Sugarbunch: Love

Sugarbunch: Baby

Sugarbunch: Alzera, where the hell are you?

Sugarbunch: Do you like my brother?

Ako: hindi ahh HAHAHAHA nag chachat kami ni Wreck gusto na agad

Tapos ay sinend ko lahat ss ng convo namin ni Wreck para hindi sya mag overthink. Mukhang mas overthinker pa sakin si gors. Mga ilang minuto pa kami nag chat bago sya tuluyang nag paalam.

Ako: Ligo narin ako HAHAHAHA

Sugarbunch: I love you, take of yourself. I'll see you later. Give me a kiss.

Ako: Okay po. Ingat karin, mwuahh!^^

Sugarbunch: Gotta go, goodbye. Mwauh. I love you so much.

Hanggang makarating ako sa banyo ay nakangiti parin ako. Ang cute n'ya kasi! Mwauh amp, ano sya teenager? Natatawa ako sa kacornyhan nya! Pag-katapos ko sa maligo ay nag-bihis na ako. Since Wednesday ngayon, PE uniform. Ang expensive tingnan ng PE uniform namin. Sobrang mahal bilhin nito sa Grandeur Store. Dadaan ako doon mamaya, bibili ako ng school materials naubos narin kasi 'yong mga binili ko last month.

Nakarating ako sa university wala pang 7 at 8:30 pasok ko kaya dumaan muna ako sa Grandeur Store para bumili ng school materials. Bumalik rin agad ako sa STEM Strand building pag-katapos kong mamili.

Napatigil ako ng harangan ako ng tatlong lalaki, galing sila Humms. May nakalagay na humms sa PE nila kaya malalaman mo talaga kong ano ang strand sa bawat isa. Nag-tutulukan silang tatlo pero naagaq ang pansin ko sa isang lalaking may dalang gift at letter. Hindi pa naman valentinea day ah?

"H-hello po, first day of school palang nagagandahan na talaga ako sayo. Palagi kitang nakikita papasok dito sa building n'yo. And I guess mabait karin po. I think I have a crush on you, please do accept my gift." Naghiyawan naman ang dalawang kasama nya.

Namula naman lalo ang lalaking chinito sa harapan ko. Tangina. Nakakahiya sa mga dumadaan. Pogi naman sya pero soft version. Nako kong hindi ko lang nakilala si Sir Wrath ay talagang dagdag ko to sa crush list ko.

Tinanggap ko naman ang binigay n'ya saka sya ningitian. "Thank you dito ah, I really appreciate it! Pero, I hope that you're not expecting something from me because I accepted this." Inangat ko ang gift na binigay n'ya. "I accepted the gift to show off my gratitude." Baka ma offend ko sya pag hindi ko tinanggap ang regalo nya.

Napakamot sya sa ulo. "Ah hindi po! Gusto ko lang talagang ibigay sayo 'yan, I really admired you po."

"Thank you dito ha," pasasalamat ko ulit.

"Welcome po, salamat din at tinanggap mo. I hope you will like it."

Dali-dali naman silang umalis pagkatapos. Nakakatuwa naman pero sorry taken na po ako chariz. Hindi ba masamang tumanggap ng regalo galing sa ibang tao habang may manliligaw kana?

Napatingin ako sa nakabalot na gift at pa letter nya. Ang hirap naman maging maganda.

Sinalubong ako ni Clifford. "Hoy gaga ano 'yan?! Sanaol! Baka may chocolate sis, pahingi ako!"

Fire Burning Where stories live. Discover now