Ikalawang Kabanata

11 5 0
                                    

Matapos naming mamili ay dali-dali na kaming umuwi. Para hindi na kami makita ni Nanay.

Maya-maya pa ay muli na namang umingay ang kapaligiran. Iyong ingay na nagmumula sa mga sasakyan na araw-araw umiikot. Upang magpangampanya ng kanilang gustong manalo na Kandidato. Dahan-dahan akong nagtungo malapit sa pinto. At sinilip kung marami bang mga tao sa labas. At hindi nga ako nagkamali, naroon ang mga tatakbong mula sa Gobyerno, Vice Governor hanggang sa Konsehal ng Bayan. Ngiting-ngiti ko pa silang pinagmamasdan mula sa maliit na butas ng aming pinto. Doon lamang ako nagulat ng bigla itong bumukas. Dahilan para mabunggo ang ulo ko.

"Aray ko." reklamo ko habang hawak-hawak ang bahagi ng noong natamaan. Daglian namang napalingon sa kinatatayuan ko ang mga taong nasa harapan ng aming bahay.

"Ay hala ate nanjan Ate sorry nanjan ka pala." paghingi ng paumanhin ng kapatid ko.

"Ay hehe ok lang." sabay tingin sa mga taong nakatingin sa kin. At nginitian ito ng pilit. Na para bang walang nangyari. Ngunit, agad din naman iyon napalitan nang simangot. Nang mahagip nang mga mata ko ang taong kahit unang kita ko palang ay naiinis na ako.

Dali-dali kong sinarhan ang pinto, upang hindi ko na makita ang pangit na imahe na nakita.

"Anong ginagawa non dito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili. At sa oras na iyon, ay nawaglit sa aking isipan. Na anak nga pala nang Kongresista ang binatang iyon.

"Ate, anong nangyayari? Ba't nagkakaganyan ka?" nagtatakang tanong ng kapatid ko. Dahil biglaan lamang akong nagkaganto nang dumating ang mga Kandidato. Ngunit, napatigil lamang nang may mapagtanto. "Wag mong sabihing-"

Hindi na nya natuloy ang kanyang sasabihin. Dahil agad kong binuksan ang pinto para hindi na niya paghinalaan. Na iniiwasan ko ang anak ng Kongresista. Bumungad naman sa kin ang mukha ng binata pagkabukas ng pinto.

"Anong gina-" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil biglaang sumingit ang kapatid ko.

"Hello po." panimula nito.

"Hello." sagot naman nito habang nakangiti. Babalik na nga sana, ako sa loob ng kwarto. Nang muli, akong hinila ng kapatid palabas ng bahay. Sumunod naman sa min itong asungot nato. Agad naman syang lumapit sa kinaroroonan ng mga Kandidato. Dahilan para humiwalay kami ng kinaroroonan.

"Hello po, Magandang Umaga." panimula ko sa tumatakbong Mayor ng aming Bayan. Na si Mayor Dante Oliveros, nung nakaraan. Sya rin ang tumakbo bilang Mayor ng Calapan.

"Kamusta ka na iha?" sabay kamay sa kin.

"Mabuti naman po Mayor."

"Iha, nag-aaral ka pa ba?"

"Opo, bale magfifirst Year College na po ako ngayong pasukan." sagot ko naman sa tanong nya.

"Kung ganun, nakapag-apply ka na ba-" hindi ko na tuloy narinig ang sinasabi ng kausap. Nang mapunta ang atensyon sa kapatid. Dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko alam, sa pagkakataon na yun. Ay parang may nararamdaman akong hindi maganda. Ngunit, nabawasan lamang iyon nang ngumiti sa kin si Noa. At sumunod sa aking kapatid. Tuloy-tuloy ko pang nakausap ang ibang mga kasamahan nito.

Alasdusi na nang sila'y makaalis ng bahay. Unti-unti na ring nag-alisan ang mga kasamahan ng mga nangangampanya. Dahil pupunta pa ito sa ibang Bayan.

"Maam, salamat po muli sa pagbisita."

"Walang anuman yun Iha, sana minsan magawa nyo din kaming pasyalan sa aming bahay. Magaan na rin ang loob ko sa inyong magkapatid. Dahil magkaibigan na rin kayo ng anak ko." napaisip tuloy ako sa sinabi ni Maam Maricel. Kung alam lang nito na malaki ang inis ko sa anak nya.

A Way to RememberWhere stories live. Discover now