Unang Kabanata

50 8 1
                                    

"Janine, pupunta ka ba ng School?" rinig kong tanong ni Nanay sa bunso kong kapatid. Na nasa labinlimang taong gulang na. Lagi nalang kasing umaalis ito ng bahay. At hapon na bumabalik, tumango lamang ito bilang kasagutan.

            Maya-maya pa, dali-dali akong nagtungo sa kusina. Para uminom sana ng tubig. Pero, hindi iyon natuloy ng biglang tinawag ako ni Nanay.

"Althea, anak pumarito ka muna."

             Hindi ko muna tinuloy ang plano kong pag-inom ng tubig. Babalik naman ako sa kusina maya-maya lang pagkatapos ng sasabihin ni Nanay. Pero, nagulat na lamang ako ng hindi si Nanay ang nasa labas kundi sina Aiza at Rona. Na todo ang ngiti, kung iisipin mo'y parang wala ng bukas. Lumingon-lingon muna ako sa paligid upang hanapin ang presensya ni Nanay.

"Asan si Nanay?"

              Dali-dali naman nila akong hinawakan sa magkabilang kamay.

"Kami na ang nagpaalam sayo, Thea." tugon ni Aiza na nasa bandang kanan ko.

"Hoy sandali!!!" pagpupumiglas ko pa para bitawan nila ako. "San nyo ba ako dadalhin?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Di mo ba naalala?" singit pa ni Rona na nasa bandang kaliwa ko.

               Pilit ko namang inaalala kung ano bang meron ngayon. Ni wala nga akong maalala na anumang okasyon.

"Alam mo ba na malapit na ang eleksyon?" paalala pa ni Aiza. Tumango-tango lamang ako dahil isang buwan na lang pala. At maghahalal ulit kami ng panibagong Presidente ng aming bansa. Kabilang na rin doon ang iluluklok na panibagong gobyerno.

"At saka, isa pa bibisita daw sa ating Barangay. Ang ating mahal na Governor Ben Concepcion." habol pa ni Rona. "At malay mo ay may anak yun na lalaki na kaedaran lang natin." hirit nya pa sabay aktong kinikilig. Dahil umiral na naman ang pagiging malandi hahaha.

           Nang makarating, sa Barangay kung saan gaganapin ang meeting. Ay agad kaming naghanap ng mapagpupuwestuhan. Kukunti palang naman kasi ang tao. Dahil isang oras pa bago magsimula ang meeting. At hindi pa din dumadating ang mangongompanya. Nandoon na rin ang kapitan, konsehales ng Barangay namin. Tanda ng excited na rin silang makita ang governor namin. Pero, bakit parang may iba akong pakiramdam? Gustong-gusto kong umuwi sa bahay at matulog nalang.

"Hoy Thea!!! ayos ka lang?" sigaw ni Aiza na nasa bandang kaliwa ko. "Kanina pa ako nagsasalita di mo man lang ako pinapansin." may halong tampo ang boses nito. Nagtinginan tuloy ang mga taong nasa harap namin.

           Di ko alam, bakit parang may nag-udyok sa kin na umuwi. At manood nalang sa bahay.

"Uwi na tayo." aya ko pa sa kanila, ngunit ng akmang tatayo na ako. Ay sabay pa nila akong hinila pabalik sa upuan. Dahilan para magtinginan ang mga tao sa min. Agad ko naman silang nginitian, na para bang walang nangyari.

"Ayan na nagsasalita na ang SK natin." dahilan ko para umayos na nang upo. Ang dalawang nasa tabi ko. Di ko rin namalayan na madami na din palang tao. Na halos, hindi ko na makita ang dulo. Nang lumingon ako sa likuran.

"Magandang hapon mga kabarangay Sampaguita!!!" energetic na bati ng SK dahilan para magpalakpakan ang mga tao.

"Sino ng excited na makita ang bisita natin ngayon?" sabay-sabay namang naghiyawan ang mga matanda na kung iisipin mo'y concert ang pinuntahan namin.

           Hindi ko na magawang lumingon sa bandang likuran dahil abala akong makinig sa nagsasalita.

"Sandali!! Sandali!! may mga bagong mukha akong nakikita dito sa Barangay natin." sabay kaway kaway pa ng kanang kamay nito." At siyempre iwelcome natin sa ating Barangay ang Barangay Ilang-ilang!!" (gawa-gawa ko lang po yan.)

A Way to RememberWhere stories live. Discover now