Chapter XXVIII

65 18 12
                                    

Natapos ang mid-terms ng maayos at mapayapa para kay Thiago. Naging mahirap ang ilang exams para sa kanya, pero masyado siyang inspired para mapigilan ng mga iyon na makakuha ng matataas na marka. Hindi lang basta matataas, dahil naging top pa siya sa ilang subjects, lalo na sa mga may practical exams.

Naging matunog muli ang pangalan ni Thiago sa School of Music and Arts. Muli ring lumutang ang viral video niya na nakuhaan sa coffee shop at naging usap-usapan sa mundo ng musika ang tuluyan na pagbabalik niya. Pero kahit na kinulit siyang muli ng dean para sa paparating na national piano competition, ay hindi pa rin nagbigay ng matinong sagot si Thiago.

Bakante ang oras ni Thiago kaya naisipan niyang magpahinga at magpatuloy sa pagbabasa ng bagong bili niyang libro. Pero hindi pa siya nakakatapos ng kahit isang pahina, ay isang malakas na katok sa kanyang pinto ang bumulabog sa kanya.

Nagkakamot ng ulo na tumayo si Thiago at nakasimangot na binuksan ng binata ang pinto. At mas nainis siya nang makita kung sino ang nasa likuran noon.

"Tisoy! Nakita ko na siya!" malakas na sabi ni Thunder sabay tulak sa pinto dahilan para tuluyan itong mabuksan.

"Get lost! Ang ingay mo!" singhal ni Thiago.

"Nakita ko na 'yong matagal ko ng hinahanap! Finally!" muling sabi ni Thunder na parang hindi narinig ang sinabi ng isa.

"I don't care. Now, please get lost," sagot ni Thiago sabay sara na sana ng pinto. Pero madali iyong napigilan ni Thunder gamit ang isang kamay. Itinulak pa ni Thiago ang pinto, pero hindi nagpatalo ang nasa labas at sa huli ay nagtagumpay si Thunder na buksan muli ang pinto. "What the hell, Thunder?! Nasabi mo na 'yong gusto mong sabihin. Umalis ka na!"

"No. I want you to come with me to the sports complex. Nandoon siya, eh! Sige na, please. Babawi ako sa sunod sa'yo promise," sabi naman ni Thunder na nagpapaawa na kay Thiago.

"I don't have time. Sige na, alis!"

"Nakita ko na kasi 'yong TOTGA ko..."

"Tot- what?" Napangiwi si Thiago habang nakatingin kay Thunder. "Tokwa?"

Lomobo ang pisngi ni Thunder at napatingin siya sa itaas. Ayaw niyang tumawa dahil siguradong tululyan na siyang itataboy ni Thiago kapag ginawa niya iyon.

"TOTGA... The one that got away. 'Yong taong minahal mo na, tapos nawala, tapos mahal mo pa rin, tapos nagkita kayo ulit. Tapos na-realize mo na mahal mo pa rin talaga," paliwanag ni Thunder.

"Okay. A gangster like you, askin me to come para ma-meet mo uli ang babaeng nambasted sa 'yo noon?"

"Excuse me. Hindi niya ako binasted!"

"You said, minahal mo, tapos nawala. You didn't say na naging kayo," katwiran ni Thiago. "Also, I didn't know that your weakness is just a woman. Kadiri."

Napanguso si Thunder at napatingin kay Thiago. Napapilantik ng dila pagkatapos ay tumingin sa malayo. Sabay bulong "Sus. Akala mo naman siya hindi. Bahag na buntot mo kay Paisley,"

"What did you say?!"

"Wala," mabilis na sagot ni Thunder. "Sige na. Magsisimula na siguro 'yong match doon sa sports complex."

Napabuntong hininga si Thiago at napatingin sa librong hawak niya. Hindi rin naman kasi niya iyon mababasa ng maayos dahil siguradong hindi siya titigilan ni Thunder kahit pa mauwi sa suntukan ang usapan nila.

"Alright, I'll go with you. But you have to give a bottle of whiskey for our next session," sabi ni Thiago.

"Sure. No prob!"

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now