3208 - ∞

20 5 0
                                    

Dawn

Binasa ko lahat ng nakasulat sa kwaderno habang ka-video call si Ashley. Kahit ako ay naguguluhan nang mabasa ko lahat. 

"Familiar, 'no?"

Isinarado ko ang notebook at iligay iyon sa bedside ko. "Kilala mo?"

Sa totoo lang, merong isang tao na nasa isip ko, pero hindi rin maaari, eh. Kaibigan ko si Eros. Palagi niya akong inaaway, gano'n ba kapag may gusto sa isang tao? Inaaway? Imposible, 'di ba? Eros is my friend, and he doesn't like me. Never niya nga ako sinabihan na maganda ako!

"Sino iniisip mo? Sa way palang ng pagsasalita ng writer niyan, may pangalan na agad na papasok sa isip mo, eh."

Huminga ako ng malim. "Hindi naman p'wedeng si Eros 'to."

"At bakit?"

"Kasi Eros is my friend. And wala namang paaran para masabi natin na may gusto siya sa akin, e never nga niya ako tinawag na maganda," sagot ko at yumuko.

"Sige, i-deny mo pa. Nasulat na lahat dyan. Huwag ka nga magpaka tanga, Dawn."

Umiling ako. "What if nagpapanggap lang 'to?"

"You know Eros. His thoughts speak louder than his actions." Pagkibit-balikat niya. "Bakit ba ako ang tinawagan mo? Siya kaya kausapin mo? Isasama niyo pa ako sa love life n'yo, eh. Meron din akong love life, che!" Pagkatapos niyang magsalita ay pinatay na niya agad ang tawag kaya natahimik ako.

Buong magdamag akong nagdalawang-isip kung kakausapin ko ba si Eros tungkol sa nabasa ko. 'Yong sulat kasi... hindi gano'n ang handwritting ni Eros. Masyadong maganda ang hand writting niya, hindi katulad ng nasa notebook. Isa iyon sa rason kung bakit hindi ko iniisip na si Eros ang gumawa nito. Hindi naman kasi ako manhid katulad ng sinasabi sa notebook!

Dahil sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Pagkagising ko ay akala ko maaga pa, seven o'clock na pala. Late na ako! Six ang simula ng class namin. Anong oras ba ako natulog kagabi? Inayos ko ang sarili ko at ang gamit ko. Inilagay ko rin sa bag ko ang notebook. 

Kakausapin ko siya. Ayaw ko ng may mabigat na iniisip. Kailangan kong linisin isipan ko. 

Nang maayos ko na ang sarili ko ay nagmamadali akong pumunta sa school dahil nakalimutan ko rin ang ID ko. Nagkukunwari tuloy akong may hinahanap sa bag kong nakaharang sa dibdib ko para hindi mahalat ng guard na wala akong ID na suot.

—3208—

"Eros—"

"Game na, Kyle. Habang break pa natin!" 

Lalapitan ko pa lamang si Eros nang bigla siyang lumihis at umakbay doon sa kaklase namin na kalaro niya sa basketball. 

Bumuntong hininga ako. Kanina pa niya ako hindi kinakausap. Alam kong iniiwasan niya ako nang sadya. Palagi niya kaya akong kasama sa kahit saan. Ngayon ay kahit sa break ay hindi niya ako inaya na sumama sa kanya. Wala tuloy akong kasama. Si Ashley kasi ay kasama boyfriend niya! Sino ba kasi nmagsabi na p'wede mag-jowa na ka-schoolmate mo?!

Muli akong bumuga ng hangin at sinundan si Eros papunta sa gym. Pagkahabol ko roon ay hindi naman siya naglalaro at naka upo lang sa bench. Ni wala nga siyang kasama!

"Hoy!" sigaw ko at nakuha ko naman ang atensyon niya ngunit iniwas niya ang kanyang tingin at umarteng hindi ako nakita. Tumakbo ako papunta sa bench at tinapakan siya sa paa nang makarating ako. "Walang hiya ka! Bakit mo ako tinakasan? Wala akong pagkain. Nagugutom na ako!"

Umupo ako sa tabi pagkatapos ko siyang sigawan. Wala pa rin siyang kibo at naka tingin lang sa mga nagba-badminton na mga estudyante sa gilid namin. 

"Ay, wow. Kaluluwa na ba ako para hindi mo ako makita? Hello?" Kinaway ko ang kamay ko malapit sa mukha niya at napa atras naman siya. Sa wakas at binigyan na niya ako ng atenmsyon niya.

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now