3208

23 4 0
                                    

Eros

Gusto kong suntukin sarili ko sa tuwa at takot nang marinig ko kung ano ang sinabi ko kay Dawn. 

Talaga bang sinabi ko 'yon? Nasabi ko na ba talaga? Hindi ba cheesy masyado? Ang cringe yata ng last sentence na sinabi ko. Dapat pala sinabi ko nalang na gusto ko siya maging valentine!

Gusto ko alisin ang tingin ko kay Dawn, kaso hindi ko kaya. Nakatulala lang siya sa akin. Nandidiri ba siya? Nagdadalawang-isip na kung bakit niya ako kinaibigan? Murder?

"Dawn?" pagtawag ko sa kanya at pinisil ang tainga niya nang mahina.

"Hinihintay ko pa 'yong isa mong tanong."

Inalis ko naman agad ang pagkahawak ko sa kanya nang bigla siyang magsalita. 

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong tanong? May sinulat ba ako sa diary ko na may itatanong ako sa kanya kapag umamin ako? Bakit hindi ko maalala! Ano pa ba hindi ko natatanong? Ano ba gusto kong itanong sa kanya—

Lumunok ako ng hangin. "Pupunta ka ba sa prom?"

Tama ba 'yong tanong ko? Ayon lang naalala ko na gusto kong itanong sa knya at bukam-bibig ko!

Parang lumabas lahat ng sama ng loob ko nang makita siyang ngumiti sa akin, kasama pa ang mata. Anong klaseng ngiti 'yan, nakaka baliw! Napapangiti rin ako nang wala sa oras, eh!

"Hindi." Nawala ang ngiti ko. "Wala ako prom date, eh."

Shit. Mali nga tanong ko.

Napakamot ako sa sintindo ko. "Ano... Punta tayo?"

"Ayaw. Wala nga ako prom date." Pag-iling niya na ikinabagsak ng katawan ko. Kanina, sobrang saya ko no'ng ngumiti siya, ngayon hindi na ako masaya sa ngiti niya.

Bubuntong-hininga na sana ako nang parang may humapas sa ulo ko. 

"Can you be my prom date?" kabado kong pagtatanong muli.

Ito na 'yon, 'di ba? Hindi na niya ako babarahin, 'di ba?

Bumalik ang maginhawa kong pakiramdam nang makitang gumaan ang ngiti niya at hindi na pilit. Sa ilang segundo na paghihintay ko ng sagot niya, parang ilang dekada na ako naghihintay. Halos tumalon ako sa saya—pero syempre hindi ginagawa—nang tanguan niya ako at bigyan ng maginhawang ngiti. Ngiting ma-i-in love ka ulit.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at wala sa wisyong pinisil muli ang dalawa niyang tainga. Natauhan lamang ako nang hampasin niya ako bigla sa braso ko.

"Bago ka humarot, madami ka pang ipapaliwanag sa akin!" giit niya at hinampas sa akin ang notebook. Napa-aray naman ako pero syempre peke lang. Paawa dahil hindi naman talaga masakit. Mas lamang pa rin ang saya sa dibdib ko kaysa sa sakit!

"Anong paliwanag?" tanong ko.

Tumawa siya bigla. "Kung bakit ang torpe mo at inabot ka ng anim na taon?" 

Ngumuso naman ako pero ngumiti rin.

Kanina ay sinasadya ko tala siyang iwasan dahil sa takot ko na kokomprontahin niya ako tungkol sa diary. Kaya pala hindi ko na mahanap no'ng nakaraang araw sa table namin sa english class ang diary, nasa kamay na pala niya. Grabe ang gulat ko kagahapon no'ng ipakita niya sa akin ang diary. Akala ko nga ro'n na niya ako kokomprontahin. 

Honestly, nawalan na ako ng pagasa na mababasa niya pa ang laman ng notebook. Kaya nga 'yong ibang message ko sa isang page ay binura ko gamit ang lemon juice. Masyado kasing jeje ang mga confession na naka lagay doon. Nagmumukha akong die hard fan niya. Plano ko na talagang itago na 'yong diary, kaya nga may last message pa ako, pero iba ka tadhana!

Nagkakilala kami ni Dawn no'ng bata palang kami. Siya ang unang kumausap sa akin, at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. She bring so much happiness and light into my life. No'ng nag-high school kami, doon ko lang napagtanto na gusto ko na pala siya. The thing is, nakikita niya lang ako bilang isa niyang kabigan. "Hoy!"

Nabalik ako sa wisyo nang pumitik ang daliri ni Dawn sa harapan ko. 

"Bakit?" tanong ko.

"Sabi ko, paano mo naiisip na gawin lahat 'to?" Pag-irap niya.

Humagikgik ako. "Crush na crush kita, to the point na na-torpe na ako," natatawa kong sagot sa kanya. 

Napanganga naman siya at kalaunan ay tumawa nang malakas. Kaya ayaw na ayaw ko nagkukwento sa kanya, eh! 

Gustong-gusto kong umamin sa kanya noon, pero hindi ko magawa dahil iniisip ko na masisira ang pagkakaibigan namin. So, writing is my solution. Writing a letter to express love is a powerful way to show how much someone means to you, sabi nga nila. It can be difficult to find the right words and phrases to communicate your feelings, but it is a worthwhile exercise. Sa pmamagitan ng pagsusulat ko sa diary, nalalabas ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko sa diary, naisipan ko na kapag nasa tamang oras na, ipapabasa ko sa kanya para malaman niya kung gaano ko siya mahal. The depth of my love for her can only be described as something that has no boundaries.

I love her more than words can say. 

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now