Prolugue

93 18 5
                                    

Halos hindi ko alam ang gagawin dahil sa nangyayari sa paligid ko. Lahat sila'y nakahandusay at duguan. Gusto kong magwala dahil sa nangyari di ko alam kung pano sisimulan ang mabuhay ng wala sila sa tabi ko. Para ko na rin silang mga kapatid, pero ng dahil sa gantong pangyayari. Hindi na pwedeng ibalik ang dati.

"Ahh!!!" sigaw ko habang nakatabon ang dalawang kamay sa taenga. Ngunit, napatigil lamang ang pagwawala ko. Nang biglang, bumukas ang pinto. At naging sanhi iyon upang magkaroon ng liwanag sa paligid kahit papano.

              Dali-dali itong lumapit sa kinaluluhuran ko. At abalang chinecheck ang buo kong pangangatawan. Sakaling meron itong pasa o galos.

"Ligtas ka." tuwang-tuwa na sambit nito sabay yakap sa kin. Pero, wala pa ding reaksyon na binibigay ang katawan ko.

              Dali-dali naman syang kumalas sa pagkakayakap ng maramdamang wala man lang akong reaksyon.

"Anong nangyari sayo Althea?" bakas sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala. Sobrang hirap simulan ng sasabihin ko kung pagguho ng kanilang mundo ang magiging kapalit nito.

A Way to RememberWhere stories live. Discover now