Chapter XLIII

62 18 3
                                    

Nagsimula na ang ikalawang semester, at halos ilang araw na ang lumipas mula noong unang araw nito. Pero hindi pa rin nakikita ni Thiago si Paisley. Tinignan na niya ang listahan ng mga enrollees ng kasalukuyang semester. Naroon ang pangalan ng dalaga. Hindi ito nag-shift, ngunit wala ni isang subject na magka-klase sila.

Muling sinubukan ni Thiago na magtanong sa mga kaibigan ng dalaga. Pero wala siyang napala. Sinubukan din niyang abangan ito sa dorm nito, pero bigo rin siya. At ang tanging na-kompirma lang niya ay ang nakatakda na nga nitong pag-alis. At kung kailan, ay walang nakakaalam.

Paulit-ulit niyang sinubukang makausap ang dalaga. Pero paulit-ulit din siyang nabigo. May mga gabing hindi siya nakakatulog kaiisip dito. At hindi na niya itinatanggi sa kanyang sarili na mahal na mahal niya ang dalaga. Hindi rin niya matanggap na nagawa niya itong saktan ng husto.

Desperado na si Thiago. Kaya naman isang Sabado, ay sinadya na niya si Paisley sa bahay nito. Naisip na niya ito dati. Hindi nga lang niya itinuloy dahil nahihiya siya sa mga magulang ng dalaga. Pero ito na lang ang paraan na naiisip niya ngayon para makausap ang dalaga. Ayaw niya itong umalis. Gusto niyang humingi ng tawad, at gusto niyang ipagsigawan sa harapan nito kung gaano niya ito kamahal at bumawi rito.

Kaagad na napansin ng ina ni Paisley ang pagbaba ni Thiago mula sasakyan. Sakto kasi at abala ito sa pag-aayos ng mga halaman sa bakuran nila.

"Thiago?" tawag ginang sa binata nang makita ito.

"Mrs. Astor. Good afternoon. May I please talk to Paisley?" kaagad na bungad ni Thiago.

Napabuntong hininga ang ginang at pagkatapos ay napatingin sa bintana sa itaas ng malaking bahay. "I'm sorry, Thiago but I don't think she'll talk to you."

"Please po... I just want to tell her na nagkamali ako," pakiusap ni Thiago sabay hawak sa mala-rehas na gate.

"I know. And gusto ko rin na magkaayos kayo. Paisley told me everything, and she was hurt. Ang totoo ay nakaramdam din ako ng galit sa'yo dahil wala pang nagpaiyak sa anak ko ng ganoon," sabi ng ina ni Paisley. "Pero sige. Dahil sa pabor na ginawa mo para sa kanya noon, sasabihin ko sa kanya na nandito ka. Pero hindi ko maipapangako na makakausap mo siya. Wait for me here."

Tumango naman si Thiago at pinagmasdan ang ginang na maglakad papasok ng bahay. Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin ito bumabalik. Napatingin si Thiago sa bintanang tinignan ng ginang kanina. Sigurado siyang sa kwarto ni Paisley ang bintanang iyon. At umaasa siya na masilayan man lang ito doon. Ngunit hindi iyon nangyari hanggang sa lumabas muli si Mrs. Astor.

"I'm sorry, Thiago. But she really doesn't want to see you," malungkot na sabi ng ginang.

Sasagot sana si Thiago nang mapansin niyang gumalaw ang kurtina ng kwarto ng dalaga. Napatingin siya doon, at eksaktong nakita niya si Paisley.

"Paisley!" sigaw ni Thiago. "Please talk to me. Kahit sandali lang!"

Pero padabog na isinara ni Paisley ang kurtina.

"You better go now, Thiago. Sinubukan kong pilitin siya, pero nagalit lang siya. Sige na at baka umulan pa. Dumidilim na ang langit," sabi ng ina ni Paisley. "Alright. I have to go. May gagawin pa ako sa loob."

Pinanood ni Thiago na pumasok ang ginang sa bahay. Muli siyang napatingin sa bintana, ngunit hindi niya muling nasilayan si Paisley doon.

"No... I won't leave until she comes out. Sigurado akong lalabas ka rin," sabi ni Thiago habang nakatingin pa rin sa bintana.

Pinaalis ni Thiago si Mang Jerry at nagpatuloy siyang tumayo sa tapat ng gate ng mga Astor. Hanggang sa unti-unti ng pumatak ang ulan. At ilang sandali pa ay bumuhos iyon. Napakalakas ng ulan na halos hindi na makita ni Thiago ang harapan ng bahay, maging ang nasa paligid niya. At sinabayan pa iyon ng malamig na simoy ng hangin.

