KABANATA 31

53 3 0
                                    

"Secret walang clue."

"Nagawa mo pang magjoke?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mukha ba akong nagjojoke? Edi sana natawa ka na," inirapan niya 'ko matapos ko siyang irapan habang nagsasalita.

"Eh, ano na ang gagawin natin ngayon?" umayos ako ng upo sa lamesang nasa gilid niya.

"Aayusin 'yang ugali mo," mabilis niyang sagot.

"Ano ba?! Seryoso na kasi!" irita na talaga ako sa mga sagot niya. Ito ba ang nangyayari kapag ikinulong lang sa basement.

"Sus! Ako ang nag-utos sa kanila na ikulong ako rito sa mismong basement. Bakit ko naman hahayaang ikulong ako ng iba kung kaya ko naman."

"Huwag ka nga magbasa ng isip, please lang! At bakit ka nagkulong dito? Hinahanap kita pero nandito ka lang pala! Kailangan ba na lagi kitang hahanapin pa?" nailabas ko na rin ang gusto kong sabihin.

"FYI lang, Chin. Hindi ka nagtatanong."

"PAANO AKO MAGTATANONG IF HINDI KA NAMAN SUMASAGOT SA TAWAG KO?!" bulyaw ko sa mukha niya.

"Ayan kasi! Hindi ka marunong umuwi tapos parang kasalanan ko pa," isinarado niya pa ang tenga gamit ang daliri. Naglakad siya palayo kaya sinundan ko na naman siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

"Anong gagawin natin?" ilang beses kong tanong sa kaniya simula nang magkasama kami.

"Tanong mo sa clan ko na clan mo," ngumisi pa siya sa akin, nang aasar.

"Problema mo?" tanong ko.

"Kiss muna," ngumuso pa ito sa akin.

I took a deep sighed before kissing her cheeks. "Ano ngang problema?" malumanay kong tanong. Alam kong may mali.

"Nag-away 'yung dalawang ina dahil sa sitwasyon natin. Late rin kasi nila narealized ang mga nangyari noon."

"Sino naman 'yang dalawang ina?" naitaas ko ang isang kilay.

"Mom and abuela," bumuntong hininga pa siya.

"Oh, talaga?" napanganga pa ako sa nalaman.

"Ay, hindi!" she rolled her eyes.

"So, are they okay now?" bulong ko. "Seryoso ka ba talagang ikaw ang nag utos ikulong ka rito or isa sa dalawa?" lumapit pa 'ko sa kaniya upang walang makarinig.

"Nagalit si abuela dahil lagi tayong sinisisi ni mom sa nangyari kay dad no-"

"Ay, pati ba ikaw?!" gulat kong tanong. Akala ko ba ako lang sinisisi dito?! Nadadamay pa pala 'to.

"Sige na nga, ikaw na lang! But I'm serious, ha," kinamot niya pa ang batok niya bago kinuha ang coat na nasa tabi ko. "Naiintindihan ko naman si mom, Chin. Iyon lang naman ang kaya nating gawin ngayon, ang intindihin muna siya."

Tumango lamang ako sa sinabi niya at pinanood siyang isuot ang coat na hawak. "Bakit ka nagkulong? Imposible naman na ang dahilan niyan ay dahil trip mo lang," inabot ko sa kaniya ang suklay dahil nasa tabi ko lamang.

Sinusuklayan niya ang buhok niya habang naghahanap ng ponytail siguro. Hinihintay kong sagutin niya ang tanong ko. Hay. Napunta ang atensyon ko sa batok niya kaya nagtataka kong hinawakan nang tinatali niya na ang buhok niya.

"Ano 'to? Bakit parang binalatan ang batok mo?" nag-aalalang tanong ko.

Tinampal niya bigla ang kamay ko kaya bigla ko 'tong ibinaba. "I-I'm weak, Chin. I can possibly lose my power if lalayo na naman ako kaya naisipan kong ikulong ang sarili ko. They attacked me again..."

In the Night SkyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang