13

1K 59 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Lavega para alamin kong nagkakagulo na ba sila. Napangisi ako dahil alam kong napakinggan na ng mga magaling kong magulang ang recording na pinadala ko sa kanila. Kasalukuyan akong nagtatago sa isang madilim na parte ng bahay ngunit rinig ko naman ang pagtatalo nila.

Inaasahan ko nang idedeny lahat ni Bianca ang mga iyon kaya naman napangiti ako dahil umaayon lang lahat sa plano ko. Sa susunod na araw ay magigimbal ang lahat kapag nalaman nilang ipapakulong ng pamilya Lavega ang nag-iisa kuno nilang anak na matagal rin nilang hinanap.

Hindi ako nagkamali dahil kitang kita ko kung paano utuin ni Bianca ang dalawa na agad namang naniwala sa kanya.

“Mommy sinisiraan lang ako ng mga yan. Sa dami ng kalaban n'yo sa business ay malamang isa sa kanila ang nag edit ng recording na iyan para magkagulo ang pamilya natin."

Napangisi ako dahil paniwalang paniwala ang dalawa sa pang uuto nito. Bakit noong ako ang nagmaka awa sa inyo hindi niyo ako pinakinggan gayong totoo naman lahat ng mga sinasabi ko samantalang sa mapagpanggap na babae ay ang bilis ninyong maniwala.

Nang mapansin na wala na akong makukuha pa sa kanila ay agad na rin akong lumabas gamit ang bintana ng aking dating silid. Hindi ko alam kong bakit walang nilagay na bantay dito sa likod, siguro ay kampante sila masyado na walang magtatangkang pasukin sila. Kaya naman walang kahirap hirap kong napapasok ang bahay dahil dito.

Dumiretso naman agad ako sa hospital para dalawin ang kaibigan. Mukhang hindi ito nagsasawa kakapikit kaya wala nang balak magising. Nadatnan ko si Andrie na nagbabantay dahil lumabas saglit ang kasama nito para bumili ng makakain nila. Talagang babae pa yung inutusan!

“Kamusta? Tulog pa rin ba?" natawa naman ito sa tanong ko bago tumango.

“Mukhang favorite hobby po talaga ni sir ang matulog kaya ayan wala na atang plano magising." nagbibirong saad nito na siyang kinangiti ko.

Nagpapasalamat din ako sa kanilang dalawa ni Xyrielle dahil hindi nila pinabayaan ang kaibigan ko. Talagang maaasahan ko sila sa anumang sitwasyon.

“Pinagpalit mo na ako ngayon Ma'am Eli sa lalaking yan?" nagulat naman ako ng biglang dumating si Xyrielle bitbit ang mga supot ng pagkain na binili nito sa labas.

Tinaasan ko naman ito ng kilay dahil nagtataka sa kanyang mga sinabi.

“Nakikipagtawanan ka na sa kanya samantalang sa akin laging seryoso. Kakausapin lang ako pag may utos." nakasimangot na saad nito na siyang kinalaki ng mata ko.

“Gusto mo bawasan ko sahod mo?" nang aasar na tanong ko rito.

“One two three, ziiiiippppp" saad nito habang kunwaring sini-zipper ang bibig.

Napangiti ako ng nag-asaran na naman sila ni Andrie dahil agad na tinawanan ng isa pagkarinig ng sinabi ko. Napailing nalang ako sa kakulitan nilang dalawa.

“Alam n'yo bagay kayo!" seryoso kong saad sa kanila na kinatahimik nila. Nagkatinginan pa ito at umaktong nasusuka na akala mo talaga ay nandidiri sa isa't isa. Nakangisi ko naman silang tiningnan habang unti unti silang lumayo sa isa't isa.

Saglit lang akong tumambay sa hospital at iniwan din sila dahil kailangan kong bisitahin ang kompanya ni Jude. Kung hindi ko pa nababanggit ay wala na ang ama ni Jude dahil sa isang aksidente noon lamang nakaraang taon, ang ina naman niya ay namatay noon pagkapanganak sa kanya kaya tuluyan nang napasakanya ang kompanya ng daddy niya.

Mabuti na lang at maaasahan ang mga staff n'ya rito kaya wala akong ibang pinoproblema. Kailangan ko lang puntahan ito para pirmahan ang mga importanteng papeles. Malapit lang naman ito sa hospital kaya hindi ako natagalan at nakarating din ako kaagad.

