Gulong gulo ako ngayon. Nasaan ang dalawa at bakit pareho namin silang hindi makita at matawagan.

"Eli let's meet. At the park malapit diyan sa building na kinaroroonan mo. Wait moko diyan."

Nagmamadali akong bumaba at pumunta sa sinabing park ni Xyrielle matapos ibaba ang tawag.

Anong gagawin namin ngayon.

Hindi naman inabot ng isang oras ay nakarating na rin ito kaagad.

"Eli nag-aalala ako." bungad sa akin ng kakambal ko at naupo ito sa tabi ko.

"Nasan ba kase sila?" kahit ako ay hindi na maitago ang kabang nararamdaman sa ngayon.

"Sa tingin mo may kinalaman sila Mom and Dad?" doon ako lalong nanlumo, paano kong sila nga ang may pakana nito.

Anong ginawa nila sa dalawa at nawawala ito.

"Eli paano kung nalaman nila na karelasyon natin sila at may ginawa silang masama sa dalawa. Eli hindi ko kayang may mangyari kay Andrie." hindi na nito napigilan ang luhang kanina pa nagbabadya.

Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. Ang hirap lumaban kapag ang mismong kaaway mo ay ang mga magulang mo.

"Wag kang umiyak. Magagawan natin ito ng paraan." pagpapatahan ko sa kanya.

Ngunit anong paraan ang magagawa ko? Napalingon ako sa mga kabataang nasa tabi ko ng bigla itong tumili.

"Hindi ko matanggap? Akala ko pa naman may forever na sila ni Miss Samantha tapos ikakasal na siya. Naiiyak ako."

"Ako yung nasasaktan, hindi ko naman kaano ano."

"Fan nga lang ako pero tingnan mo umiiyak na ako."

"Hindi ko mapigilan ang luha ko, ang sakit."

Hindi ko na pinansin ang usapan ng mga kabataan. Wala rin naman akong naintindihan.

Dumaan kami sa isang restaurant para mag dinner. Pansamantalang naging okay ang kakambal ko kaya nakampanti na rin ako.

Habang kumakain ay napalingon ako sa tv nang marinig ang pamilyar na pangalan.

"Ace Axel Chavez, isang sikat na actor ay ikakasal na?" natigilan ako ng marinig ang headline ng balita.

Sabay sabay na tumulo ang aking mga luha ng marinig ang buong balita.

"Ideniklara ng pamilya ng actor ang nalalapit na kasal nito sa isang kilalang anak ng mga Figueroa. Para sa kaalaman ng nakararami ang pamilyang Figueroa ay isa sa mga pinakamaunlad na pamilya. Walang pahayag ang actor at napapansin ng mga fans nito ang pananahimik sa kabila nang kumakalat na balita. Sa kabilang bahagi kinumpirma naman ito ng nasabing fiance ng actor na si Karylle. Maririnig ninyo sa ngayon ang panayam sa kanya..."

Hindi ko na natapos ang balita at umiiyak akong lumabas sa restaurant na iyon. Tinawag pa ako ng kakambal ko ngunit wala akong lakas upang makinig.

Dumiretso ako sa parking lot at doon humagulgol ng iyak. Buti na lang at may dalang sasakyan ang kakambal ko.

"Eli-."

"Alam ko Xy. Magiging maayos ako. Total ikakasal na rin naman ako diba. Okay lang, pantay lang kami."

"Pero Eli-."

"Shh, ayoko munang makarinig please. Aayusin ko to, hayaan mo lang ako."

Nagpapasalamat ako at naintindihan ako ng kakambal ko. Wala na itong sinabi at nagdrive na lamang pauwi sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto at doon tinuloy ang pag-iyak. Ang sakit sakit! Mag-aapat na taon na kami pero sa iba lang din naman pala kami ikakasal. Kami yung tumagal eh, bakit sa iba siya magkakapamilya.

BRIDE SERIES #1: His Unwanted Bride | ON-GOING | Where stories live. Discover now