Chapter 29

23 2 1
                                    


December 31, tinitingnan 'ko ang cellphone ko, alam 'kong hindi pa New Year sa California ngayon. wala akong Natanggap nu'ng Pasko na bati galing sa Parents ko, talagang nagalit sila sa akin.

nakikibalita lang ako sa mga tita ko, binati ko both ang parents ko kaso wala akong natanggap na bati pabalik sakanila nung Pasko.

[Advance Happy new year! Primrose, tumalon kana mamaya para Tumangkad ka naman hindi ka ata abot ni axton e.] mapang-asar na sabi ni Kesper, nag Facetime call kaming apat lahat.

[H'wag ka mag alala kes, si axton naman bumababa para mahalikan ako e, ikaw? sino Bumababa para sa'yo?] Ganti naman ni primrose.

nagtawanan naman kami ni stella sa dalawa.

Umagang-umaga nag babardagulan silang dalawa ngayon.

Nag usap kaming apat binati na namin isa't isa Dahil mamayang Madaling araw busy na lahat. Aabangan ang bagong taon.

[Pakshet! next year graduating na ta'yo lahat.] naalala ko tuloy Graduating na nga pala kami.

Natutuwa ako dahil dito ako sa Pinas nakapag-tapos.

[imagine primrose nakapag graduate ka kahit puro bagsak ka sa Math subject niyo.]

Nag bardagulan na naman silang dalawa umiling nalang ako.

nakikinig lang kami ni stell, si Stella busy siya may sinasagot sia ngayon ka'ya nakatayo ang Iphone niya sa study table.

[Para naman interview job tong sinasagot ko, tinatanong ba naman dito 'What motivates you?] ani stella.

[Kung ako sasagot d'yan sagot ko, Pera.] hindi ko naman mapigilan hindi tumawa ng malakas dahil sa sagot ni primrose.

tumigil nalang kami magsalita bigla may nag Join sa Facetime call. nagulat ako nag Join sila wesley, nixon at si Earvin! ewan ko ba bigla ako nataranta dahil wala pa ako hilamos kakagising ko lang ngayon, Nakapang pajama pa ako habang kumakain ako sa Mini table ko.

Mabilis ko iniwas ang camera sa ipad ko.

[oh! bakit biglang nagtatago isa diyan?] natatawang tanong ni wesley.

[pangit daw kasi pag mumukha niyo ni Nixon.] banat naman ni stella sa dalawa. napatingin ako sa Iphone ko nakita 'kong nag text ngayon lang si Earvin!

Bestie Earvin:
you good?

Happy new year.

napangiti naman ako sa Last na pahabol namessage niya sa'kin.

[Stella, kick out na niyo si Krizia and Earvin para may time silang dalawa. Parang may sariling mundo e.] nanlaki naman mata ko sa sinabi ni Primrose.

"Primrose!" agad kong sabi, nag tawanan naman silang lahat.

akala ko mag sasalita si Earvin pero pagtingin ko sa screen ng cellphone ko nakangisi lang siya.

aba!

[Osya mamayang madaling araw nalang! advance Happy new year!] Ayon ang lang last na sabi ni Stella, pareho kaming nawala ni earvin. umirap naman ako mga 'yon talaga, Ano-anong pinag iisip sa'min.

mas adavance pa sila mag isip.

Nagulat ako bigla ko nakita sa Iphone ko naman tumatawag si Earvin, hindi ko mapigilan hindi ngumiti habang sinagot ko facetime call n'ya.

"Happy new year!!" I said cheerily.

[advance happy new year.] nag half smile naman si Earvin, napansin ko nasa kwarto siya at nakasandal sa Headboard ng kama niya.

Till The End Of Time (Sanicuza Series #1)Where stories live. Discover now