✮ LOVE RIDE 16 ✮

Start from the beginning
                                    

"No, anak. This bond is for Roxas and Dayrit only. The itenerary is to be followed. Just expect that it would be a three-day bonding trip. And I'm expecting you two," saglit siyang tumigil, itinuro niya kami, "to start packing your things. Kilala ko kayo. Hindi enough ang the day before preparation."

Napakamot ng kilay si Bryle.

Sa huling sinabi ni mama, kahit papaano ay napakalma ako nito at napangiti.

Dati kasi, whenever we bond, whether a vacation or a swimming, hindi talaga enough 'yong the day before na pagp-prepare. Paano ba naman, 'di kami agad nakakapag-decide kung ano 'yong dadalhin namin at isusuot. Isama mo na 'yong marami rin kaming nakakalimutan kahit na nai-prepare naman namin na a day before pa.

"I'm not yet sure about this, Ma," I tried to reasoned out. I know matagal-tagal na nga, pero kasi . . .

"No, anak. This has been a rare thing to happen between their family and us. Since you guys have grown up, masyado nang naging busy. That will be the perfect opportunity to catch up, lalo na sa kumare't kumpare ko. I have missed them, especially the chikas of your tita! It's only three days and we have to be there. Complete. Take note of that! Your Dad will be there, too! Besides, you guys also need to unwind!" she lectured, emphasizing the word 'complete'.

"Okay . . ."

After, nagpaalam na ako sa kanila. Pati na rin si Mama. But before that, Bryle had informed me na sa weekend na 'yong ano nila ni Eunice.

Since 'yong palengke, malapit lang sa terminal, sumabay na si mama sa akin.

"Ma . . ."

Kitang-kita ang kaputian nito na nasisinagan ng araw. Grabe. Sobrang alaga kasi ni mama sa katawan niya. Lagi niya nga akong pinaalalahanan na kailangan kong alagaan 'yong balat ko kung ayaw kong magsisi sa huli. Maalaga rin naman ako sa balat ko. I want to look youthful.

"Oh, anak?"

"About the thing you've said . . ."

"Why? Do you have a conflicting schedule?"

"Wala pa naman, Ma, pero I'm really not sure about that . . . "

"Is this true? Or there's just something that bothers you? You can tell me, anak."

Ngumiti ako. "Basta I'll try po," sabi ko na lang. Hindi ko pa rin nagawang magsabi sa kaniya. Alam ko, kahit na parang pinu-push niya ako kay Mark noong mga nakaraang araw, alam pa rin ni Mama 'yong mga dapat sa hindi at nagtatanong siya sa 'kin dahil concern siya sa anak niya.

When we parted our ways, we hugged each other. Nagbeso rin and she told me na mag-ingat and I said the same.

Noong papasok na ako sa boundary ng terminal, nagulat ako nang nakita ko si mokong na nandoon naghihintay kasama 'yong mga ibang students. Sa dami ng tao, ba't siya unang nakita ko? At wow naman talaga, ba't nasa center siya't magkaharap kami?

When I stopped, napatingin siya sa 'kin.

Dahan-dahan nitong tinanggal 'yong earphones nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin, kaya, 'yong dibdib ko, nagsimula na namang sumigaw.

Pumungay ang mga mata niya saglit, napansin ko ring nagbukas din nang saglit 'yong bibig niya, pero biglang nawala at seryoso pa rin akong tinitigan . . . na parang galit siya na ewan. 'Yong mga kamay niya, nasa bulsa ng pantalon nito.

Pinutol ko ang tinginan namin at nagsimulang naglakad. Buti na lang, hindi ganoong karami 'yong student na nakapila. May kapupuno lang din na jeep na nasa harapan nila, kaya noong na-observe ko na papunta na 'yong next jeep malapit sa mga student at kaunti lang naman 'yong nakapila, dumiretso ako't sinalubong 'yong next jeep, specifically, driver's seat, preventing myself to look at him.

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Where stories live. Discover now