Chapter 3

16 6 5
                                    

Kahit paano gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos naming magdasal. Pinakiramdamn ko ang mga nangyayari sa labas. Tahimik na. "Okay ka lang ba?" tanong ko kay Vj. Nakaupo lang ito sa sofa na nakatulala. Nilapitan ko sya at tinabihan. "Tito, sa tingin mo ba babalik din sa dati ang lahat bukas?" balik tanong nya sa akin. "Hindi ko alam, Vj." sagot ko sa tanong nya. "Tara sa labas" baling ko sa kanya. "Kailangan natin makipag usap sa iba kung anong mga dapat naitn gawin. Lalo na at mukhang tayo tayo nalang ang nadito." patuloy ko, tumayo na ako. Tumango sya sabay tayo.

Paglabas namin naabutan kong nayoyosi yung lalaki sa room 2, habang nakatingin sa labas ng bintana, malalim ang iniisip nanginginig ang kamay niyang may hawak na sigarilyo katabi nya ang kanyang kinakasama na umiiyak habang sinusubukan parin tumawag gamit ang kanyang cellphone.

Tiningnan ko ng mabuti ang paligid. Sila lang pala ang tao dito sa labas. Siguro nagsipasukan na sa mga kwarto nila ang iba. Tinabi na pala nila yung pangtatlong taong dining table. Mas madami na ang pwedeng tumayo sa gilid ng bintana upang makita ang labas. Wala din namang makikita kahit ilang beses na nilang tinutokan ng ilaw ng flashlight. Wala parin kahit na ano sa labas, wala kundi kulay itim. May mga parte ng bahay na madilim dahil kaunting parte lang ng bahay ang naiilawan ng mga ilaw.

Tumingin ako sa kisami. May isang mahabang florescent light dito sa kusina na nagbibigay ng liwanag na umaabot sa hallway papunta sa veranda. Kung gabi ay ito lang ang nag iisang ilaw na iniiwanang nakasindi dahil sapat na ang liwanag nito para sa mga lalabas sa gabi upang gumamit ng banyo. Sa hallway naman ay mayroong isang may kalakihang bombilya na masyadong maliwanag kaya minsan lang ito pinapailaw. Sa veranda naman ay tatlong LED lights. Isa sa kanan at isa sa kaliwang bahagi ng kisame at isa naman sa gitna. Hindi kasing liwanag ng ilaw sa hallway at ng sa kusina pero may liwanag naman kasi na nanggagaling sa poste sa labas kaya maliwanag parin sa veranda kapag gabi. Maliban syempre ngayon. Sa may hagdanan naman pababa ay mayroon ding bombilya na katulad sa hallway. Hindi ba dapat nakasindi yung ilaw sa may hagdanan? Dali dali akong pumunta sa may hagdanan.

Napatingin ang mag live-in partner sa akin. "Di ba kanina may ilaw naman dyan sa baba?"tanong ko. "Oo pero ngayon wala na" umiiyak na sahot sa akin ng babae. "Sa baba kasi ang switch nyan kaya hindi natin mapailaw." sabi naman ng lalaki. Kaya pala. Ano naman din kaya ang kaibahan kung may ilaw sa hagdanan? Tanong ko sa isip ko? Siguro makakababa kami kina Aling Mildred? Kamusta kaya sila doon sa baba? "Aling Mildred!" sigaw ko. "Aling.." naputol ang pagsigaw ko ng magsalita ang lalaki sa likuran ko. "Kanina pa kami sumisigaw sa baba. Wala talaga. Walang nakakarinig kaya walang sumasagot." sabi nya sa akin. Nagsilabasan naman ang mga kasama namin dito. "Kuya, may sumagot na ba?" tanong sa akin ni Ellie. Umiling lang ako. Nanlumo naman sya kaagad at napaupo sa may lababo hawak na din pala ang kanyang cellphone. "Walang signal. Walang channel sa TV. Walang internet." biglang nagsalita si Kuya 1. Lahat kami nakatingin sa kanya. Sa tingin ko sya ang pinaka matanda sa amin. "Tayo-tayo lang ang nandito kaya mabuti na magtulungan tayo." sumang ayon naman kaming lahat sa sinabi nya. "Pwede ba magpakilala muna tayo sa isat' isa?" mungkahi naman ng babae sa room 2. Dalawa lang kasi ang kilala ko ang pangalan dito, Si Vj at si Ellie lang." patuloy nya. Tama nga naman, hindi pa din namin alam ang pangalan ng isa't isa. "Ako nga pala si Beverly" pakilala nya. "Ako naman si Samson. Tawagin nyo nalang akong Sam. Pakilala din ni kuya room 2. "Ako si Marco." si kuya 1. "Ako si Jake, Girlfriend ko si  Adie. pakilala ng Room 6, bahagyang ngumiti lang si Adie. Sunod naman na nagpakilala ay ako. "Ako si Jules, at si Vj naman to, pamangkin ko." Pakilala ko. "Ako po si Ellie." sunod na pakilala ni Ellie. Ngumiti kami sa kanya. Sa tingin ko kakilala na nya lahat ng nandito. "Ako si Max." maikling pakilala nung babae sa room 4. Ngayon ko lang sya narinig na magsalita. At ngayon ko lang din nakita ng maayos ang mga mukha ng lahat.

Si Kuya Marco ay medyo malaki ang tyan. Maputi at medyo maypagka singkit ang kanyang mga mata. Mas matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada. Tiningnan ko ng mabuti ang lahat. Mukhang ako ang pinaka matangkad sa mga lalaki. Pangalawa naman si VJ. Si Sam ang pangatlo sa pinaka matangkad sunod nito si Kuya Marco, at ang huli ay si Jake. Sa mga babae naman ay si Max ang pinaka matangkad. Sa tingin ko kasing tangkad nya si Jake. Si Ellie naman at si Adie ay magkasing tangkad lang yata. Ang pinakamaliit ay si Beverly. Naputol ang pag kukumpara ko ng height nung magtanong si Kuya Marco. "Ano ng gagawin natin sa ngayo?" Hindi ko alam kung bakit parang sa akin siya nakatingin kaya sumagot nalang ako. "Siguro mas mabuti na maghintay nalang muna tayo. Baka kapag sumapit na ang umaga ay bumalik na lahat sa dati." sa tingin ko iyon na pa lang ang magagawa namin sa ngayon. "Sana nga." Sagot ni Beverly saabay yakap sa baywang ni Sam. "Paano pag hindi?" napatingin kaming lahat sa sinabi ni Max. "Uy wag naman ganyan." sagot ni Beverly sa kanya. "Gusto ko lang malaman kung anong gagawin natin kung hindi na babalik sa dati?" naiiyak ngang sabi. Hindi na nya hinintay na may sumagot sa amin. Tumalikod na sya at pumasok sa kwarto nya.

Ang DilimWhere stories live. Discover now