Epilogue na pala to?

24 4 0
                                    

5 month's ago...

*Clung! Clung! Clung!* Tunog ng mga kampana sa sinbahan hudyat na tapos na ang ceremony para sa pangatlong beses na pagpapakasal ni Dad at Mommy.

Nangibabaw ang hiyawan dito sa loob ng simbahan nang humiling sila Uncle David ng another kiss from bride and groom. Napapailing na lang ako dahil kung umakto sila parang bumalik lang sa pagkabinata at pagkadalaga.

Nakikita ko sa mga mata ni Dad at Mom ang labis na pagmamahalan nila sa isa't isa. Tapos na ang picturan ng mga ninong at ninang nila Dad sumunod naman ang mga abay at syempre kasama ako sa abay no, ako kaya pumili nang suot ng nga abay mula sa color theme at sa designs ng dress.

"Everyone! Say cheese!" Queue ng photographer samin. "1!2!3!*

"CHEERS!!!!" Instead of cheese, cheers ang nasigaw namin.

"Wala pang reception, mukhang lasing na ang mga abay HAHAHAHAHAHA." Pailing iling na natatawa nung photographer samin.

tinapos na ang pagkuha ng litrato at kanya kanya na ang alis para pumunta sa reception na gaganapin sa tagaytagay beach resort.

"Magingat sa byahe anak." Paalala ni Mommy at hinalikan ako sa pisnge bago tuluyang sumakay sa wedding car.

Nagpaalam na rin sila Inang na mauuna na dahil van ang dala nila papunta sa venue.

Nagpalinga linga ako para hanapin si Elly dahil siya ang kasama ko sa kotse, paglabas ko ng simbahan wala naman akong nakitang animo ni Elly kaya nilabas ko na yung phone ko para tawagan ang number niya.

"Saan na ba kasi tong babae na to." Irita kong sabi. Naglakad ako papuntang likod ng simbahan baka kasi nasa cr or chapel siya.

Hindi pa man ako nakakalapit may nakita akong babaeng nakatayo sa may wishing well at hindi ko sinasabing si Elly iyon. Hindi ko na sana aabalahin pa nang tawagin niya ako sa pangalan kaya napalingon ako.

Lumapit siya sa akin.

"Ayoko ng gulo-" Sabi ko at tinalikuran na siya para lumakad palayo pero hinawakan niya ako sa braso.

"H-Hindi ako nandito para awayin ka.." Binitawan niya yung braso ko.

"Eh, ano kailangan mo?" Tanong ko. Narinig kong huminga siya ng malalim bago iangat ulet ang ulo.

"S-Sorry..." Mahina niyang sabi. "Sorry sa nagawa ko sayo...nadala lang ako nang nararamdaman ko..sana mapatawad mo ko."

Napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya. Ramdam ko na nagsisisi siya sa nagawa niya siguro eto na rin yung time para humingi rin ako ng sorry sa nagawa ko. Hindi naman masama magpatawad gusto ko rin naman ng peace of mind sa pagitan namin.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng yakapin niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang lungkot na dala niya narinig ko na lang na umiiyak na siya.

"Grace...I'm sorry too, pinapatawad na kita." Sabi ko.

Humiwalay siya sakin. "Talaga?"

"Oo naman, at saka alam ko naman na kaya mo yun nagawa dahil nasaktan ka—"

"Pero mali pa rin yon, sana hindi ko na ginawa yon dahil narealized ko na kahihiyan ko rin yon. Kaya ilang beses ako nagtry na kausapin ka at humingi ng tawad.."

Hinawi ko yung buhok sa mukha niya. "Alam ko hindi naging maganda ang simula ng pagkakakilala natin dahil sa attitude ko, humihingi ako ng sorry." Nilahad ko yung kamay ko sa tapat niya. "Pinapatawad na kita Grace." Nakangiti kong sabi.

Tinanggap niya ito at nakipag kamay sa akin. "Salamat Sam, makakahinga na ako ng maluwag after kasi nitong paguusap natin nagdesisyon ako na mag abroad para makapagsimula ulet."

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon