1: Introduction

312 17 9
                                        

"Jehyun." Tawag sakin ng tatay ko habang nandito kumakain kami sa isang fine dining restaurant kasama ni Mommy na nasa tabi niya.

"You missed a point in your chemistry 1 subject last sem. I'm warning you, Jey. This grades will affect your course in college and also as the chairman of our company nakakahiya 'to! I also know what you're doing these days kaya ngayon pa lang sinasabi ko na itigil mo na 'yan." He said while not looking at me at tuloy-tuloy lang sa pagkain pero alam na alam kong kating-kati na siyang murahin ako it's just that I am saved because nasa public place kami.

Napairap naman ako at tumango nalang din since wala naman akong magagawa kundi sundin ang mga gusto niya. I can't even do what I want. I can't even join school parties and curricular activities dahil sa kanya because 'I need to study'. I can't enjoy my high school life because of it. Tangina! Isa siyang pinakamalaking hadlang sa buhay ko!

Bago pa ko mag-isip ng kung ano ay napatingin ako sa phone ko ng bigla itong nagvibrate kaya  tiningnan ko ito ng patago at nakita ang isang message galing kay Den. My friend from Paris at kakauwi niya lang.

From: Den
JEY, PUNTA KA SERENADE!

Napa-irap naman ako ng malamang nagpaparty na naman siya sa club. Ba't di namin alam magkaibigan 'to? Usually kasi iniinvite niya nina Ali din pero mukhang mag-isa lang siya. Do they even know na nakauwi na 'to sa Pilipinas? And party kaagad? Wala na ba talaga magawa 'to sa buhay niya?

To: Den
Bobo! May dinner ako kasama ng mga tanda!

From: Den
Duuh? As if naman na nakikinig ka! Alam ko namang layas na layas ka diyan! Sige na! I need to show you something!

Napailing nalang ako at tumingin sa mga magulang ko matatapos na sa pagkain. I stood up and carried my bag at akmang aalis.

"I think I didn't need here anymore. I have to go." Sabi ko at tinalikuran sila. Naririnig ko pang sinigaw ni Daddy ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon. Siguradong naghahamok na naman sa galit 'yun dahil sa inasal ko.

They just prepare those damn dining things para ipakita sa lahat that he have everything in life. Money, Power and Family. Importante ang reputasyon niya kaya he always do this for the media and whole world to know that we are happy family. Napairap ako kaagad ng may makitang paparazzi, Damn Medias!

Pagkalabas ko ng restaurant ay tumawag kaagad ako ng cab at sumakay papuntang Serenade Club which is palaging club na nagpaparty si Den. Hinarang muna ako sa pinto at tinanong kung legal na ba ako. Syempre nagsinungaling ako. Alam kong hindi din niya naman mahahalata sa itsura ko because I look like it. Hindi niya na din ako hiningan ng ID at mukhang panipaniwala sa kasinungalingan ko.


I smirked.

Pumasok ako dun at agad na narinig ang malakas na tugtug at masasakit sa matang ilaw ang nandoon. Ugh! I hate this! Kung di lang talaga sa lintek na dinner na 'yun ay hindi ako pupunta. I hate parties but dito lang ang escape root ko kaya wala akong magawa kung hindi ang pumunta.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Den. Saan nagsusuot ang babaeng 'yun? I saw too many people get drunk and making out kaya napairap ako. Usual people na makikita mo.

I am wearing a fitted gray dress na hapit na hapit sa korte ng katawan ko and may manipis siyang hawakan sa balikat ko with a pair of two inch black heels kaya mukhang okay narin para magfit-in dito sa club. I hate these kind of dress but kailangan dahil na din dun sa fake dinner ng mga tanda.

Habang naglalakad ay nahagip ng tingin ko ang isang lalaki sa dulo ng couch na nakatingin sakin. He's wearing a dark denim jacket at nakabukas 'yun kaya kitang-kita ko ang itim niyang shirt sa loob. He's also wearing a black pants and black adidas shoes but hindi ko mafigure-out ang itsura niya since paiba-iba ang kulay ng lights at hindi ako sanay kaya masakit talaga siya sa mata.

But nakita ko ang itsura ng babae sa gilid niya dahil nakatutok sa kanya ang isang light at nakapulupot ang malalanding kamay sa braso ng lalaki. It's Hilary. My schoolmate. She's in another strand kaya hindi kami masyadong magkakilala. I just know that she is a famous malandi.

Napatigil ang pagtingin ko sa kanila ng biglang may bumunggo na isang lalaking may hawak ng isang blue colored drink. Natumba siya at nasagi ako kaya natumba din ako.

I even tasted the drink kaya naman nainis ako. Wala naman kasi akong planong uminom!

But bigla naman akong nahilo pagkatapos nun. What the hell? Lumilibot na ang paningin ko and in just a second bigla nalang ako napahiga at nawalan ng malay.

But in a second thought, I smell something.
Calvin Klein Eternity Aqua scent.

*****

"Jey! Are you okay?" Rinig na rinig ko ang boses ng bestfriend kong si Dearlyn kaya naman kinuha ko kaagad ang unan na nakapatong sa ilalim ng ulo ko at tinakapan 'yun sa tenga ko.

Ugggh! Siya na naman! Mukhang sawang-sawa na talaga ako sa mga rants at payo sakin these days kaya naiirita nako sa boses niya.

"Okay ka na nga." Sagot niya sa sarili na mukhang naiintindihan niya din kung bakita ko ginawa 'yun. Mabuti't alam niya!

Naramdaman kong medyo masakit pa ang ulo ko kaya ibinaba ko ang unan at napahawak ako dun. Uggh! Tangina!

"Anong nangyari?" Tanong ko and then I realize na nakaupo na ako ngayon sa isa sa mga hospital beds. Hospital?

Nilibot ko ang paningin ko at mukhang nasa emergency room ako sa dami ng nagsisidatingang pasyente galing sa main door at mga nurses at doctor sa counter.

"Gago ba't ako nandito?" Dagdag ko kay Dearlyn pero inirapan kaagad ako. Bago siya magsalita ay nakita kong tumatakbo palapit samin si Den kaya agad kong sinalubong siya ng masasamang tingin.

"Are you okay? I'm really sorry about earlier. I was too drunk at natext kita." Pagdadahilan niya kaya naman agad ko siyang binatukan.

"Ginagago mo ba ako? Saang parte ng Paris mo 'yan nakuhang drinking habits? Susunugin ko." Matalim na sagot ko sa kanya but tinawanan lang ako. Knowing Den ay alam na alam kong nagsisinungaling siya.

"It's true! Just trust my alibi." Depensa niya kaya napairap kaagad ako at kinuha nalang sa gilid ng cabinet table ang cellphone ko at nagscroll nalang sa social medias sa phone ko.

"Alam ba nila Mich na nandito ka? Because it's looks like hindi." Sabi ko kaya naman napatingin ulit siya sakin at mukhang hindi alam ang sasabihin kaya naparoll-eyes kaagad ako sa kanya at hindi na siya hinintay pang sumagot dahil mukhang alam ko din naman ang isasagot.

"Oo nga pala! The guy who-

"Aiish! Wag ka ngang maingay muna Dear! Nagfofocus ako e!" Pang-iinis ko sa kanya at naramadam kong hinila niya kaagad ang buhok ko.

"Tangina mo Jey." Sagot niya naman sakin kaya natawa ako.

"You were unconscious because of drugs Jey. Nagdudrugs ka ba talaga?" Biglang tanong kaya naman napatigil ako sa kalalaro at tumingin sa kanyang gulat na gulat.

"WHAT?" Malakas kong sigaw ko kaya napatingin ang ilan sa mga pasyente at nurses dito sa emergency room.

"Yes, Jey." Maikling sagot niya pero nakanganga parin ako at pilit na pinaprocess ang nangyari.

Tama. I remembered everything! 'Yung lalaki na may hawak ng blue colored drink! I became unconscious because of that! Kaya hindi na ako nagduda pang may drugs 'yun!






Tangina!

Trouble With Mr. PopularМесто, где живут истории. Откройте их для себя