✮ LOVE RIDE 20 ✮

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Nag-deposit!" he shouted.

"Ah, ingat!" I shouted, too. That time, malapit na kaming dalawa sa dulo kaya humarap na ako. Hindi ko na siya nilingon pa.

Nilapitan ko agad 'yong saleslady na nakatinginan ko. I asked her kung meron sila. Dinala nito ako sa gilid at iniabot sa 'kin 'yon.

I-a-ask ko sana kung may other color sila nang mapansin ko sa harap si Dexter, na kunwari tumitingin doon sa mga item sa kabila. Kaya noong napaangat ang tingin niya, nagtama ang mga mata namin.

Doon siya ngumiti. Hindi siya nahiyang lumapit, kaya napangiti na lang din ako. Hindi naman na niya ako kinausap muna kaya I kept talking at the saleslady para matapos na rin naman na.

I just wondered bakit kailangan niya akong hintayin? May sasabihin ba siya? Wala ba siyang lakad?

Noong nakuntento na ako sa quality at price, had assessed the price-quality relationship, tumango na agad ako doon sa saleslady at pinasalamatan siya. Mas mahal nga lang 'to doon sa supermarket, pero bawi naman sa quality.

Kaya naglakad na 'ko papuntang counter. Ramdam kong sumunod na rin si Dexter.

"Ba't 'di ka pa umuwi?" I did not ask this question naman na parang pinaparamdam ko sa kaniya na ayoko siyang kasama. I said it out of curiosity, genuinely asking ba't 'di pa siya dumiretso ng uwi.

"Wala lang. May kasabay ka ba? Would you like to eat something first before umuwi?"

"Wala naman. Sige, gutom na rin ako. Sure! Libre mo 'yan, 'di ba?"

"Yes." Tumawa siya kaya napatawa na rin ako.

Pababa na sana kami papuntang escalator noong naramdaman kong naiihi ako.

"Dex . . . I mean Dexter."

"Okay lang 'yung Dex," he assured. Why?" he added.

"Yes, Dex. Meeting. Nature's calling." Itinuro ko 'yong comfort room.

"I see. Tara!"

Nauna na akong maglakad sa kaniya dahil hindi ko na mapigilan.

"Hey."

Noong natapos na kami, naabutan ko siyang nakasandal sa wall. Nakataas sa wall 'yong isang paa, na parang naka-pose.

Mukhang model nga 'tong si Dexter.

He smiled. Nasa gitna siya ng female and male comfort room. Maliit lang kasi 'yon sa part ng SM Downtown. Una mong makikita 'yong para sa mga pambabae.

"Akala ko naman kung sino," sabi ko, natawa. Naglakad na agad ako. Nakarinig pa nga ako ng tawa sa likuran ko.

"Wait?" pagtawag niya. Napalingon ako. "Nasa'n yung binili mo?"

Para akong baliw na luminga sa dalawang kamay ko, saka napatingin kay Dexter. "Woy, oo nga, 'no . . . "

Malapit na kami sa escalator that time.

Dali-dali na akong tumakbo para bumalik sa CR. Buti na lang, nandoon pa rin sa floor.

Noong nakalabas ako, nakasalubong ko si Dexter. Akala ko, hihintayin niya na lang ako r'on kung saan ko siya iniwan.

"Ikaw." Turo ko sa kaniya nang seryoso.

Napaturo naman siya sa sarili nito, confused. "M-me?"

"Wala kang nakita ngayon."

Ngumiti ito.

"Yes. Don't worry. Embarassing moments are normal."

Napangiti naman ako sa sinabi nito.

"Madali ka naman palang kausap. 'Di tayo magkakaproblema," I acted like parang kontrabida kapag nambabanta.

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