Chapter XLIX

67 17 5
                                    

"Mr. Villaruz. It's your turn now," sabi ng isa sa mga staff kay Thiago.

Tumayo si Thiago at isinuot ang isang itim na amerikana. Isinara niya iyon at huminga siya ng malalim bago naglakad papalabas sa stage.

Sandaling napatigil si Thiago nang makita ang napakaraming tao na naghihintay sa paglabas niya. Magagaling ang mga nauna sa kanya, at siguradong napakataas na ng inaasahan ng mga manunuod sa magiging performance niya.

Nanlamig ang kanyang mga kamay at biglang kumabog ang kanyang dibdib. Pero sa kabila ng kaba na nararamdaman ay napangiti si Thiago. Ngayon lang ulit kasi siya kinabahan. At hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nakadama noon. Isang sa mga pakiramdam na nagpapatunay na buhay siya.

"Go, Thiago! Ilampaso mo lahat ng nauna!" Napatingin si Thiago sa pinanggalingan ng boses at nakita niya doon si Thunder na kumakaway at sa tabi nito ay ang buong tropa ng wasalak na kumakaway rin.

"Taga- MU 'yan! Tsaka fast hand yan!" sigaw naman ni Lucas na sinabayan ng malakas na pagpalakpak ni Ariston.

Napangiti si Thiago. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay sa mga kaibigan, pero bago pa muling makasigaw ang mga ito, ay kaagad itong sinaway ng mga marshals na naroon. Natawa na lang si Thiago habang nakikitang pinapagalitan ang makukulit na mga kaibigan. Bawal naman kasi talaga ang maingay sa isang recital. Lalo na sa isang malaking competition.

Nakita rin ni Thiago ang kuya niya. Nginitian niya ito at pagkatapos ay lumapit na siya sa grand piano na nasa gitna ng stage. Tinanggal ni Thiago ang coat niya sa pagkakabutones at marahan siyang umupo sa harapan ng piano. Inayos niya ang score na naroon at pagkatapos ay tumingala siya sa mga ilaw na nasa itaas.

Pumikit si Thiago. Dinama niya ang kanyang paligid, at pagkatapos ay inilapat niya ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng mga piyesa ng piano. At pagdilat niya ay sinimulan na na niya ng pagtugtog.

Nagkatinginan kaagad ang mga hurado, umpisa pa lang. Hindi sila makapaniwala na iyon ang tutugtugin ng binata. Kagaya kasi ng plano ni Thiago ay tinugtog niya ang, La Campanella ni Franz Liszt, ang isa sa pinakamahirap na piano pieces sa mundo.

Nagpatuloy si Thiago, at damang-dama na niya ang musika. Tumahimik ng husto ang buong paligid at ang lahat ng tainga sa lugar na iyon ay nasa kanya na. May ilan na napanganga, may ilan na nanlaki ang mga mata, at ang iba ay napapikit na lang dahil sa nakakakiliting musika na kanilang naririnig.

"I can't believe, he can play like that," mahinang sabi ni Thunder habang pinapanood ang kaibigan.

"He is actually better than the original," bulong naman ni Ariston bilang sagot kay Thunder.

Lalong namangha ang lahat nang makarating na sa kalagitnaan ang tinututugtog ni Thiago. Sakto lahat ng ginagawa niya. Ang tempo, ang ritmo, at damang-dama ng lahat ang pagmamahal ni Thiago sa musika sa bawat tipa niya ng mga nota.

Sa paningin ng mga naroon ay tila nagkaroon ng iba't-ibang kulay ang paligid ng binata habang tumutugtog ito.

Napatingin si Thiago sa isang sulok ng auditorium at nagulat siya nang makita ang imahe ng kanyang mga magulang doon. Pero hindi na galit ang mga ito, nakangiti ang mga ito habang kumakaway sa kanya. Hanggang sa parang unti-unting nawala ang mga ito sa paningin niya.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Thiago pero sinamahan iyon ng isang napakatamis na ngiti. Lumuwag ang kanyang pakiramdam, at sigurado na siyang hindi talaga siya sinisisi ng mga kanyang mga magulang sa malagim naaksidente.

Thank you, mom and dad. Iyon ang mga katagang nasa isipan ni Thiago habang papunta na siya sa dulo ng piyesa. Pabilis ng pabilis ang palitan ng mga nota, pero bale wala na iyon kay Thiago, at mas lalong humanga ang lahat ng naroon.