Pagkarating ko ay binati ako ng mga empleyado, binati ko naman sila pabalik bago dumiretso sa opisina ni Jude. Naroon na ang mga papeles na kailangan pirmahan dahil inutos ko ilagay lang lahat sa table nito. Inubos ko ang aking buong araw sa pagbabasa at pagpirma ng mga dukomento. Nang matapos ay umuwi na rin ako sa condo at nagpahinga.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan kong sa labas na kumain dahil tamad na rin akong magluto. Sawa na ako sa mga canned goods. Pumunta ako malapit na Jollibee at doon na naghapunan. Saktong kakaupo ko sa aking harapan nang makita ko si Bianca na dumaan kasama ang isang lalaki. Nakaakbay ito sa kanya at masaya silang nagtatawanan. Pasimple ko silang sinundan nang hindi nila napapansin, kita kong dumiretso sila sa restroom at doon ginawa ang hindi dapat nila gawin.

“Five hundred thousands babe kapalit ng gagawin natin." Napangiwi ako sa narinig na sinabi nito sa kasamang lalaki na tila hayok na hayok sa kanyang katawan dahil patuloy ito sa paghawak sa maseselang katawan ng babae. Kita ko namang enjoy na enjoy sila sa ginagawa. Napangiti ako bago sila kinunan ng litrato, nang masigurado na sapat na ang mga ibedensiyang maari kong magamit ay umalis na rin ako kaagad. Siraulo sila at hindi ko na kasalanan kong bakit hindi sila nag lock ng pinto, nasilip ko tuloy. haha

Pinabalot ko na lamang ang aking pagkain at nagdesesyon sa condo nalang kakain, nagdagdag na lamang ako ng bayad na kinatuwa naman ng waiter na nag asikaso sa akin.

Kakatapos ko lang kumain at nag-iisip ako kung anong magandang gawin dito sa litratong nakuha ko kanina. What if e send ko ito sa fiance niya? Napangisi ako sa naiisip kaso agad ding tumanggi ang kabilang parte ng utak ko. Mas maganda kapag marami ang makakaalam para siguradong mas malala ang damage na makukuha nila.

Sa tulong ng demonyo sa aking utak ay nakaisip ako ng magandang gawin. Agad kong tinawagan si Xyrielle na agad niya namang sinagot. Sinabi ko ang dapat niyang gawin na agad niya namang sinang ayunan.

Nag online ako sa aking dummy account para abangan ang isang magandang pasabog ni Bianca. Sadyang ginawa ko ang account na ito na naka follow sa kanya para naman malaman ko ang mga ganap sa buhay nito na makakatulong para sa mga plano ko. Inayos na rin ito ni Xyrielle para hindi ma trace ang totoo kong katauhan.

Maya maya pa ay tuluyan akong napahalakhak nang sunod sunod na nakita ang litrato nito na naka post sa mismong account niya sa facebook. Gamit ang talento ni Xyrielle sa hacking ay madaling naipost ang mga litrato. Mas lalong nagpatawa sa akin ang caption na DID YOU ENJOY HONEY?

Mukhang napagtripan pa nga ng dalawa, kanina kase ay naikwento ko sa kanila kong paano ko nakuha ang mga litrato na iyan. Ang sabi ko lang ay ipost nila kaya hindi ko na kasalanan kong may kasamang caption iyan.

Marami ang nag comment at nagshare sa mismong post. Kita ko naman sa ibang facebook friends ko na naka screenshot ito at pinost ulit at ang iba naman ay talagang sinave ang picture saka ulit pinost.

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil siguradong sa oras na ito ay nagwawala na ang babaeng iyon. Masasabi kong sikat si Bianca sa social media dahil umaabot ng 100 thousand plus ang mga followers nito, kilala rin ito bilang nawawalang anak ng mga Lavega at bilang fiance ni Axel.

Tingnan natin kong paano mo haharapin ito sa ngayon, tiyak na pagpipyistahan ka ng lahat at sa oras na ito panalo ako.

****

cyrexzyrnx:

Visit my profile if you want to read one shot stories and an open letter. Thank you.

Don't forget to comment, like and share this story. Also please follow me.

Follow also my social media accounts:
fb: Cyrex Zyrnx Wp
Twitter: cyrexzyrnx
TikTok: cyrexzyrnx

BRIDE SERIES #1: His Unwanted Bride | ON-GOING | Where stories live. Discover now