Ikapitong Kabanata

7 1 1
                                    

Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ng kuwarto. Nang maisipan ko ang isang tanong na kanina ko pang gustong itanong. Nagkataon pa na hawak na ni Jake ang door knob.

"Jake." tawag ko dahilan para lumingon siya sa kin.

"Sino nga palang nagbantay kay Janine?"

          Ngunit, hindi niya ako pinansin sa halip binuksan niya ang pinto. At nauna nang pumasok si Aiza sa loob. Umalis na rin si Jake.

"Pasok ka na." sabay ngiti niya.

          Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Ngunit, nabigla lamang ako nang may humawak sa kaliwang kamay ko sabay yakap.

"Ok ka lang?" habang yakap siya sa kin nang mahigpit. Madali ko naman siyang nakilala dahil sa boses niya.

"Ok ka lang ba?" sabay kumalas ng yakap sa kin. At inalalayan ako nang upo, mahimbing namang natutulog ang kapatid ko. Sasagot pa nga sana ako, nang sumingit si Aiza.

"Sa labas muna ako, Thea." tumango lamang ako bilang sagot. Ito yung kauna-unahang nayakap ko si Maam Maricel. Gustong gusto kong itanong kong nasan si Noa? Nauntag lamang ang pag-iisip ko nang hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Kamusta na nga pala ang Nanay mo?" nakangiting wika nito, dahilan para makaramdam ako ng paghirap ng lunok. Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya.

"O-ok naman po siya." sabay harap kay Maam Maricel. Na para bang hindi ako nakaramdam na gusto kong umiyak. Kita ko naman ang pagngiti ni Maam Maricel. Ngunit, halatang-halata naman ang lungkot sa mga mata niya.

"M-maam ok lang po kayo?" at siya naman itong napaiwas nang tingin. Agad ko naman siyang niyakap habang inaalo.

"You know Thea, matagal ko nang sinabi sayo ito." sabay harap niya sa kin.

"Ang alin po Maam?"

"Don't call me Maam." sabay ngiti nito.

"O-opo Tita."

            
           Natapos naming mag-usap ay umalis na rin si Maam Maricel. Inanyayahan nya pa ako. Na kapag makalabas na kami nang Hospital. Ay pumunta kami sa kanila. May iniwan pa siyang pagkain para daw hindi ako gutumin. Sakto namang pag-alis ni Maam Maricel ay bumalik na rin si Aiza at si Jake. Pero, bago pa man siya pumasok. Ay may siningit pa si Aiza.

"Where's Noa?"

            Umiling lamang ako bilang sagot, kasi totoo namang hindi ko alam. Mabilis na lumipas ang mga araw. At lalabas na kami ng Hospital. Namomroblema ako sa laki nang babayaran.

"Thea, ok ka lang?" nang masalubong ko si Jake galing CR. Tumango lamang ako bilang sagot, pero hindi pa rin siya tumitigil kakahrang. Iniisip ko lang naman kasi, kung paano kami makakalabas dito.

"Hey, i know you're not ok." habang hinahabol ako paakyat sa taas.

"Anong problema?" tanong nya kaagad, nang mapahinto ako sa harapan nya. Pinakita ko kaagad ang papel na dala-dala.

"Namomroblema ka dito?"

         Tumango lamang ako bilang sagot sa tanong nya. Ni hindi ko man lang siya nakitang namroblema pagkakita sa laki ng babayaran eh.

"Don't worry." sabay diretso sa kung nasan kami nag-stay.

"Hey Jake, what do you mean?" ako naman tong humabol sa kanya. Di ko kasi maintindihan yung sinasabi nya.

"Pss." singit naman ni Aiza dahilan para matahimik ako.

        Parang ang sarap ipag-umpog nitong dalawa. Parang sila lang ang nagkakaintindihan ah. Tapos para akong hangin dito, na walang kaalam-alam sa pinag-uusapan. Agad naman akong pumunta sa kuwarto para ihanda na ang mga gamit. Dahil maya-maya lang ay aalis na din kami. Di ko nga lang sure kung makakaalis ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Way to RememberWhere stories live. Discover now