Chapter 15

25 60 3
                                    


Hindi ako makapag salita tuluyan sa harapan ni earvin, Umiwas ako agad nang tingin sakanya. umalis si Earvin sa harapan ko at akala ko Aalis na talaga siya tuluyan pero nung Tumingin ako sakanya tumabi siya sa akin.

kumunot naman agad ang noo ko sakanya. Hindi siya tumitingin sa 'kin 'yung Tingin niya nasa dalampasigan. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko bigla ako nilamigan dahil sa simoy ng hangin.

"Hindi ako umiiyak kanina." sambit ko, tahimik niya pa din kasi kanina pa.

"Ah, ka'ya pala may luha sa mata mo kanina." Sagot naman ni Earvin sa akin.

Kunot noo lang siya tiningnan, Pero hindi tumitingin si earvin sa akin.

"Laway 'yon." I said, do'n tumingin si earvin sa 'kin. at don na din ako umiwas ng tingin sakanya.

"It's okay, kung ayaw mo pag usapan." Ayun lang ang sabi niya. gulat na gulat talaga ako dito kay Earvin.

Hindi ako nakapag salita. hindi ko siya nililingon nahihiya pa din ako, siya palang unang nakakita sa akin umiiyak ako. 

Nagulat pa ako nung may inabot si Earvin ng panyo. inangat ko naman agad Tingin ko sakanya, nakatingin lang siya sa dalampasigan. hindi niya ako tinitignan inaabot Lang niya 'yung panyo niya sa akin.

"Hindi ako titingin...umiyak kana." he said in a serious tone.

Hindi ko alam yung pag pipigil kong umiyak, kusa nalang tumutulo ang mga Luha sa mata ko. Magaling ako mag panggap ewan ko bakit sa sinabi ni Earvin, kusa nalang Tumutulo ang luha sa mga Mata ko.

tinanggap ko naman agad 'yung panyo na inaabot niya sa 'kin. agad ko pinunasan sa mata ko ngayon, I found myself sobbing.

Pigil na pigil ako umiyak sa harapan ngayon ni Earvin. Pero ayaw umatras na mga luha ko buhos lang ng Buhos.

"Hina ko." pabulong kong sinabi, hindi ko na tiningnan si Earvin umiiyak lang ako sa tabi niya.

"You are stronger than you think you are." he said.

kaya tinignan ko siya ngayon. Hindi siya talaga tumitingin sa akin, Nakatingin lang siya sa Dalampasigan.

"Lord can heal what you're hiding."

umawang ang bibig ko sa sinabi ni Earvin.

kinagat ko tuluyan ang labi ko para tumigil sa pag iiyak ko, buti nalang talaga at hindi Tumitingin si earvin sa akin.

I cried hardly on my palms.

napatigil ako nung Naramdaman ko 'yung Kamay niya sa ulo ko. Tinatapik niya ng marahan ang Ulo ko, agad ko tuloy siya nilingon at hindi pa din siya bumabaling sa 'kin.

"just Don't give up. great things take time, Believe in yourself."

do'n ko na pinunasan ang luha sa mata ko. inayos ko na muna sarili ko bago siya humarap nang tuluyan sa akin.

"Tapos kana, lumaway?" he asked, I want to laugh dahil sa sinabi n'ya.

Kakagaling ko lang sa iyak pero napapatawa niya ako agad agad.

Dun na siya tumingin sa 'kin, ngumiti na ako sakanya para ipakita ayos na ako. Hinatid pa ako ni earvin sa room namin na mga girls, Bago siya bumalik sa room naman nila na mga Boys.

pag kapasok ko sa Room namin na mga girls. nakita ko Tulog na tulog na talaga lahat sila tumabi na ako kay Stella, nandon kasi siya sa kama ko hinayaan ko nalang siya. Tabi nalang kami matutulog.

nakatitig lang ako sa ceiling namin sa hotel room, kinagat ko ang labi ko at kinuha ang cellphone ko para matext ko s'ya.

Ako:
Thank you, earvin.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Where stories live. Discover now