"I guess 50k+ is not enough for them every month. Maraming sakit sa ulo, maraming pasaway so yeah, I'll higher their salary."

Nanlaki ang mata ko. "Gawin mo nalang kayang 100k, nahiya kapa."

Napalingon sya sakin. "What do you think, hmm?"

Aba. "Sige para maubos pera mo, ilang teachers ba nandito sa University? Sige sabihin na nating nasa, 2000 sila. Oh edi, ubos pera mo."

Sa department of senior high palang kasi, 600 professors or teacher na. "That won't happen, the tuition of this school is not a joke."

"Ay oo nga pala no!" Bakit hindi ko naisip yon?!

Bobo ko talaga. "Yeah... What time is it now? You might be late in your class." Tiningnan nya ay relo nya. Napatingin tuloy ako sa oras ng phone ko.

"May 30 minutes pa ako..." Parang ayaw kong umalis dito sa office n'ya!

"Wala kang quiz?" Umiling ako. "Reports?"

"Mamayang hapon meron, isa. Pero okay na 'yon, nagawa ko na. Pero kinakabahan parin ako kasi terror si Mr. Herb."

"He is?"

"Oo! Nako, gagi 'yon. Ayoko talaga sakanya, napapa surprise quiz tapos pag maliit score namin magagalit! Tinatawag sa biglaang oral recitation, dapat sinabi n'ya muna no kong mag papa-oral recit sya. Maraming project and whatsoever, ewan ko sa matandang iyon. Dapat kasi namamahinga na sya kasi matanda na, diba."

"I knew Mr. Herb, he's really strict."

"Talaga naman! Nakakairita nga eh, pero magaling talaga syang mag-turo. Marami akong natutunan sakanya. Sana hindi sya madamot sa grades. Baka kasi ibagsak n'ya ako, napagalitan kasi kami ni Clifford."

Doon na sya napatingin sakin. "Why? And who the hell is Clifford?"

"Ah eh kasi naman, sabi n'ya one fourth tapos nag-tanong pa si Clifford kung one fourth ba daw edi natawa ako. Edi dalawa kaming napagalitan."

"Deserved."

"Hoy, gago!"

"Kidding." Natatawang sabi n'ya."Next time control that cute mouth of yours."

Tumango naman ako. "Hindi na 'yon mauulit no."

"Dapat lang." Sabi nya naman.

Marami pa kaming pinag-usapan at dinaldal ko talaga sya ng todo-todo. Minsan tango nalang ang response n'ya. Baka naririndi na sakin si Sir Wrath pero hindi nya lang pinapahalata o sinasabi.

Sabay kaming napalingon sa pintuan ng may kumatok doon. "It's Mrs. Valmorida, I think it's the snacks that I've ordered."

Akmang tatayo sya pero pinigilan ko sya. "Ako na, work ka nalang dyan. Marami ka panamang tatapusin."

Bumalik naman sya sa pag-kakaupo. "Thank you, baby."

"You're welcome!"

Nag-lakad ako papuntang pintuan at dahan-dahang binuksan iyon. Nagulat ako dahil masamang tingin ang ipinukol sakin ni Mrs. Valmorida. Ano ba yan. Kunti nalang talaga iisipin kong may gusto sya kay Sir Wrath!

"Good m-morning po." Ningitian ko sya pero hindi n'ya ako binati pabalik. Sungit!

Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa at napailing. Medyo na hurt ako kasi parang jinahudge n'ya ako!

"Sayang ka, ang bata mo pa naman. Hindi ka bagay sa isang Aguas, hija. Mag-aral ka muna, huwag puro landi ang inaatupag. Wala kapang napatunayan."

"Hindi naman sa ganoon–"

Fire Burning Where stories live. Discover now