I'm listening but there's no sound

Umuulan plus soloist ang drama ko dito. Perfect! Music video ko na nga ito! Pwede ng pang-youtube eh.

Isn't anyone tryin' to find me?

Pagtingin ko sa cellphone ko, hala lowbatt! Patay! Yari ako sa ina kong pinagmanahan ko ng pagka-machine gun ang bibig. Tsk tsk!

 

Won't somebody come take me home?

Ha, naiyak na naman ako. Bahala na, yaeh nang basang sisiw. Uuwi na ako pero tatapusin ko na muna yung kanta. Aba, music video ko nga ito eh.

It's a damn cold night

I'm tryin' to figure out this life..

Won't you take me by the hand?

Take me somewhere new...

I don't know who you are..

But I'm.. I'm with you..

I'm with you...

Hmm hmm hmm

Hala, gusto ko na talagang magwala! Kasalanan ko ito eh! Gusto kong magsisigaw kaso nasa capilla ako. Sorry Lord!

Napansin ko na bukas yung ilaw sa may kumpisalan. Wala na ako sa sarili na pumunta dun. Kailangan ko ito mailabas.

I'm searching for a face

Is anybody here I know?

"Kailangan ko ng magpapayo sa akin at baka maloka na ako dito."

'Cause nothing's going right

And everything's a mess..

And no one likes to be alone..

Lumuhod na ako.

"Father..."

Isn't anyone tryin' to find me?

Won't somebody come take me home?

 

Naririnig ko pa rin yung kanta kaso wala na akong paki.

"Father! Ang dami ko pong ikukumpisal! Waaaahhh! Father, hindi ko na po kaya! Father.. Huhuhu! Binitawan ko na po sya. Ang taong tingin ko po ay mahal ko po. Father.. Hawak ko na po pala siya. Hindi ko po alam na may nararamdaman po siya sa akin. Father, ang laki kong tanga para magpakamanhid. Tapos kung kalian handa ko na po sabihin sa kanya, saka ko po nalaman na may gusto na siyang iba. Father! Ang sakit po. Ang sakit-sakit. Para pong pinipiga ang puso ko."

Di ko na talaga kaya. Kailangan ko na talaga itong ilabas.

"Naku Father, pasensya na po. Hindi ko lang po kasi ito masabi sa mga kaklase ko. Wala po kasi silang alam. Hinuhusgahan po nila ang taong mahal ko kahit hindi pa nila nakikilala. Father, karma po ba ito? Please, sabihin niyo po sa akin. Bakit po ba hindi ako pwedeng sumaya? Bakit po ba hindi ko maranasan ang mahalin ng tunay? Father..."

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now