Chapter 24: Perya Date With Matthew.

52 30 0
                                    

"I'll do date night wherever as long as we're together."




Matthew's pov,

Maaga ako magising para paghandaan ang date ko kay Sam mamaya gusto ko kasi kahit simple lang mapapasaya ko siya medyo pressure ako kahit hindi naman dapat ako ma pressure HAHAHAHAHA.

Nalaman ko rin na kila Elly na dinala ni Sean si Sam sa bagong bukas na Cafe at mabalita ko na maganda ang tanawin sa lugar dahil nasa taas ang kinatatayuan ng cafe kaya dinarayo ng mga tao at saka nag enjoy talaga si Sam dahil adik na adik pa naman yun sa kape kaya hindi ko siya masisisi at saka masaya ako dahil nag enjoy siya kagabi yun naman talaga purpose ni Sean sa date nila ang mapasaya si Sam but this time it's my turn.


Masyado na akong maraming nasasabi kaya naibalik ko na ang atensyon sa ginagawa kong agahan para kay Sam na tulad ng palagi kong ginagawa sa araw araw. Napaangat ako ng tingin ng makita si Kevin na nakasandal sa may pinto habang nakakrus pa ang magkabilang braso.

"Titigan mo na lang ba ako d'yan? Tulungan mo kaya ako." Reklamo ko sa kanya kaya napakamot siya sa ulo saka lumapit sa akin.

"Aga aga mainit agad ulo mo? Hindi ba pwedeng kaya mo naman magisa yan tutal para kay Sam lang naman yan." Sabi niya at kinuha yung hinahalo ko. 

"Tsk! Hindi lang naman ito para kay Sam para rin sa lahat, at saka ikaw na gumawa ng para kay Elly kung gusto mo lagyan mo ng gayuma hahahahahaha!" Biro ko saka inilagay yung pancake mix sa kalan para lutuin.

"Gago hahahahaha hindi ko na kailangan gawin yun hindi naman ako desperado para gawin yun sa kanya." Sagot niya kaya hinarap ko siya.

"Mukhang may pinanghahawakan ka ah? Ano ba pinagusapan niyo kahapon?" Usisa ko at lumapit sa kanya. "Pachismis naman."

Napailing siya. "Secret tsk! Tsk!"

"Tssss! Ang damot mo naman." Napailing na lang siya at tinuloy na yung ginagawa niya. Parehas kami napatingin sa may pinto ng dumating si Elly at Sam na halatang bagong gising dahil gulo pa ang buhok nilang dalawa. Hindi ko naman mapigilan mapangiti dahil kahit bagong gising ang ganda niya pa rin.

"Aga aga pinagpapantasyahan mo agad si Sam." Bulong sa akin ni Kevin kaya sinamaan ko siya ng tingin hindi ko na nga namalayan na nasa harapan ko na si Sam nandito kasi kami ni kevin sa counter at may ginagawa nga na agahan.

"Tapos na ba kayo magusap? Kasi nagugutom na tong kasama ko at kanina pa nagrereklamo alaga niya sa tiyan." Natatawang sabi ni Elly kaya sinamaan siya ng tingin ni Sam.

"Oo matatapos na to, maupo na kayo hintayin niyo na lang." Sagot ko at tinalikuran sila.

Habang nagaayos rito naririnig ko na kwinekwento ulet ni Sam yung about sa date nila ni Sean kahapon.

"I really enjoy about last night."

"Well, ikwento mo naman ng buo." Pagkasabi ni Elly nun tumingin siya sa akin at para bang may pinahihiwatig sa akin.

Habang abala yung dalawa sa pinaguusapan nila ako naman itong abala na naglalagay sa mesa ng pagkain at para bang wala akong naririnig sa pinaguusapan nila.

"Tama na nga kayong dalawa d'yan sa kakaayos kumain na tayo here." Aya ni Elly kaya naupo na ako sa katapat ni Sam na upuan at ganun rin si Kevin.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum