ako sa mga staff at sa manager ng Relarco.

kilala ko na mga Relarco since College kami sa Chevalier before, pinakilala lang ako ulit ni Tito maygo at ang manager din ng Relarco. si Earvin nalang ang wala napansin ko.

Kinamusta ako ng Banda ni earvin, natatawa pa ako ng Marahan dahil wala nag bago sa ugali nila. Kung papaano ko sila nakilala non Gano'n pa din sila. Ka'ya deserve nila lahat nakukuha nila sa banda nila.

"Idol ka na mga Pinsan ko lalo na 'yung Isa! naku pag nakita no'n baka Umiyak pa siya sa harapan mo." natawa naman ako ng marahan sa sinabi ni Javen, napaka jolly pa din ni Javen wala nagbago sakanya. Naalala ko tuloy sila axton and wesley sakanya, same sila makukulit e.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon