page 15

13 4 0
                                    

050118

3208, ang hindi mo na kaibigan...

Grabe, parang isang oras lang ako nawala kanina dahil sa SSG meeting namin tapos super close na kayo ni Ashley. Akala ko ba ako lang best friend mo? Bakit ka kumaibigan sa ahas? Bumili pa ako ng hershey's chocolate para sa 'yo tapos makikita ko nalang na si Ashley hinahatian mo? Dapat ako 'yon, eh! Sabi mo noon ako lang hahatian mo ng chocolate, eh.

Ganito pala feeling ng masaktan. Sobrang sakit! I feel betrayed! Next time talaga hindi na kita bibigyan ng pagkain



Kapag kasama mo 'yang matakaw na Ashley. 

Anyways, bukas na birthday mo tapos hindi ko pa rin alam kung ano ireregalo ko sa 'yo! Bibili nalang siguro ako ng ribbon tapos ibabalot ko sarili ko, sa gano'ng paraan baka makita mo kung gaano kita kagusto.


PS. Gusto ko na sakalin si Ashley. Kinain 'yong isa pang hershey's na ibibigay ko para sa 'yo bukas kaninang uwian! Mandurukot 'yon, huwag mong kaibiganin! Sabi ko naman kasi sa 'yo na masamang damo 'yon, tignan mo at bigla nalang lumitaw sa tabi natin!

PPS. Kinuha niya pati 'yong payong ko! Pinalo ako ni Mama ng sermon niya!

PPPS. Kung mabasa mo man 'to. 'Di ba may picture tayo ro'n sa punong malaki? Kunin mo nga tapos gupitin mo. Kasali kasi sa picture natin si satanas.

Eros' Diary | ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن