IKAANIM NA KABANATA

11 1 0
                                    

          Ilang minuto din pala na hindi ako nakapagsalita sa harapan ng kapatid ko.

"A-ate ok ka lang?"

          Ngumiti lamang ako na parang wala lang sa akin ang nangyari. Pero, ang totoo durog na durog yung puso ko. Nilapitan ko sya at agad na niyakap.

"J-janine." halos hindi ko na malunok ang laway ko dahil sa nakikitang sitwasyon ng kapatid.

"Sandali lang ha." sabay bukas ng pinto, at binulungan si Jake. Nakatayo naman kasi sya malapit sa may pinto. Na bumili muna nang pagkain.

"Ate, ok ka lang?" halata ko naman sa mukha nya. Na pinipilit nyang maging ok lang. Kahit na nahihirapan syang bumangon. Dali-dali ko syang inalalayan para makaayos ng upo.

"O-oo ok lang ako."

           Maya-maya pa ay dumating na rin si Jake. Dala-dala ang paper bag. Na may lamang pagkain.

"Kumain muna kayo." paalala pa nya.

            Tumango lamang ako bilang katugunan sa sinabi nya. Ngunit, sadyang hindi ako makakain ng maayos. Dahil na rin kay Noa, iniisip ko lang naman. Kung anong ginagawa nya rito sa Hospital. Diba, dapat kasama sya ng kanyang Ina. Dahil malapit na rin ang botohan. Naputol lamang ang pag-iisip ko, nang sumingit si Jake.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ah." puna nya dahilan para mapalingon din sa kanya ang kapatid ko.

"A-ate?"

"Bakit?" sabay ngiti.

"Ok ka lang? B-baka kasi nahihirapan ka dahil sa akin." naiiyak na sambit nya.

         Umiling lamang ako bilang katugunan. Kahit kailan never naging pabigat sa kin ang kapatid ko. Dahil kami nalang dalawa ang nagtutulungan eh.

"Kumain ka na."

"Maiwan ko muna kayo." singit ni Jake sa usapan namin. Tiningnan ko lamang sya bilang sagot.

"Kumain ka muna." ulit ko pa dahil kanina pang hindi ginagalaw ang pagkain nya.

"Janine, kailangan mong kumain." giit ko para kahit papano'y magkaroon ng laman ang tiyan nya.

             Agad naman siyang bumangon dahil sa utos ko. Dahan-dahan ko naman siyang inalalayan para kahit papano'y hindi sya masyadong mahirapan.

             Nang matapos kumain, ay agad agad ko siyang inalalayan upang mahiga. Ngunit, nanatili pa rin itong nakaupo.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"A-ate..."

              Halata ko na nagpipigil lamang nang sakit sa tagiliran ang kapatid ko. Kitang kita ko kung pano sya ngumiwi sa bawat sakit na nararamdaman niya.

"A-ate."

               Agad ko siyang inalalayan na na humiga ngunit nagmatigas pa rin ito. Na uupo lamang siya.

"A-ate... di ka nag-aalala kay ate Rona?"

               Umiling lamang ako, dahil alam kong nasa mabuti namang kalagayan ang kaibigan ko eh.

"P-pano ka nakakasigurado?"

               Doon lamang ako nagulat sa inakto ni Janine. Ni hindi ko naman sinabi sa kanya ang gusto kong sabihin.

"J-janine

"A-ate!!!!" sigaw nya habang nakatabon ang dalawang kamay sa magkabilang taenga. Dali dali ko syang nilapitan upang alalayan. Ngunit, pilit nya naman akong tinataboy.

A Way to RememberWhere stories live. Discover now