“Ho?” Napaawang ang bibig ko nang alam ng matandang babae ang pangalan ko. Hindi ko naman sila kilala...

Naawa naman ako sa kanila kaya niyaya ko silang pumasok sa loob ng aming munting tahanan.

“Ahm... Tubig po?” Alok ko sa kanila. Parang ako pa ang nauuhaw sa mga oras na ito.

“Hindi na. Hindi naman kami magtatagal.” Pahayag ng matandang lalaki na mukhang strikto at karespe-respeto ang mukha nito. Pati rin ang matandang babae, karespe-respeto ang itsura. Pareho na silang dalawa nakaupo sa maliit na sofa na nandito na pagkabili namin ng apartment na ito.

Parang may gusto pa akong i-offer sa kanila na hindi ko rin alam. Tubig lang talaga ang kaya kong i-offer. Hindi pa kasi bumabalik si Farah na uutusan ko talaga 'yon para bumili ng makakain ng bisita ngayon.

“We have something for you.” Sumenyas ang matandang lalaki sa isang lalaki na nakasuot ng white longsleeve na nasa labas. Bodyguard siguro. Tapos pumasok ang bodyguard na naka-shade pa. 

Natameme nalang ako ng may hinugot ang bodyguard mula sa likod nito na pagkalahad n'ya; cheque. Napalunok ako kung ano ang mayro'n na kinakabahan ako.

“Magkano ang gusto mo?”

Naningkit ang mga mata ko. “H-Ho?” Sa tono ng matandang babae. Parang may powers ito na kaya n'ya akong mapasunod sa kung ano ang gusto n'ya. 

Tapos nakahanda na ang ballpen ng matandang lalaki na malapit sa cheque. Kinikilabutan ako sa mga tao na nandito sa harapan ko ngayon.

Tiningnan ko ang matandang babae ng may pagtataka. Pati ang pagkislap ng mga mata nito ay nakita ko. “I'm the mother of Diva.” Pagpapakilala n'ya na hindi naman ako na-shock. Napalunok nalang ako. Nanuyo bigla ang lalamunan ko ngayon.

“Miss, tapatin na kita.” Napatayo siya na magkaharap na kaming dalawa ngayon habang nakatayo. Tiningnan n'ya ako sa mga mata ko at saka kami nagsukatan ng tingin.

“Nandito ka naman.” Malalim itong huminga at ang talim ng titig n'ya sa akin.

“Malaya ka na mula sa pagtatago mo. Tsk!” Lumakad-lakad ito na parang sa kaniya ang lugar na ito. Ang yabang. She degrading me.

Napasinghap nalang ako sa walang patumpik-tumpik na paglahad nito ng offer sa akin. “Five million.” Seryoso ang mga mata n'yang nakatitig sa mga mata ko ngayon. Hindi ako nakaimik. Limang milyon ang narinig ko...

“Just replace my daughter.” Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang lahat. Kung ano ang gusto n'yang ipahiwatig sa akin. Napangisi nalang ako. Nakakatawa siya.

“Ikaw ang dapat nando'n. At hindi siya.” Napa-Oh ang bibig ko at saka naningkit ang mga mata ko sa mga sinasabi nito. Parang nagdo-droga.

Kaya hindi na ako nakapagpigil. “Ako hoo? Ang layo naman. Ang layo ko nang time na nangyari iyon. Kaya... Limang milyon? Kapalit ng kalayaan ng anak ninyo? Haha!” Napailing nalang ako. Sumakit lalo ang ulo ko. Kainis.

“Yes. Totohanin ko ang lahat. May kapatid ka na nag-aaral, 'di ba?” Eto na naman...

Narinig ko na ito before. Ayaw ko na ginagamit nila si Farah, ang pag-aaral ni Farah para makuha nila ang gusto nila mula sa akin.

“Kaya ko pong paaralin ang kapatid ko. Hindi ko ho iaasa sa inyo. Kaya... A... Ko... lang ang magpapaaral sa kapatid ko. Wala ng iba.” Matapang na sagot ko na nginisihan n'ya lang. Naghihimutok ako sa inis ngayon na sasabog na ang puso ko. Pinapangunahan ako at ang desisyon ko sa kapatid ko.

“Iyang five million na sinasabi ninyo? Gamitin n'yo nalang sa piyansa ng anak ninyo. Pero naalala ko... Hindi pala siya makapagpiyansa...” Lumiko ng konti ang ulo nito na hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Isang bala na tumama sa kaniya ang lumabas mula sa bibig ko. Hindi ito agad nakapagsalita. Nakita ko pa nga ang ilang paglunok nito  at pati ang paggalaw ng lalamunan n'ya.

Mabubulok sa kulungan si Venus. Iyon ang hatol sa kaniya. Na hindi ko na dapat pang pasukin. Hindi ko siya papalitan doon.