Pero hindi nagpatinag si Thiago. Sinubukan niya uling tawagin ang pangalan ng dalaga, pero hindi na marinig ang boses niya dahil sa lakas ng ulan.

Lalong bumuhos ang ulan. Sinabayan pa iyon ng malalakas na pagkulog at pagkidlat. Pero hindi na iyon alintana kay Thiago. Ang gusto lang niya ay makausap kahit isang minuto lang ang dalaga. At maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

Isang malakas na kidlat ang nakapagpapikit kay Thiago. At nanlaki ang mga mata niya nang idilat niyang muli ang kanyang mga mata, at namutawi ang ngiti sa mga labi niya. Sa wakas ay lumabas na rin si Paisley. Nakapayong ito at papalapit na sa kanya.

"Pai—"

"Magpapakamatay ka ba?" inis na tanong ng dalaga. Salubong ang mga kilay nito at namumugto ang mga mata.

"Please let me just talk to you..." pakiusap ni Thiago sabay kapit ng dalawang kamay sa gate.

"Para saan pa? Para saktan mo uli ako?"

"No. I am wrong. I just said because... because I thought that was the right thing to do," paliwanag ni Thiago na sinundan ng malakas na kulog.

"Hurting me was the right thing to do?" balik ni Paisley. "Kailan pa naging tama 'yon? Ano? Para gumaan lang ang loob mo, you need to hurt someone else? Thiago I did all I can do to make you happy. To make you smile and I didn't deserve to be hurt!"

"I know. That's why I'm... I'm really sorry... Please let me explain everything."

"Ikaw na naman? Ikaw na naman ang pikikinggan? Ni hindi mo man lang muna itinanong kung kumusta ako? Kung ano ang nararamdaman ko ngayong kaharap kita?!"

"Paisley..."

"This is a torture, Thiago! I didn't know that a heartbreak would be this bad."

"I-I did that so I wouldn't hurt you more. I-I was..."

"How ironic, Thiago. You hurt me, so you won't hurt me?" sabat ni Paisley. "Tapos ano? Na-realize mo na mali ka magso-sorry ka lang?!"

"I need you, Paisley. Believe me or not. Walang araw na hindi kita inisip."

"After lahat ng ginawa natin para sa isa't-isa, ipinagtabuyan mo ako. Ang sabi mo, ginamit mo lang ako. Ang sabi mo hindi ka magkakagusto sa isang katulad ko. Right? Tapos ngayon, sinasabi mo 'yan? Thiago, hindi ako laruan na babalikan mo lang sa oras na gusto mo."

Napayuko si Thiago sa sinabi ni Paisley. Tumulo ng kusa ang kanyang mga luha pero natatakpan iyon ng patuloy na pagbuhos ng ulan.

"I'll go to the states. Inaayos lang ni dad ang tutuluyan ko doon. I might not finish the semester here. Nag-enroll lang naman ako to have time with my friends bago ako umalis," sabi ni Paisley. "Then, you'll not see me again like you wanted."

"Please Paisley. Give me another chance..."

Umiling si Paisley. "No, fix yourself first. Learn to forgive yourself and try not to be so selfish."

"I'll do that. I promise."

"Umalis ka na, Thiago," sabi ni Paisley na parang hindi narinig ang sinabi ng binata.

"I love you... I will not leave... and please... don't leave."

Natigilan si Paisley. Napapikit ang dalaga at napalunok. Tinignan niya si Thiago pagkatapos ay muli siyang umiling.

"No. That's enough, Thiago. Before telling someone you love them, please learn to love yourself first. Forgive yourself first, then learn to forgive others," sabi ni Paisley. "I will call the cops. I will tell them that a stalker is here in front of my house. So leave. Kung ayaw mong lalong magka-problema."

Matapos noon ay tumalikod na si Paisley at naglakad pabalik sa loob ng kanilang bahay. Patuloy na nakiusap si Thiago sa dalaga. Malakas ang kulog at ulan, pero mas malakas ang boses niya habang nagmamakaawa para sa kapatawaran ni Paisley. Pero hindi na talaga lumingon pabalik ang dalaga.

Lumipas ang isang oras. Hindi umalis si Thiago at patuloy pa rin ang pag-ulan. At ilang sandali pa ay dumating na ang mga pulis. Naabutan nila si Thiago na nakasandal sa gilid ng gate nila Paisley. Nakayuko at tila hinang-hina. Itinayo nila ito, at marahang isinakay sa mobile nila.

Hindi naman na pumalag pa si Thiago. Pero sa halip na sa presinto dalhin, ay inihatid lang siya ng mga ito sa kanila. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now