Ikatlong Kabanata

9 5 0
                                    

Doon ako natauhan sa sinabi niya, akala ko ako lang ang nakakakita non sya rin pala. Magtatanong pa sana ako ng biglang pumasok si Noa habang hawak-hawak ang cellphone.

"Thea, sa labas muna pala ako." sabay ngiti nito ng pang-aasar. Hahampasin ko pa sana sya pero dali-dali na itong lumabas.

"Are you okay?" tanong nito ng mapansing nanahimik lang ako sa tabi. Tumango lamang ako bilang sagot, di pa din ako nakakamove-on sa sinabi ni Aiza.

"Thea." tawag muli nito.

"Ano yun?"

        Dali-dali naman nitong iniabot ang cellphone sa akin. At nakita ko roon na magkatexts sila ni Maam Maricel.

"Tara na." aya ko sa kanya para maihatid ko na palabas ng bahay.

"How about you?"

"Wag mo na akong alalahanin, at saka thank you pala sa pagpunta." muling ngiti ko.

"Aren't you tired?" umiling lamang ako sa tanong nya. Hindi ako sanay na may nag-aalala sa kin na ibang tao.

"Baka ikaw ang mapagod, dahil tumulong ka pa." balik ko sa kanya.

"Are you worried about me?" nakakunot ang noong tanong nya, agad ko naman syang inirapan. Nag-aalala lang naman ako tapos lalagyan pa ng meaning.

"Hindi nagtatanong lang." sabay muling irap, nawala tuloy sa isipan ko ang tungkol sa kapatid.

"Alam mo mas bagay sayo ang suplada." sabay tawa muli nito.

"Alam mo Noa, mabait akong tao, pero wag mo lang sagarin ang pasensya ko." kunwari ay pananakot ko dali-dali naman itong sumakay sa kanyang kotse.  Tatanungin ko pa sana sya, pano nya nakilala ang kapatid ko? Eh, samantalang mas nauna ko pang nakilala si Noa kaysa sa kanya. Naudlot lamang ang pag-iisip ko ng muling may humintong sasakyan sa harapan ko. Panigurado si Noa ito. Mga ilang minuto na rin kasi ang nakalipas ng makaalis ito.

"Ba't ka-?"

        Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang makitang ibang tao ang bumaba ng kotse. Magkasingkulay kasi sila ng kotse na itim. Tatanungin ko pa sana sya bat sya bumalik?

"Natulala ka?" dahilan para bumalik ako sa katinuan.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

         Binigyan ko naman sya ng daan para makapasok. Sakto namang labas ni Nanay ng bahay.

"O Jake, andito ka na pala." sabay hila nya sa loob ang binata. Kanina pa din ako nagtataka, bakit di ko nakikita si Rona? Kaya wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob. At hinanap si Aiza para itanong kung nasan si Rona. Umuwi na pala, magpapaalam pa daw sana ito kaya lang nagmamadali. At hindi na makakapasok sa loob.

"Thea, kausapin mo muna si Jake total matagal na rin namang hindi kayo nag-uusap." pangungumbinsi pa nito.

"Ahh.. Tita di na rin naman pala ako magtatagal. Dahil may lakad pa po ako eh. Kung pwede po bang isama ko si Thea?" sabay tingin sa kinatatayuan ko dinamay pa ako. Tatanggi sana ako, kaya lang pumayag si Nanay. Nagpaalam na rin si Aiza na uuwi na, dahil madami pa syang gagawin.

          Habang nasa loob ng kotse, di ko maiwasan ang magbuntong-hininga. Di ko alam, bakit kinakabahan ako ngayon. Eh si Jake ang kasama ko.

"Kanina ka pa buntong-hininga ng buntong hininga ah. Do you have a problem?" tanong nya dahilan para matigil sa kakabuntong hininga. At muli itong nagfocus sa pagdadrive.

"Wala." i lied.

           Sa totoo lang gwapo naman talaga si Jake. Half American and Chinese kaya mahahalata mo talaga sa mukha nya na hindi sya Pilipino. Magkaibang-magkaiba sila ni Noa. Si Noa alam ko hindi sya pure Filipino. Pano ko nalaman? Secret isumbong nyo pa ako ay. Nauntag lamang ang pagtitig ko kay Jake. Nang magsalita ito.

A Way to RememberWhere stories live. Discover now