At pagpindot niya ng huling nota ng piyesa, ay sinundan iyon ng nakabibinging katahimikan. Para bang hindi pa handa ang mga naroon sa pagtatapos ng performance ni Thiago.

Dahan-dahang tumayo si Thiago at humarap siya sa mga tao suot ang isang napakalaking ngiti sa mukha.

"Nice one, Thiagobels!"

"Paisley?"

Biglang sumabog ang palakpakan sa bulwagan.

"Damn! Guni-guni ko lang ata iyon," dismayadong sabi ni Thiago sabay yuko sa mga naroon para magpasalamat.

"Thiagobels!" Muling narinig ni Thiago ang tinig ng dalaga at sinimulan niya itong hanapin kahit na alam niyang nasa ospital ito. "Ang galing mo talaga!"

Hanggang sa, nakita niya si Thunder na kumakaway at may itinuturo. Sinundan niya ang daliri ng kaibigan at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Paisley. Nakaupo ito sa wheelchair at sa likuran nito ay ang ina nito na pumapalakpak rin.

Kinusot ni Thiago ang kanyang mga mata para masigurong hindi lang siya namamalikmata. Pero naroon talaga ang dalaga at masigla itong nakangiti at kumakaway sa kanya.

Dali-daling bumaba si Thiago ng stage at tumakbo siya kung nasaan ang dalaga. At pagdating niya harapan nito ay kaagad siyang lumuhod at kinuha ang mga kamay ng dalaga..

"Is this real?" tanong ni Thiago habang pinipigilan ang maiyak.

Ngumiti si Paisley at kinurot ang pisngi ni Thiago. "Yup. Bakit? Sino pa bang may ganitong kagandang ngiti bukod sa akin?"

Nagusot ang mukha ni Thiago at kusang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.

"I'm so happy. Salamat. Salamat at nagising ka na," sabi ni Thiago habang nagpupunas ng pisngi. "Are you okay? I mean, pwede ka bang lumabas ng ospital? Ah! Hindi nga? Totoo ba talaga 'to?"

Inabot ng dalawang kamay ni Paisley ang mukha ni Thiago. "This is real, Thiago. I'm here. You saved me."

"Ha?"

"Nanaginip ako ng isang napakahabang panaginip," nakangiting sabi ni Paisley. "Palagi mo raw akong dinadalaw kahit na galit ako sa'yo. Palagi kang nagkukwento ng tungkol sa nangyari sa wasalak, sa practice mo, at ang palagian mong paghingi ng sorry. Then, one time narinig kita na isinisigaw mo ang pangalan mo. You were waking me up, and telling me that you'll show me a lot of things. Akala ko, those were just dreams, but it turns out na totoo pala ang lahat ng iyon. Sinabi na sa akin ni mommy ang lahat ng ginawa mo sa mga panahon na natutulog ako."

"And when she woke up? Halos gumapang siya makalabas lang ng kwarto niya at mapanuod ka," sabi naman ni Mrs. Astor. "Ang totoo, ay nasa labas ang medical team ng ospital. Mabuti na lang at napakiusapan ko 'yong doktor niya na family friend namin."

"But you didn't have to do that," baling ni Thiago kay Paisley.

"No, I have to. Because I want to accept your apology right away," sabi ni Paisley.

Muling naiyak si Thiago at napapunas ng luha. "I'm sorry. I am really sorry, Paisley."

"Apology accepted, Thiagobels. Basta kapag inulit mo 'yon, alam mo na ang mangyayari," sabi ni Paisley.

"Naks! Double win!" sigaw naman ni Thunder. Sa likod niya ay masayang pumapalakpak ang buong grupo ng wasalak.

Ngumiti si Thiago sa kanila at tumayo. Pero hindi niya binitiwan ang kamay ni Paisley. Eksaktong papalapit na sa kanila ang mga marshals, dahil medyo naging magulo ang dramang nilang iyon. Pero bago pa makakibo ang mga marshals ay muling umugong ang palakpakan sa lugar.

Humingi ng despensa si Thiago sa lahat ng naroon, at pagkatapos ay nagpasalamat siya at mas lalong lumakas ang palakpakan. Napakarami ring kumukuha ng mga larawan at videos.

Pero hindi natapos ang gabing iyon sa ganoon lang. Naging mas makulay ang gabing iyon nang itanghal si Thiago na nanalo ng unang parangal. Muling umingay sa palakpakan ang buong lugar. At buong karangalan itinaas ni Thiago ang throphy na natanggap tanda ng tagumpay at simula ng kanyang bagong buhay. 

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon