Wala sa sariling napatingin ako kay Sir Wrath. Kong magiging jowa ko 'to, nako naman baka mamatay ako kaka-overthink kasi madami akong kaagaw. Lahat nang babaeng titingnan sakanya ay tutusukin ko talaga sa mata. Charot.

"What's wrong with your face?" Malambing nitong sabi pero inirapan ko lang sya. "Period?" Saka nya ngumisi.

"Wala." Pagsusungit na ikinataka n'ya.

Pag ba tinotopak ang babae, may period agad? Hindi pwedeng nag-iinarte lang, ganon. Ewan ko ba bakit ako naiinis pag iniisip kong may ibang tumitingin sakanya tapos nagugustuhan nila si Sir Wrath. Wala pala akong karapatan. Okay, fine!

Hindi na sya nag-tanong at mukhang nakiramdam din sya.

Inaliw ko nalang ang sarili ko sa tanawin sa labas. Lumiko kami at agad kong natanaw ang tatak na Ferwell Subdivision na ikinataka ko. Sa pagkakaalam ko ay puro mayayaman lang ang nakatira dito, artista, politicians, at kung anu-ano pa. Pansin ko rin na mag-kasing apelyido ni Ravis Ferwell ang subdivision na ito.

Mangha na mangha ako sa mga bawat na nadaanan namin. Puro mansyon ang nakikita ko! Nagpapalakihan ata sila nang bahay eh. Kong may hindi man mansyon ay may kalakihan naman at modern style. Sanaol daks. Si Sir kaya? Joke.

"Anong ginagawa natin dito?" Hindi ko na mapigilang mag-tanong.

"I'll give you the present."

"Bakit dito pa? Ano bang ibibigay mo?"

"It's just a small thing though, but I hope you'll accept it."

Mas lalo akong nakuryuso sa ibibigay n'ya sakin. Syempre naman tatanggapin ko iyan, ems.

"Dito ba kayo nakatira?" Tumango naman sya kaya napa-sanaol ako.

"Actually, it's just me. My parents and siblings rarely came here. I want to build a house here since it's near in the university and company..."

"Sabagay para madali lang pag may mga emergency."

"Exactly." Pag sang-ayon nito.

Umayos ako nang upo at tumagilid para kitang-kita ko ang ka-pugian n'ya. "Doon ba ang punta natin sa b-bahay mo dito?"

Baka itanan n'ya ako! Aba, gusto ko 'yon. Gagi, kong anu-ano nalang talaga pinag-iisip kong mga katarantaduhan. Pero mga biro ko lang talaga ang mga iyon. Ipinilig ko ang ulo ko at ibinalik ang atensyon kay Sir Wrath.

Walang hiya akong pinag-mamasdan sya. Kulang nalang mag-laway ako sa harapan n'ya. Nag-mumukha na siguro akong aso... Magandang aso, oo, tatanggapin ko iyon.

Bahagya syang lumingon sakin kaya napaigtad ako nang kaunti. Nakakahiya. Iniwas ko ang tingin.

"You're blushing."

Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Nag-iinit nga ang mga pisngi ko. Agad kong pinaypayan ang sarili at nag-isip nang idahilan.

"M-mainit kasi, kaya... ano... kaya namumula, hindi ako nag-blush no. Etchosero ka." I heard his chuckled. Ang sarap pakinggan nang boses n'ya.

Grabe na talaga! Pati pag tawa n'ya pinupuri ko parin! Hindi naman ako ganito kalandi noon ah. Mas nagiging worst nga lang ngayon na nakilala ko si Sir Wrath.

Dati kasi hanggang edit lang ako sa capcut with matching picture namin nang crush ko. Tapos may naiwan pang watermark. Jusko, ang jeje. Pero naniniwala ako sa kasabihang, ang tao ay nag-babago. Yes, people change.

"You're not good at lying."

"Sino ba kasing nag-sinungaling ako ha?!" Sigaw ko sakanya pero ningisihan n'ya lang ako.

Fire Burning Where stories live. Discover now