25

266 13 0
                                    

WARNING: SOME SCENE MIGHT TRIGGERED YOU! READ AT YOUR OWN RISK!

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa kabila ng mga nangyari.

Kasalukuyan akong nagmumukmok dito sa loob ng aking silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink-in sa aking isipan na wala na kami.

Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Isang unknown number ang naka flash sa caller id ng phone ko.

"Hello-."

"This is Carl." pagputol nito sa dapat kong sabihin.

Nasabi ko na bang bastos ang lalaking to.

"And?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"Let's meet. Susunduin kita diyan." sasagot pa sana ako pero binaba na niya ang tawag.

Dahil wala na rin naman akong choice ay naghanda na ako at saka siya hinintay sa labas. Ang lawak pa ng ngiti ng mga magulang ko nang malaman na si Carl ang kikitain ko.

Ti-next ko pa itong huwag na pumasok at hintayin nalang ako sa labas.

Mga ilang minuto ay tumawag na ito na nasa labas siya ng gate kaya lumabas na rin ako kaagad. Tila naiirita pa ito pagkakita sa akin.

"Required bang tagalan mo?" nakakunot noong tanong nito.

"Ang daming sinabi ni Mommy okay. Yung bibig mo parang pwet ng pato." saad ko sa kanya sa pasigaw na tono.

Akala niya siya lang naiinis? Pwes ako rin!

"Kaya ayaw kitang pakasalan eh, mabagal na nga pasmado pa bunganga."

"Sino ba rito yung na-late sa first meeting natin ha? Ako ba? Ikaw yung mabagal hindi ako. Letche!"

Wala akong pakialam sa iisipin niya, basta galit ako. Bahala siya sa buhay niya.

Walang imik ako sa buong byahe. Ni hindi ko nga alam kong saan kami pupunta eh.

"Kikitain natin ang girlfriend ko, kailangan nating mag explain sa kanya. Ayokong mag-overthink siya." saad nito nang mapansing naguguluhan ako sa daang tinatahak namin.

"Nawa'y lahat. Ako kase iniwan eh." bulong ko.

"May boyfriend ka rin?" mukhang nagulat pa ito.

Tumango lang ako bilang sagot. Actually ex naman na, nakipaghiwalay na nga pala siya sakin.

"Alam ba niya na-."

"Alam niya at patas lang naman kami. Ikakasal din siya." pagputol ko sa dapat itatanong nito.

"I'm sorry to hear that."

"Ayos lang. No choice na rin naman, kaya nga itong ginagawa natin para sayo na lang ito. Kahit matuloy man o hindi ang kasal natin wala akong mapapala, iniwan na ako kaya-."

"Dont say that Eliza."

Tumawa na lamang ako ng pilit, kahit anong positive thoughts ang isipin ko sadyang nangingibabaw ang mga negative thoughts sa utak ko.

"Gagawin ko ito hindi na para sa akin Carl, para sayo at sa girlfriend mo. Ayokong may relasyon na namang masira ng dahil sa akin. Nasira na ang relasyong apat na taon mahigit kong binuo, ayoko kong pati sa iba madamay pa." malungkot na saad ko sa kanya.

"Thank you."

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin.

Nasa harap kami ng isang malaking bahay na pagmamay-ari ng pamilya ng girlfriend ni Carl.

BRIDE SERIES #1: His Unwanted Bride | ON-GOING | Where stories live. Discover now