Attack

183 17 1
                                    

"Rain Pov"





"Nagtipon-tipon tayong lahat upang ipaalam sa inyo na ang bawat isa inyo ay
ipapadala sa iba't ibang pack upang matutunan niyo ang mga ibat ibang kahalagan at tradisyon ....

Kasama ang kapareha ay may sasakyan na maghahatid sa inyo sa destinasyon na inyong kinabibilangan.

Umaasa akong gagawin niyo ang inyong mga natutunan sa paaralan nating ito.

Laging isa isip na panatilihin ang kaligtasan ng bawat isa habang nanatili kayo.

Iyon lang,maghanda na kayo lahat

Dalhin lamang ang mga bagay na gagamitin."
Si Guro

Hindi ko inakala na ito na pala ang araw na kami ay ipapadala.

Nakakadama ako ng kaba at Sabik na makalabas muli sa paaralan.
Bagong lugar,makabagong matututonan.

Lumabas na kami ng silid aralan,at habang naglalakad kasabay ko naman ang Prinsipe na di ko mawari kong masaya na siya o hindi.

Di ko naman tinanong kong napaano siya,baka kasi may iniisip lang .

Binuksan ko ang pinto ng nakatapat na kami ng aming silid

Mag aayos na kasi kami ng aming mga babaonin na mga aming kakailanganin.

Dahil ilang beses ko nang naranasan na maipadala sa bawat taon na tutungo sa bawat pack,alam na alam ko na ang mga kakailanganin ko.

Abala ako sapag lalagay ng aking kagamitan,ng mapatingin ako sa aking kapareha na tahimik lamang na nakaupo sa kanyang kama na malalim ang iniisip.

tatanungin ko ba o hindi?

Sa huli , kailangan ko parin siyang kamustahin.
Nakaka abala ang pagiging tahimik niya.

"May problema ba?malalim ang iyong iniisip."
Sabi ko na nakatingin lang muli sa aking ginagawa.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim

"Wala , iniisip ko lang kong magiging ligtas ba ang pupuntahan natin at kong may maganda ba doong pamumuhay.
May pagkain bang maayos at bahay na matutuluyan."

Napatawa ako ng mahina

"Ano?iyon lang ang iniisip mo.?ang babaw naman ... sabagay Isa ka nga palang Prinsipe na laki sa karangyaan.
Alam mo,huwag kang mag alala,maniwala ka hanggang kasama mo ako,hindi kita hahayaan at hindi ka mahihirapan."

Nawala ang kanyang pag alala na nakabakas sa kanyang mukha.

"Kung ganon ay ang swerte ko dahil ikaw ang makakasama ko"

"Sya kumilos ka na, kailangan mo paring magdala ng mga gamit .
Tulad ng kasuotan,sandata at kakailanganin na tingin mo ay magagamit mo.
Huwag kang magdala ng mga gamit na di mo magagamit.
Maniwala ka,dahil magiging sagabal lamang iyon."

"Sige,pero maaari mo ba akong tulungan?kong saan sa mga ito ang dadalhin ko"

Sabay turo sa mga kagamitan na talagang nakakasilaw sa karangyaan.

Saktong tapos na akong mag ayos ng aking dadalhin sinara ko na ang sisidlan ng aking gamit.

Tumayo ako upang siya ay lapitan,umupo ako sa kama niya ay tiningnan ang mga gamit.

Sa totoo lang, mahirap nga mamili isa siyang Prinsipe at normal lang na dapat ang mga gamit niya ay may simbolo ng pagkamaharlikha.
At kong dadalhin naman niya ang mga ito, posibleng makatawag lamang ito ng atensyon sa mga kalaban.

"Wala kabang kasuotan na simple lang desinyo?"

"Wala eh."
Maikli niyang tugon na parang wala lang sa kanya

Big BAD Alpha(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon