"Hmm... Nakita kita kanina sa daan ng walang malay kaya dinala kita sa bahay ko, hindi na kita sinabihan kung pwede kitang dalhin sa bahay kasi wala ka ngang malay" ngisi-ngising aniya ng hindi ko kilalang lalaki.

"Ok kalang? namumuti ang iyong labi binibini... sandali kukuha lang ako ng tubig"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko rin alam kung bakit parang hindi lang ako makapaniwala siguro.

Tss

Anong pumasok sa isip nito bakit tinulungan ako? wala na nga akong pakialam kung ano na ang mangyari sakin doon kanina sa daan.

"Ito tubig..." aniya sabay bigay ng isang basong tubig sakin.

Walang kibuang tinanggap ko naman kasi kanina pa ako nauuhaw.

"super thirsty huh?"

Parang maisusuka ko tuloy yung tubig ko dahil sa sinabi niya.

loko nito ah?

tss

Tinapos ko lang ang basong tubig tsaka padabog na nilagay sa center table dito ang baso. Tiningnan ko siya ng diretsyo.

"bakit? you should thank me because I saved you lately,  before giving me that look..." aniya tska ngusmisi na naman.

Binaling ko nalang sa iba ang direksyon ko dahil nabwibwisit ako sa pagmumukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang pananamit at awrahan tulad niya sa taong ito. Halos ng lalaki dito ay napakapormal tingnan tulad ni Franco pero siya parang nanggaling sa hinaharap tulad ko kung umayos. Napalunok ako sa iniisip ko. Naalala ko bigla si Dust.

Marahan akong napayuko at napatingin sa mga kamay ko nalang. Hindi niya lang naman ako hinanap. Pinipigilan ko ang aakamang luha na tutulo maman sa pisnge ko. Napakagat nalang ako ng labi ko.

"Lalim ng iniisip mo binibini? ok kalang ba?" 

Hindi ko siya nagawang tingnan at sagutin. Ano ba ang pakialam niya?

tss

buhay ko to

"May hinanda na akong hapunan para sayo— satin pala, gusto mo ng kumain?"

Nagugutom na ako kanina pa
Gusto ko ng kumain
Kaso ayaw ko siya kausapin
Kaso paano namam ako kakain?

"tssk, hali kana tumayo kana dyan binibini alam kong nagugutom kana, kanina ko pa narinig yang tyan mo" natatawang aniya at nagulat naman ako ng ilahad niya yung kamay niya sakin. Anong gagawin ko naman dyan?

"Tayo na po binibini, nilalamig na yung pagkain natin..."

Hindi ko kinuha yung mga kamay niya at mag-isang tumayo papunta kung saan.

"Oh saan ka pupunta binibini? Nandito yung kusina" turo niya sa kusina.

Napairap nalang ako at dumiretsyo sa kusina dito. Narinig ko pang tumatawa tawa yung loko. Umupo nalang ako at sa tabi ko naman siya umupo.

"Let's eat..."

Ok

Kumuha na ako ng mga putaheng gusto kong kainin at tsaka nagsimula ng kumain. Sa wakas nakakita din ako ng putaheng pamilyar sakin, adobong baboy tsaka tinolang manok? Marunong siya magluto? o mga maids niya ang nagluto? Ay halata naman na meron dahil napakasarap nitong kinakain ko at napakalaki ng bahay para siya lang mag-isa dito.

Habang kumakain ay naalala ko parin yung pagyakap ni Seco kay Celestine. Nasasaktan lang ako kapag naiisip ko yun.

"By the way......I'm Night..."

NERD SPARKS Where stories live. Discover now