Chapter 32: Harana

35 18 0
                                    


Samantha's pov,

Back to happy and peace normal na ulet sa pagitan namin ni Matt pero kila Dad? I think hindi pa dahil hindi pa ulet nakakausap ni Matt sila Dad and I know na alam na rin nila Dad na okay na kami ni Matthew and I feel nervous dahil sa mga naikwento nila Ella sa akin na nagiba raw ang pakikitungo ni Dad kay Matt at syempre nalungkot ako.

I can't blame Dad because I know that he was just worried and shocked by what happened. But past is past needs to be forgotten because Matt and I have settled.

Napakurap na lang ako ng ilang beses hindi ko na namalayan na napapatulala na lang ako rito sa hangin. Napalingon ako sa may pinto at pumasok si Yaya para ilagay yung mga damit ko sa basket.

"Napalaundry ko na itong mga damit mo at naitupi ko na ikaw na lang ang magsalansan sa damitan mo ah." Utos niya.

Palabas na siya ng kwarto ng pigilan ko siya. "Yaya nakita mo po ba si Matt? Kaninang umaga ko pa po kasi siya hindi nakikita."

"Hindi ko nga rin siya nakita mula pa kanina, baka kasama sila Kevin at may ginagawa lang." Sagot niya at nagpaalam na.

Pagkalabas ni yaya lumabas na rin ako ng kwarto ko at bumaba. Wala akong nadatnan rito sa sala kaya lumabas ako ng bahay, nakita ko si Mommy na nagtsatsaa kaya lumapit ako sa kanya.

"Oh hey sweetie, may kailangan ka ba?"

"Nothing Mommy, nakita niyo po ba si Matt? Or kahit sila Ella?"

"Hmmm, hindi sweetie kararating ko lang rito baka naman nasa farm at may ginagawa lang. Why sweetie may nangyari ba?" Hinawakan niya ako sa kamay.

"Wala naman Mommy, naitanong ko lang kasi kanina ko pa sila hindi nakikita."

Inaya niya ako maupo sa kaharap niyang upuan. "You want coffee or tea?"

"No thanks Mom, why may ipapagawa ka po ba?"

"Nothing gusto lang kita makausap, well I just want to say that I'm thankful and happy kasi nakikita kitang masaya and I didn't realize na dalaga ka na talaga at hindi na ikaw yung baby girl ko na pwede ko pa bigyan ng bottle of milk kasi Starbucks na ang gusto mo."

"Ang bilis ng panahon parang dati lang umiiyak ka pa sa lampin mo dahil nagugutom ka na.." Natatawa na naiiyak niyang sabi kaya hinawakan ko siya sa kamay.

"Mom naman, I'm still your baby kaya...baby damulag na nga lang." Natatawa kong sabi.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa likuran. "Wag ka muna magaasawa ha, hindi ko kakayanin baka himatayin ako wag niyo madaliin ni Matt."

"Mommy naman, syempre alam ko naman po yun at saka hindi pa naman totally kami ni Matt."  Nahihiya kong sabi. Hindi pa kami pero kung umakto kami parang kami na talaga pfft!

Bumalik siya sa upuan niya.  "Why? Hindi mo pa ba siya sinasagot? Or hindi ka pa niya nililigawan?"

"Uhm, hindi ko pa po siya sinasagot-"

"Why? Anak wag mong sabihin na hindi mo gusto si Matt ha? Nako nako sayang ang pusta ko-" Natigil siya at napatakip ng bibig.

"Pusta? Ano pong pusta?"

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now