"No. Kung malalaman ni Mommy ngayon ang tungkol sa inyo, let her be. Ayokong umalis kayo para lang magtago mula sa kanya... Hindi kayo isang basura lang... Dinala ko kayo rito dahil pamilya ko kayo, at hindi aalis dahil lang sa Mommy ko. Ayaw ko... A-Ayoko ng ganoon..." sambit niya at mabilis na namula ang mga mata niya.

"Naiintindihan ko naman, Markin. Mas importante iyong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niyang hinalikan ang labi ko para matahimik ako at lumipat din iyon sa noo ko.

"Please... Hindi ko kaya na makikita kayo ni Markiana na aalis sa condo ko dahil lang kay Mommy... Kung malalaman niya ngayon, hayaan mo na ako. Hayaan mo ako na humarap sa aking ina... Just stay here, baby, please..." nagsusumamong sabi niya. "Sapat na iyong itinago ko kayo sa pamilya ko..."

Mahigpit akong niyakap ni Markin at hindi naman namin maiipit ang anak namin na bumalik na naman sa pagtulog.

"Ayos lang ba talaga? Hindi ka ba n-napipilitan lang, Markin?" tanong ko nang kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin.

"Hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko, Rea. At ipagtatanggol ko kayo sa aking ina..." mariin na saad niya.

"Bakit...masungit ba ang nanay mo?" inosenteng tanong ko sa kanya at hinawi ang hibla ng buhok ko.

"Not exactly, but a strict mother. You know," sagot niya at bumaba ulit ang tingin niya sa aming anak. "Alam ko hindi pa niya matatanggap sa ngayon ang anak natin... Pero sigurado ako paunti-unti... She's the eldest grandchild of the clan," he said.

"Paano ka naman nakakasigurado na ang anak mo ang panganay? Ang yabang, ah," sabi ko at humalakhak lang siya.

"Basta alam ko," sabi niya lang at hinalikan ang kamay ng baby namin.

"Pero ang Mommy mo..." nag-aalangan na saad ko. Ayos lang naman sa amin kahit uuwi na kami ni Markiana. Mas inaalala ko lang kasi siya. What if magalit talaga sa kanya ang Mommy niya? At mas lalo siyang kamumuhian nito kapag nalaman nito na may anak na siya? At isa pang babae.

Sa paniniwala nila ay bawal silang magkaroon ng anak na babae. Kaya isa ito talaga sa dahilan kung bakit ayokong ipakilala sa kanila ang baby ko. Kamumuhian lang nila ito.

"Can you stay here? Huwag ka munang lalabas, ako ang haharap kay Mommy," sabi niya at tumango ako. Wala namang problema. Ayoko rin naman kasi na manghimasok pa sa kanila.

"Baka itatakwil na ako ni Mommy, Rea..." sabi niya na hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano kaya matiim kong tinitigan ang mukha niya. Seryoso siya.

"Eh, 'di aampunin ka na lang namin ni Markiana," sabi ko at tumaas ang sulok ng mga labi niya. Sinapo ang aking pisngi saka niya hahalikan ito ng marahan.

"Ang suwerte ko naman sa inyo kung ganoon. Aampunin ako ng mag-ina ko," sabi niya at sinundot pa ang tagiliran ko kaya napaigtad ako dahil malaki ang kiliti ko roon.

Sinamaan ko siya ng tingin pero inulit niya lang ang ginawa niya. "Magigising ang baby, eh!" asik ko sa kanya. Tumigil naman siya at kinuha mula sa akin si Markiana. Hinalikan niya ang pisngi nito saka niya pinahiga ulit sa kama.

Nagkatinginan naman kami ng makarinig kami ng doorbell. Kinabahan ako bigla pero siya ay ngumiti lang.

"Baka ang pizza na iyon," sabi niya. "Kukunin ko lang," paalam niya sa akin saka siya lumabas. Bumuntonghininga naman ako.

Malapit na talaga... Malapit na talagang makuha ni Markin ang tiwala ko. Sa mga ipinapakita niya ngayon sa akin ay talagang mahuhulog na nga ako o baka matagal na akong nahulog sa kanya?

Markin entered into his room again with a box of pizza and drinks. Ngumiti siya ng makita ako. Aba, hindi ba siya kinakabahan na baka darating na ang Mommy niya sa condo niya mayamaya lang? Grabe ang ngiti niya, eh.

The Wicked Painter (Brilliantes Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now