page 16

14 4 0
                                    

050818

3208 na binabati ka ng maligayang kaarawan!

Uy, 13 na siya! 

It looks like you liked my gift naman for you. Happy birthday ulit. Sana sa next birthday mo, nabasa mo na 'tong mga pinagsusulat ko para sa 'yo. Well, sa tingin ko ang future self ko ay hindi magugustuhan kung ano ang mga pinagsusulat ko rito, pero who cares? Ganito ko gusto ipakita magmamahal ko sa 'yo, eh!

Sobrang saya ko na isa na namang taon ang nakasama kita na i-celebrate ang kaarawan mo. Isang napaka importante at napaka sayang memoryang kasama ka na naman ang naipon sa isipan ko. 

Hinding-hindi ako magsasawa na makasama ka, Dawn. Kahit na mukhang walang chance na mababasa mo 'to, hinding-hindi ako magsasawa na samahan ka sa kahit saan. Ikaw 'yong naging ilaw ko noong nasa kadiliman ako. Noong mga araw na walang-wala ako sa sarili ko dahil sa pagkawala ng Papa ko, dumating ka. Pinasaya mo ako. Ginawa mo akong kaibigan mo. Pero sa tingin ko 'yong status natin ngayon, hanggang doon lang dahil halata namang wala kang interest sa akin. 

Hindi naman ako nagrereklamo. Sino magrereklamo kung may best friend silang isang Aelius Dawn Austra, 'di ba? Sobrang swerte ng tao na kaibigan ka. Sobrang swerte ko sa 'yo, Dawn. Sobra-sobra.

Eros' Diary | ✔Where stories live. Discover now