“Hindi ko pinapangarap na makulong. Lahat ng ginagawa ko ay mabuti na alam kong hindi ko ikapahamak sa huli. Ang mali lang, dahil sa antas ng buhay na mayro'n ako. Ang sinisisi, tinuturo ng iba sa akin ay mabilis mapaniwalaan. Sino ba naman ako?” Umigting ang panga nito na ang sama pa rin ng tingin n'ya sa akin.

Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi pwede na ganituhin lang ako. Ang sama pa naman ng pakiramdam ko ngayon. Walang Santo-santo sa akin.

“Iyang five million na 'yan? Hindi 'yan matutumbasan ang lahat ng sakit na naramdaman ko.”

“Kahiyaan ang kahihinatnan ko diyan. Inosente ako... Hindi ako mabibili ng pera. Oo! Mahirap kami. Sinasabi ko lang sa inyo na hindi ko ho kailangan ang five million na 'yan. Kaya itago n'yo sa Banko ninyo.” Nawalan na ako ng respeto.

Hindi pwede sa akin na maliitin lang ako ng may kaya sa buhay. Hangga't kaya kong lumaban. Lalaban ako. Pareho lang naman kaming tao na nabubuhay sa mundong ito at sa bandang huli, pareho rin kaming mamamatay. Nararapat lang na gawin ko ang tama na hindi ako mapupunta sa Impyerno.

“Ma'am.” Tumayo ang lalaking naka-tuxedo at saka lumapit sa tinawag nitong Ma'am.

“Sige lang. You don't know who I am.” Nananakot pa siya habang lumalaki ang mga mata nito. Napa-tsk lang ako. Ako pa talaga hinahamon n'ya.

“I know you. You are the mother of Venus.” Tumalim ang titig n'ya sa akin na hindi naman tumatama sa dibdib ko ang matalim na titig n'ya. Nagkatitigan pa kaming dalawa bago siya inawat ng lalaki na naka-tuxedo. Tapos iginiya siya papalabas ng bahay.

Kaso bumalik din agad ang mommy ni Venus na may sasabihin pa siguro sa akin. Handa naman akong makinig.

“Hindi ko patatahimikin ang buhay mo. Kapag hindi ako pinapatahimik hangga't nasa loob ng kulungan ang anak ko.” Nanggigigil na sambit n'ya habang dinuduro-duro ako. Pinagbabantaan n'ya ako at hindi ako dapat mangamba.

“Ako ang magbabayad? Pagbabarayan ko ang lahat?” Pabalang kong sagot na alam kong masama na ang loob n'ya sa akin ngayon.

“You've never respect me.”

“Naku... Una palang po. Hindi n'yo rin ako nirespeto. Gusto n'yo naman po palang nirerespeto kayo. Sana nirespeto n'yo rin ang pagiging inosente ko at pati na rin ang dangal at dignidad ko bilang tao at bilang isang babae.”

Inunahan n'ya ako. Kaya huwag n'ya lang sabihin na wala akong respeto sa kaniya. Nakakainit ng ulo.

“Shut up!” Siya pa ang sumisigaw na ang lakas ng boses n'ya. Nagtitimpi ako sa gusto kong gawin sa kaniya na baka hindi n'ya magustuhan. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.

“Hey you!” Sumabat ang lalaking naka-tuxedo. Sila pa ang matapang sa teritoryo ko ngayon. Pinapatahimik nila ako.

“Kung ayaw mong tanggapin. Tumahimik ka nalang. Hindi ka naman namin pinipilit.” Sumali pa talaga ang lalaking naka-tuxedo.

“Ah... Hindi n'yo ho pala ako pinipilit... Kaya makakaalis na ho kayo. Mabilis ho naman kayong kausap. Nagkakaintindihan ho tayo!”  Plastik ko silang nginitian na gusto ko ng humalakhak dito. Madali naman akong kausap.

“If you're not interested. Shut up.”

“Oo na ho. Hindi n'yo ako pinilit. Gusto n'yo lang na makonsensiya ako.” Sa mommy ni Venus ako tumingin na ang sama pa rin ng tingin sa akin. Pinapakita n'ya na ang laki ng kasalanan ko sa kaniya.

Pumasok ang bodyguard at inalalayan ang madam nila hanggang sa makalabas ng bahay. Wala na akong may narinig pa na salita sa ginang na umalis na. Sumama yata ang pakiramdam n'ya na natahimik. Mas lalong sumakit ang ulo ko.

“Five million? Tsk!” Anong gagawin ko sa pera kapag nasa loob na ako ng kulungan?

Ang bobo lang ng nakaisip ng idea na alokin ako ng gano'ng klaseng kalaki ng halaga.

Wala na si Nanay. Para saan pa ang pera na tatanggapin ko at gagamitin kong panggamot sa kaniya na wala na siya.

Ang Five million ay hindi kayang ibalik ang buhay ng nanay ko. Nonsense.

Hired To Cure You ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon