✮ LOVE RIDE 05 ✮

Magsimula sa umpisa
                                    

Kunwaring nagbilang, "Oo, pasok na."

Ang nangyari, sakto lang akong nakaupo. Mas malapit at kalinya ng driver. Isa rin 'to sa kinaiinisan ko, eh. Napabuga ako ng hangin.

Sa kasagsagan ng byahe, dahil usual namang malikot ang mata ko— observing the people— napatingin ako sa katabi ng driver at 'yon! Nanlaki mata ko at mayamaya'y kinabahan saka napalunok.

Nandoon si kuyang naka-white!

As expected, naka-white pa rin, tapos may suot na headphone na black. Hindi ako puwedeng magkamali.

Siya 'yon.

Sabi na nga ba.

Buti siya lang mag-isa.

Hindi ako mapakali sa puwesto ko or baka 'yong puwet ko lang dahil sakto lang nakaupo.

Pasimple akong tumingin, kaso, nakapikit siya, nakatagilid 'yong ulo, nakaharap ang mukha sa side rear view mirror. Natutulog? Wala sa sarili kong pinagmasdan siya through the side rear view mirror.

Ang linis talaga niyang tingnan. Kahit na may kakapalan ang buhok, ang linis pa rin. Hindi nagugulo. Pero ba't muna 'di ka nagsusuot ng ID, ha?

"Bayad nga."

"Ate, paabot naman ng bayad."

Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Nakita kong naiinis ang tingin sa akin noong babae. Napansin kong nakalaglag 'yong isang earphone niya.

Kinagat ko dila ko, nagpigil, saka iniabot ang bayad.

"Bayad daw po!" malakas kong sigaw kahit na si kuyang student na pinakamalapit sa driver ay nakalahad na 'yong kamay sa akin. 'Yong mga mata ko naman, kay kuyang white nakatingin.

Unti-unti naman niyang binuksan mga mata niya. Nag-ayos ng upo at tinanggal ang headphone, ibinababa sa leeg, at tumingin sa side rear view mirror.

Hindi ko alam ba't agad akong nag-iwas ng tingin.

That was new to me!

Pasimple akong nayuko at inayos kunwari ang upo. Muli akong tumingin at nakita kong nakaharap pa rin siya kaya umiwas ulit ako ng tingin, tumingin na lang sa harap ko.

Like, woy, sa 'kin ba siya nakatingin o sa katabi ko, so basically, assuming lang talaga ako?

Narinig kong lumakas tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong huminga sa ilong. Mayamaya, tiningnan kunwari ang phone. Pasimpleng nag-browse sa playlist, inayos ang earphones at pasimpleng tumingin ulit.

Hindi na siya nakatingin.

Hanggang sa 'di na siya gumalaw, bumalik na sa dati niyang pwesto. Hanggang sa natanaw ko na malapit na kami sa univ, kaya agad akong nag-ayos ng mga gamit, nagbabakasakaling makausap siya o makilala man lang.

Tumingin ulit ako sa harap at nakita siyang handa na sa pagbaba, hindi na nakadikit 'yong likod sa driver's seat.

Ano ba, Celine? Lalapitan ko ba siya or ano?

Kulang na lang itulak ko 'yong nasa harap ko. Ang tagal nag-stay na nakayuko. Medyo inilayo ko pa mukha ko. Ang bagal naman kasi kanina n'ong iba!

Agad ko siyang hinanap pagbaba ko. Kaso wala akong nakitang kuyang naka-white. Ang bilis naman niya?!

Binilisan ko paglakad, hanggang sa nakita ko siya na nandoon na agad, mabilis na lumiko papunta sa university entrance, 'yong way na malapit sa pedestrian lane. Bago kasi ang pedestrian lane, may isa pang way kaya dito agad ako tumingin. I expected na dito siya dumaan banda sa mga establishments. Parang shortcut kasi 'to papunta sa other gate. I assumed na baka may kitain pa siya, like mga barkada niya gan'on, knowing na lalaki siya. Nakakainis!

Love Ride (LOVE TRILOGY #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon