Alpha King

215 14 2
                                    



"Rain Pov"

Hindi ako mapakali habang nanahimik sa isang tabi.

Si Novan kausap ang Luna Queen.Nakaupo lamang din sila,at sa tingin ko pinag sasabihan niya ito.
Kanina  ng bumalik siya , talagang hindi maipinta ang mukha niya.

Pero sa sunod niyang sinabi matapos niyang makabalik.Doon ko maunawaan ang lahat..

Nalaman niya ang ginawa ng kanyang ina.

At sa mga oras na iyon,nanatili na akong tahimik habang  nakaupo sa isang tabi.
Hindi ko rin alam kong tama bang nandito pa ako.Gusto ko narin umalis kaya lang,baka pag ginawa kong nagpaalam.Mapag tuunan pa ako ng pansin.

Habang pinapanood ang mga ibon na mapayapang lumilipad sa himpapawid,nabulabog kami sa isang malakas na alulong.
Hindi lang basta ito isang alulong nag hahatid ito ng kong anong nakakatakot na enerhiya para mabahala ako ng sobra.

"Si Ama"rinig kong sambit ni Novan

Alulong pa lamang niya nakakatakot na paano pa kaya ang makaharap siya..
Siguro oras na para umalis ako..

Tumayo ako

Napag desisyonan ko nang umalis ng walang nakakapansin.Pamilya nila yun kaya hindi ako kailangan na maki alam.

Tumakbo na ako patungo sa paaralan..

Pagdating ko sa training ground.Naroroon ang lahat,tila may inaabangan at pinag hahandaan.
Maging si Cov..Kaya nilapitan ko siya upang tanungin kong anong nangyayari.

"Cov,anong nangyayari?"
Tanong ko matapos kong makalapit

"May mensahe natanggap mula sa palasyo.
Patungo na rito ano mang oras ang alpha king"

Hindi ako naka imik..Dahil hindi ko naman alam kong tama pa bang sabihin na alam ko na ang tinutukoy niya

"Tila hindi ka nagulat"dagdag pa niya

"Nakakabigla,dahil ba ito sa  nangyari kagabi?"

"Tingin ko dahil nga doon...Pero hindi ko mapigilang hindi mabahala."
Sagot niya

Hindi na ako muli nagsalita.

Ng lumipas ang ilang mga sandali,muling pag alulong  ang aming narinig.

Galit talaga iyon.. siguradong sigurado.

Iniisip ko palang nakakatakot ng makaharap ang alpha king.
Alulong palang niya,pakiramdam ko,nilubog ang buo kong katawan sa nag ye-yelong tubig sa kaba.

Mabilis na hangin ang tumama saming harapan,kasunod noon ang pagpapakita ng isang nilalang.

Nakakatakot,ang taglay niyang lakas habang nasa harap namin ...
Anlaki ng katawan niya,pati ang nag babagang mga tingin niya napakahirap salubongin.

Umangil ito,tila nag bababala.

"Maligayang pagdating, kamahalan"Punong guro

Lumuhod at yumuko ito para magbigay galang.
Kami din ay ganon din ang ginawa.
Pero tila wala ng atensyon ng hari sa sinabi ng guro,bagkos  nag hahanap ang mga tingin niya.

Tumalikod ito at sa isang iglap nawala ito sa kanyang kinatatayuan.

Natahimik ang paligid at kasabay ng ihip ng hangin,tila nakahinga kaming lahat ng tama.

Kanina , inaamin ko pinipigilan kong huminga ..para kasing nakakasakal ang presensya niya.

"Grabe,nakakatakot "bulong ni Cov

"Naiintindihan ko ang pakiramdam mo."sagot ko nalang habang nakatingin sa kaninang daanan patungo sa Luna Queen.

Napapailing nalamang ako na hindi makapaniwala

Big BAD Alpha(BL)Where stories live. Discover now