Episode 1 : Surprise!

266 0 0
                                        

Avaree\'s pov:

SHE\'S INSANE!

How could she do this to me?! May oras siyang makipagligawan pero sa akin wala? Hmp!

I sat on the couch because I was feeling frustrated. Two days ago, my mom visited me. I thought that it was just a simple visit but the sh*t happened!

Bumisita ang aking ina na may kasamang lalaki na kahit may edad na ay hahangaan pa rin talaga sa kanyang kagwapuhan. Mukha rin siyang respetadong tao at tila ubod din ito ng yaman! Tinitigan ko \'yong lalake dahil parang pamilyar sya sa akin, at no\'ng biglang ipinakilala siya sa akin ni mama ay nagulat ako nang banggitin nya ang pangalang... \'Arthur Devaughn!\'

WHAT THE FUDGE?!

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwalang sya ang taong iyon. That scary man; he\'s just the owner of the finest and luxurious hotels all over the country! He is also her boss! Yes, her boss!

But what really made me so shocked was when my mother said, 'He is my fiancé!\'

Akala ko sa noodles lang may instant... meron din palang instant fiancé?

Magpapakasal na pala sila sa susunod na taon tapos ngayon ko lang nalaman na may nobyo sya!? Urgh! Is that a joke?! I still can\'t believe na sinabi nya \'yon.

Kahit gusto ko silang tanungin ng tanungin, nagmamadali silang umalis dahil may hinahabol silang flight papuntang Europe. Ang malala nito ay tatlong buwan sila doon para daw sa company expansion.

Tsk! Hindi man lang nya hiningi ang opinyon ko!? Ni wala nga akong ideya kung anong ugali ng \'Arthur\' na \'yon! No\'ng tinitigan ko sya, ni hindi man lang nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi sya ngumingiti o ano man! Mukha syang strikto at... at nakakatakot!

Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang magkaibang-magkaiba sila ng ugali ng papa ko. Hindi ako natutuwa.

I hugged the square-shaped pillow and sighed again. Naiinis ako, pero wala akong magawa. Kainis!

Hmn?

Biglang tumunog ang doorbell. May bisita na naman ba!?

Sa pag-aakalang kartero lamang iyon ay hindi ako lumabas ngunit muli na namang tumunog ito. Napatingin ako sa orasan. Alas nuwebe pa lang ng umaga at medyo tinatamad pa talaga akong kumilos kaya naman nakasuot pa ako ng aking pantulog. Sabado ngayon, wala naman akong inaasahang bisita, kaya sino naman kaya ito ngayon?

Sinilip ko sa bintana kung sino ang nasa labas ng gate namin. There was a guy standing outside. He was wearing a black t-shirt and his white cap was blocking his face. Hindi ko tuloy makilala kung sino siya. Hmn?

Lumabas ako at binuksan ang gate. Nakatalikod sya sa akin at bahagyang nangunot ang noo ko sa pagtataka nang makita ang malaking maleta sa kanyang tabi. Bakit? Anong meron?

My Evil StepbrotherStories to obsess over. Discover now