Chapter 33: Best Wishes

36 14 0
                                    

Samantha's pov

"Wag kang kabahan." Sabi ng kapatid ni Aila. Nandito kami ngayon sa dressing room at inaayusan si Aila friend siya nila Matthew nainvite kasi kami na dumalo sa kasal niya at ang hindi ko ineexpect abay pa pala ako.

Simple lang naman ang wedding niya pero alam kong magiging memorable sa kanya ang araw na ito. Medyo kinakabahan nga lang si Aila kaya pilit naman siyang pinapakalma ng kapatid niya.

"Ma'am Sam, ano ba pwedeng gawin para mawala yung kaba. Halo halo na kasi ang nararamdaman ko."

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Wala ka naman dapat isipin natural lang sa ikakasal ang kabahan, ang mahalaga ikakasal ka sa lalaking mahal mo. This is your day so you need to enjoy don't worry memorable ang araw na ito." I smiled.

"Thank you Ma'am at sinamahan niyo ako rito, medyo nawawala na yung kaba ko at napapalitan ng excitement na."

"Welcome."

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Elly, kababalik niya lang pala nitong nakaraang linggo at nagmadali talaga ang loka dahil gusto niya na makasama ko siya sa birthday ko next week.

Speaking of birthday,  hindi pa namin napaguusapan ni Matt yung about sa birthday ko dahil naging abala siya sa ginagawa niya ayaw ko rin naman siya abalahin.

"Hindi ko makita si Matthew." Sabi niya habang inaayos yung buhok niya sa may salamin.

"Asus! Ang sabihin mo hindi mo lang makita si Kevin." Pangaasar ko, sila kasi ang partner ni Kevin dahil abay rin siya nakakatuwa nga kasi on the spot siya kinuha ni Aila.

Sinamaaan niya ako ng tingin.  "Gaga! Nakita ko na si Kevin, si Matthew ang hinahanap ko." Sabag irap niya.

"At bakit mo naman siya hinahanap?"

"Secret walang clue!" Mapangasar niyang sabi kaya inarapan ko siya.

"Tse! Bahala ka sa buhay mo." Ani ko at tinapos na ang paglalagay ng bulaklak sa wrist ko.





*Clung! Clung! Clung!*

Tunog ng kampana hudyat na nasa dulo na ng misa ang seremonya ng kasal at nakakaexcite sila makita mag kiss sa harap ng altar nakakatuwa dahil kitang kita sa mga mata nila ang pagmamahalan nila ng lubos.

When kaya kami ni Matt? Eme masyado pang maaga para magpakasal kami ni Matt hindi pa nga namin anniversary kasal agad hahahahahaha.

Baka mamaya walking redflag pala si Matt kunyare lang green ang lokong yon edi nasaktan nanaman ako hahahahaha, well willing masaktan basta siya ang mananakit char!

"Mr. Rivero and Mrs. Rivero having witnessed your marriage vows in the eyes of God and before all who are assembled here, I pronounce you husband and wife. You may kiss the bride!" The priest said at kasabay ng hiyawan at palakpakan dahil sa halikan na mauuwi pa ata sa honeymoon agad.

"Mabuhay ang bagong kasal!!"

"MABUHAY!!" Sabay sabay na sigaw ng lahat.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil napuno ng kiligan ang buong simbahan dahil na rin sa hiyawan ng mga kamaganak ay abay.

Bago tuluyang matapos ang kasal nagpictorial muna ulet ang mga abay, pamilya at mga ninong at ninang. Nagrequest pa si Aila na makipagpicture sa akin at syempre hindi ako tumanggi bago sila lumabas kami muna ng mga abay ang naunang lumabas ng simbahan at inabangan sila lumabas magasawa.

Pagkalabas nila hinagis ng lahat ang mga petal ng bulaklak kasabay ng hiyawan at hirit na isa pang kiss from a groom at syempre kilig to the max naman ang pride after nito nagpicture ulet saka nauna na yung pride at groom papuntang reception. 

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now