"She talk shits about you, what do you expect me to do? Ang hayaan syang pag-salitaan ka ng ganoon after she insulted you in every possible way?"

Tumigas ang ekspresyon n'ya. Kong nakakabasag lang ang tingin ay kanina pa walang salamin ang sasakyan n'ya. Nakakatakot po s'ya magalit!

"B-bakit ka sakin galit?" Agad namang lumambot ang mukha n'ya.

Kasing bilis ng kidlat ang pag-bago ng ekspresyon n'ya sa mukha. Paano n'ya gawa 'yon? Ang bilis naman. Hinalikan n'ya ang kamay ko saka ngumiti sakin. "I'm not mad at you."

"Sabi ko nga... Pero diba ilang years na s'ya sa Grandeur University nag-ttrabaho. Sayang naman."

"I don't give a fuck." Umigting ang panga n'ya.

"Sir Wrath!" Sigaw ko sakanya.

"Alzera, no." Malamig nyang sabi.

"K-kahit ibalik mo nalang s'ya, kawawa naman po. Baka ano may mga gamot syang binili tapos wala na syang work–"

"It's still a no."

"Please... Parang 'yon lang eh."

"No."

"Sir Wrath." Napanguso ako.

Nakokonsyensa ako. Iniisip ko palang na ako ang dahilan kung bakit sya nawala sa trabaho ay gusto kong mag-dabog.

"No." Final na talaga 'yon kaya hinayaan ko nalang sya.

Bahala sya sa buhay n'ya. Akmang kukunin ko na ang kamay ko pero mas hinigpitan n'ya lalo ang pagkaka-hawak n'ya sa kamay ko. I pouted.

Pinaglalaruan ko nalang ang darili n'yang mahahaba. Napailing ako ng may pumasok na namang katarantaduhan sa isip ko. Mali kayo ng iniisip, I'm innocent po. Gamit ang isang kamay ay kinuha ko ang phone ni Sir Wrath. Wala namang reklamo si Sir Wrath kaya go na go ako. Halos ako na ang gumagamit sa phone n'ya, pati rin ang gallery puro mukha ko ang nandon!

Haba ng hair!

"Can I use messenger, log out ko rin agad?" Paalam ko sakanya. Tumango naman sya. "Baka kasi may chat doon si Ms. baka may pa activity."

"Go on."

"'Yong kamay ko po?" Mukhang wala syang balak pakawalan ang kamay ko.

Ligaw stage palang magka-holding hands na! Pero seryoso ba sya sa ligaw-ligaw na 'yon? Gusto ko sanang itanong pero huwag nalang nakakahiya, nahihiya ako!

Labag man sa loob n'ya ay binitawan n'ya iyon. Agad kong chineck ang gc namin pag-katapos kong mag log in. So far wala pa naman. May mga iilang messages din doon galing sa mga kaklase ko, nanghihingi ng mga answers. Mamaya ko nalang sila bibigyan.

Nangumusta din si Wrena sakin, magiging busy na kasi sya kasi malapit na defense nila. Goodluck nalang sakanya! Ano kayang feeling pag nag-dedefense? Kayang-kaya iyon ni Wrema kasi matalino sya. Sakanya nga ako nag-papaturo minsan ng mga lessons namin pag may hindi ko alam. Sanaol nalang.

"Who are you texting?" Tanong n'ya sakin.

"Si Wrena. Bakit?"

"Nothing..."

Napaisip ako kung kailan ko sasabihin kay Wrena ang namamagitan samin ng kuya n'ya, ano kayang magiging reaksyon n'ya? Baka masampal n'ya ako sa gulat kaya habang maaga pa, ihanda ko na ang pisngi ko.

"What do you want to eat?" Mahinahong tanong nya sakin para bang nakikipag-usap ng bata. Pero infairness gusto ko 'yon.

"Jollibee! Matagal narin last kong kain doon," maligayang tugon ko.

Fire Burning Where stories live. Discover now