Chapter 3 : Taste of Cigarettes

14 1 0
                                    

Chapter 3 : TASTE OF CIGARETTES

Nate's POV

I got up early from my bed and immediately moved to get in early. Nagulat pa nga si Manang ng makita akong bihis na kahit hindi pa lubusang sumisikat ang araw. Manang even asked me what's up and my morning. Nginitian ko lang siya ng bahagya na siyang dahilan upang gumuhit ang mga tanong sa kanyang mukha.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan!" Saka niya inilapag ang gatas sa may mesa. "Nakakapanibago ka iho. May nangyare bang maganda sayo?"

"Manang naman, ang dami niyo namang napapansin. Hayaan niyo na lang po ako." Ang saad ko at agad na uminom ng gatas.

"Hulaan ko?" Ang nakangiting tanong ni Manang sa akin. "May nagugustuhan ka na ba? May nagpapatibok na ba sa puso mo? Aysus, binata ka na talaga samantalang dati---"

"Manang naman!" Ang naiinis kong sabi dahilan para tawanan ako ni Manang.

"Ganyan na ganyan din ako noon." Ang sambit ni Manang.

"Manang, magkaiba po tayo ng panahon ngayon. Masyado ka namang advance Manang eh."

"Aysus!" Ang natatawang sabi ni Manang at agad na tumungo sa kusina.

I was left smiling like crazy. I also can't help but feel a thrill. Excited nga akong makita siya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Marahil totoo ang sinabi ni Manang, nagkakakagusto na ba ako?

DALI-DALI akong pumasok sa loob ng klase, hindi dahil sa gusto kong mag-aral kundi gusto kong makita si Peter. I was suddenly sad to see that Peter was not in his seat yet, I also asked Jess if she had seen Peter but she hadn't. Nagpalingon-lingon pa ako sa may pinto at inaantay na masilayan siya ngunit hanggang sa dumating na ang adviser namin ay hindi pa rin siya dumarating. Absent siya?

I just focused my gaze on the front where our adviser was attending. 'Wala pa rin siya!' Tinaas ko ang aking kamay ng tawagin ako at agad na ibinaba pagkatapos.

"Mr. Peterson Garcia?" Ang tawag ng aming guro. Lumingon pa ako sa may pinto ngunit wala talagang Peter kaya itinuon ko na lang ang aking atensyon sa notebook na nasa ibabaw ng aking upuan. Mrs. Piñaflor called Peter's name again and I was surprised to hear Peter's voice. 

"Present Ma'am!" Ang hinihingal na sabi ni Peter. Tinanong siya ni Mrs. Piñaflor kung bakit siya nalate sa pagpasok. Peter explained well so he was seated. He even smiled at me when our eyes met.

"Akala ko absent ka ngayon." Ang mahinang sabi ko ng makaupo siya.

"Muntik na." Ang saad niya.

Bigla akong nabuhayan ng kalamnan ng makita ko si Peter samantalang kanina ay labis labis ang aking pagkalumbay ng hindi ko siya makita. Peter ano bang ginawa mo sa akin?

Ilang sandali pa ay nagturo na nga si Mrs. Piñaflor sa kanyang subject na science. Itinuon ko ang aking atensyon sa lecture niya, it's easy to understand what she teaches because every detail she has to teach us is well and well explained. Minsan napapatingin naman ako kay Peter sa tuwing napapansin ko siyang humihikab. Napapangiti pa nga ako sa aking isipan dahil ang cute niyang tingnan lalo na pag inaantok siya.

Nagulat ang lahat ng biglang bumagsak si Peter sa kanyang kinauupuan. I didn't know what to do, I quickly grabbed him especially by his head and it was as if he fell on the floor.

"Mr. Garcia!? Are you okay?" Ang tanong ni Mrs. Piñaflor.

Nanatili naman akong nakatingin sa mukha ni Peter, ngayon lang ako nakaramdam ng takot at pag-aalala sa kanya.

Loving PETERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora