Doon na napatingin sa kaniya ang binata. Nagtama ang kanilang mga mata. There is nothing but coldness in his eyes, but she stood her ground. Kahit nakasasakit ang malamig nitong mga tingin, kahit na tila nanunuot sa buong kalamnan niya ang lamig niyon, hindi siya nagpatinag doon. She looked at him with the same intensity. Gusto niyang malaman ng binata kung gaano siya kaseryoso na mapag-usapan ang tungkol sa nangyayari; kay Veron, kay Via, at kung ano pa man ang nararapat na mapag-usapan.

"You don't understand."

"Paano ko maiintindihan, kung hindi mo naman ipaiintindi sa akin? Kung wala kang balak na ipaintindi sa akin?" Doon na nagsimulang lumabas ang hinanakit mula sa bibig niya. "Tatlong araw kang hindi umuwi. Ni wala kang sinagot sa mga tawag ko. Tapos ngayong kakauwi mo lang, aalis ka uli. Sabihin mo, Oliver, paano ko maiintindihan kung kitang-kita ko sa'yo na wala ka namang balak na pag-usapan natin ang bagay na iyon?"

"Anak ko si Via. Ako ang may karapatan na magdesisyon kung ano makakabuti sa kaniya o hindi."

Napailing-iling siya. "Kahit na ikaw ang may karapatan na magdesisyon, sana inisip mo man lang ang nararamdaman nung bata." Her voice almost break. Parang tinutusok-tusok ang puso niya dahil sa malalamig na tugon ng binata sa bawat sinasabi niya.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko."

Mapait siyang napangiti. Hindi niya ganoon nakilala ang binata. Lagi nitong inuuna ang anak nito, ang nararamdaman ni Via.

She voiced it out. Mahina ang boses niya. Ni hindi namalayan na umalpas na pala ang mga salitang iyon mula sa bibig niya. "Oliver, hindi kita ganiyan nakilala."

"You don't know anything at all! You don't know me, you don't know my child, so stay the fvck out of it!"

Natigalgal siya sa pagsigaw nito. Tila maging ito ay nagulat sa mga salitang lumabas mula sa bibig nito.

Sunud-sunod ang naging pag-agos ng mga luha niya. Para siyang sinuntok sa sinabi nito. Nagsimulang manginig ang kaniyang mga tuhod. Ganito pala... ang pakiramdam ng masaktan. Binabawi na yata ang mga kasiyahang naranasan niya sa nakalipas na buwan. Ngayon, sinasampal na siya ng katotohanan, at kailangan na niyang gumising.

Wala siyang lugar sa bahay na iyon.

"Oo nga pala. Nalimutan ko ang lugar ko." She nervously laughed. Nanginginig pati ang sulok ng labi niya. "Sino ba naman ako, isang yaya na naging girlfried ng isang buwan?"

"Ashley—"

"Mommy, Daddy, are you fighting?" Natigilan siya ng marinig ang boses ni Via mula sa likod niya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tinuyo niya ang kaniyang mga luha gamit ang likod ng kamay niya. Ayaw niyang makita ni Via ang luha niya. Masyado nang marami ang pag-aalala ang bata tungkol sa nangyayari totoo nitong mga magulang, dadagdagan pa ba niya?

"Ash—" lalapit pa sana sa kaniya ang binata ngunit mabilis niya itong tinalikuran.

Lumapit siya kay Via na nakatayo sa may pinto, at lumuhod sa harap nito upang maging magkapantay ang mga mukha nila. "Anak, nag-uusap lang kami ni Daddy mo. Balik ka na sa kuwarto mo, sweetie."

Niyakap nito ang leeg niya. "Isang linggo kitang hindi makikita. I don't want to go. Daddy, can I just not go?"

Hindi sumagot ang binata.

"Mommy, can I sleep in your room? I won't see you for the rest of the week. I will miss you."

"Oo naman," pinasaya niya ang boses. Niyakap niya ang bewang nito at binuhat ang batang babae.

"Good night, Daddy."

Palabas na sana sila ni Via ng kuwarto nang hawakan ng binata ang braso niya.

"Ashley, saglit lang—"

VILLEGAS TRILOGY 1: Brittle Hearts (COMPLETED)Where stories live. Discover now