Oo nga naman no. "Sige na, Ma. Try lang natin, gusto ko kasi talaga. Kulay puti sana para cute."

"Huwag ka ngang makulit, Alzera–"

"Ako bahala dyan nak! Got you, baby girl." Napatili ako sa sinabi ni Papa.

"Talaga?!"

"Vezenco!" Suyaw ni Mama.

Lumapit ako kay Papa at ikunublit ang braso ko sakanya. Hinalikan naman ako ni Papa sa noo. My parents are really the best. Natawa ako sa reaksyon ni Papa. Napapailing ito at halos gusto na n'yang batuhin si Papa sa dala n'yang baso.

"Ganda mo talaga, mahal." Pang-uuto ni Papa kay Mama.

Imbis na kiligin ay mas lalong sumama ang mukha ni Mama. Magbabangayan na naman 'yan sila. Alam na.

"Manahimik ka!"

"Minsan lang naman humiling tong si Zerang, mahal eh. Hayaan mo na, di bale na. Iiwan natin sa kapitbahay pag walang tao."

"Ewan ko sayo."

Kinuha ko nalang ang phone ko at saka nag hanap na ng puppy sa internet. Maraming magaganda, iniscreenshot ko lahat iyon at sinend isa-isa kay Sir Wrath. Papipiliin ko sya.

"Mama, ako na pumili. Maybe, after exam ko kukunin?" Hindi kumibo si Mama kaya kay Papa ako humarap.

"Bigay ko sayo ang pera bukas."

"Yes!"

Sumapit ang hapon wala paring chat sakin si Sir Wrath! Naiinis na ako! Kinuha ko ang phone saka tiningnan kung may message ba sya pero wala parin! Ako pa talaga ginawang last chat.

Dahil sa inis ko ay hindi na ako sumama. Chinat ko si Sir Wrath. Baka naman busy?

Ako: nasaan kana?

Ako: 😭😭😭

Ako: bakit seen lang? :<

Ako: look oh, i'm sad na :<

Ako: sir wrath, you don't love me na?

Mas lalo akong napabusangot dahil delivered ang mga messages ko! Sabi na nga bang hindi ako mahal nito.

What if, nag-sawa s'ya sa mga matured woman kaya sa mga katulad kong medyo bata pa binaling atensyon n'ya?!

What if, wala lang syang magawa sa buhay kaya kaya ako ang pinagtripan n'ya?

What if, what if pampalipas oras lang ako?!

What if... kasal na pala si Sir Wrath?! 28 na sya! Pwedeng-pwede na!

What if, ano... uhm... may nabuntis s'ya?! Gago. Tapos nilihim n'ya lang sakin.

Gusto kong umiyak sa mga iniisip ko! Napabalikwas ako at umupo ng maayos sa kama. Binalik ko ang atensyon sa cellphone ko saka sya tinawagan. Nag-riring iyon! Mga ilang minutes bago n'ya sagutin iyon.

"Bakit ngayon mo lang sinagot? Hindi kapa nag-rereply sa mga chats ko, may babae kana dyan?" Bungad ko sakanya. Nakataas pa kilay ko. Hindi na talaga ako natutuwa. "Nasaan ka?" Dagdag ko pa.

["Baby..." ] Natatawang sagot n'ya. ["I'm at the office, since Dad is not here, ako na muna pina-attend n'ya. I'm sorry, I didn't inform you. This is an urgent meeting."]

Napaawang ang labi ko ng i-back cam n'ya. Kitang-kita ko ang mga tao doon, sobrang dami nila! Gusto kong lumubog sa kama dahil sa kahihiyan! Gago! Nakangisi pa ang iilan. Kitang-kita sa reflection sa glass wall sa office ang mukha ko! Tangina. Potangina talaga, naka connect pala sa ginamit nilang device ang laptop n'ya.

Fire Burning Where stories live. Discover now