Chapter L - FINALE

122 19 10
                                    

"Thiago! Bilisan mo! Male-late na tayo!" sigaw ni Paisley. Kanina pa kasi at hindi pa rin bumababa si Thiago mula sa kwarto nito.

"Wait lang naman!" sigaw naman ni Thiago habang nagmamadaling papalabas ng kanyang kwarto. "Sorry. May hinanap kasi ako."

"Ano naman 'yon?" may inis na tanong ni Paisley.

"Here," sagot ni Thiago sabay buklat ng kanyang kamay sa harap ng dalaga.

Napangiti si Paisley nang makita ang naroon. Iyon kasi ang kwintas na iniregalo ni Thiago sa kanya. Ang kwintas na iniwan niya noong itinaboy siya ng binata.

"So, you still have that?" tanong ni Paisley.

"Of course. This means a lot to me. This was my thank you gift to you, and was a part of my love confession," nakangiting sagot naman ni Thiago. Halos hindi niya maalis ang paningin sa dalaga. Napaganda kasi nito sa suot nitong black mulberry silk dress.

"Alam mo, hindi ko alam kung mas gusto ko 'yong seryosong Thiago, kaysa sa sweet na Thiago," natatawang sabi ni Paisley.

"Bakit? Cringe ba?"

"Hindi naman. Hindi lang ako sanay," natatawang sabi ni Paisley. "You know, I just didn't expect that a lot would happen in just one semester. I mean, that a person can change that fast."

Napangiti si Thiago, at lumakad siya papunta sa likuran ni Paisley. At pagkatapos ay isinuot niya sa dalaga ang hawak na kwintas.

"Kung meron mang nagulat sa nangyari, ako 'yon. I thought my life would be miserable until the day I die. I thought I would end my life early. Akala ko wala na akong pag-asa. But you came. You came at the right time to save me," sabi ni Thiago.

Humarap si Paisley kay Thiago at ngumiti. Pagkatapos ay hinawakan niya ang mukha ng binata. At tinignan niya ang mga mata nito.

"I'm so happy right now that I can't think of the bitter past anymore. Masasayang memories na lang ang naaalala ko," sabi ni Paisley. "Naalala mo pa ba 'yong gabi na nag-tour tayo sa School of Music and Arts?"

"Oo.'Yong sumigaw ka tapos tumakbo papalayo?"

"Yes, that one. Medyo nakakatakot ka talaga noon," sagot ni Paisley sabay ngiti. "That night,I told you na mapapansin mo rin ako balang araw. At ito na nga, napansin mo na rin ako."

"Because you were always there. Lagi kang nasa tabi ko. I didn't even notice that I've fallen for you. Ni hindi ko na napansin na inaalalayan mo ako palagi."

Tinignan ng maigi ni Paisley si Thiago sa mata. "And I will always be by your side, Thiago. Kahit anong mangyari. Sasamahan kita saan ka man pumunta, sa ano mang gagawin mo. Sa lungkot, sa tuwa, in triumph, and even in despair. Handa akong alalayan ka sa lahat ng oras."

"Ako rin," sabi ni Thiago sabay mas lapit kay Paisley. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ng dalaga. "I will be by your side forever. I love you, Paisley."

"I love you more, Thiago."

Dahan-dahang naglapit ang mukha nilang dalawa at halos magbangga na ang kanilang mga ilong. Ipinikit ni Paisley ang kanyang mga mata at dinama ang mainit na paghinga ni Thiago.

"Oooops! Cut!"

Nagulat sina Thiago at Paisley, at mabilis na tumalikod sa isa't-isa. Si Thiago ay mabilis na naglakad papalayo at biglang nagpagpag ng sofa.

"Pambihira kayo. Parang walang iba tao rito," pang-aasar ni Thunder sa dalawa sabay tawa.

"Bigla-bigla ka na lang sumusulpot! Don't you know how to knock?!" inis na sigaw ni Thiago na tinawanan lang ni Thunder.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now