5

1.4K 104 4
                                    

“Samantha! Buksan mo ang pinto!"

Nagulantang ako sa malakas na sigaw ng asawa ko, kasabay ang malakas na pagkalabog nito ng pinto na dahilan ng halos pagkasira nito.

“Samantha are you deaf or something, buksan mo ang pinto!" sigaw nito ulit ng hindi ako sumunod agad.

“What do you need Ace?" - nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang nakakunot nitong noo at mukha na animo'y kakain ng tao sa sobrang galit.

“You fucki'n sign the annulment papers?" - tila hindi makapaniwala nitong tanong.

Halos mapamura ako sa tanong nito. Ginagago ba niya ako?

Naguguluhan man sa inasta niya ay marahan akong tumango.

“Bullshit Samantha. Who give you a permission to do that?" - bulyaw nito sa akin.

“Seriously Axel? Diba yun naman ang gusto mo? Ang pumirma ako! Ano't tila galit na galit ka ngayon! Konting proseso nalang malaya ka na gaya ng matagal mo ng hinahangad." - bulyaw ko din sa kanya.

Punong puno ako ngayon dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. Nakalimutan na ba niya kung paano niya ako pinilit para lang sa annulment na yan.

“Samantha!" - may halong pagtitimping tawag nito sa pangalan ko ngunit hindi ako nagpatinag.

“Pagod na ko Axel, kaya ayan ginawa ko na ang gusto mo! Do you remember how many times you hurt me physically para lang ipilit sa akin ang pagpirma ng mga yan? Kase kung nakalimot ka Ax, ako hindi." - masakit na saad ko sa kanya saka sinulyapan ang iba't ibang pasa ko sa katawan gawa ng pagbubuhat niya sa akin ng kamay.

Takot ako sa asawa ko sa maaring gawin nito sa akin, pero tila nawala ang takot ko na iyon ngayon dala ng sobrang sakit at pagkamuhi nito sa kanya.

“Get out of my room Ax, nagliligpit na ako ng gamit. Aalis na ako sa puder mo, feel free to marry Bianca if the annulment success." dire-diretsong ani ko. Hindi ko pinansin ang matatalim na tingin nito sa akin.

“Alam mo?" - gulat na tanong nito na tila hindi inaasahan ang aking tinuran.

“Do you really think I'm stupid?" may halong sakit na tanong ko sa kanya.

“Fuck you Samantha! Sa tingin mo matatapos na ang paghihirap mo?" ani nito at akmang hihilain ang buhok ko ngunit mabilis akong umiwas.

Kita ko ang panggagalaiti sa mukha niya ngunit hindi ko na iyon binigyang pansin.

“Wala akong pakialam Ax. Kasama ka palang sa isang bahay sobrang paghihirap na para sa akin. Kaya ang maka alis sa puder mo ay isang tagumpay. Umalis ka na!"

Lumabas ito na may mabibigat na hininga na tila konting konti na lang ay sasabog na siya.

Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit ko. Ngayong nakapagdesesyon na ako ay wala nang makapagpapatigil sa akin. Alam ko ang halaga ko at hindi ko iyon hahayaang sirain ng pagmamahal.

Pagkatapos kong iligpit lahat ng gamit ay lumabas na ako. Wala akong naabutang tao pagkakababa ko, marahil umalis na rin siya. Kung saan man siya nagpunta ay wala akong pakialam, baka nga nasa bahay na ito ni Bianca at nag cecelebrate na sila sa tuwa.

Dala ang saliring sasakyan ay nagtungo ako sa bahay ng mga magulang ko.

Pagkarating ko rito ay masamang tingin ng mga magulang ko ang bumungad sa akin.

“Why are you here Samantha?" - tila may bahid ng inis na pagtatanong sa akin ni mommy.

“Mommy? Umalis na po ako sa bahay!" malungkot na saad ko. Inaasahan ko ang mahigpit na pagyakap nila upang pagaanin ang loob ko. Ang pagsabi na nasa tabi lang sila at hindi nila ako iiwan ngunit hindi iyon ang nangyari.

BRIDE SERIES #1: His Unwanted Bride | ON-GOING | Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon