Ang rupok ko! Pake n'yo ba, ha.

"Ano nga?" Naiinis na 'yong bangs ko ah! Ay wala pala akong bangs.

"Who's that boy?" Mariing tanong ni Sir Wrath sakin na ipinagtataka ko.

"Boy? Sinong lalaki?" Balik-tanong ko sakanya.

"The one you said I love you with this morning... Who the fuck is that? Tell me his name, I'll make his life a living hell." Seryosong sabi n'ya.

"Ha?"

"I don't want to repeat myself." Masungit n'yang sabi.

The one you said I love you with this morning daw? Sino naman? Si Wrena lang naman ka I love you-han ko kaninang morning ah!

"Teka lang? Dahil lang doon nagagalit ka?!"

Hindi sya kumibo at tinalikuran saka iniwan akong tumatawa. Takte, kong alam mo lang na si Wrena iyon! Nag-seselos sya sa sarili n'yang kapatid, at babae pa!

"Wait lang! Oy, wait lang!" Pag ito naabutan ko, kukurutin ko sya sa singit nang very light.

Naabutan ko sya sa private parking lot kung saan ang sasakyan nya. Ang bilis ba naman mag-lakad, mahaba kasi ang binti. Napansin kong walang tao, private nga diba. Syempre, exclusive lang sa mga Aguas iyon.

Napahawak ako paa ko dahil nananakit iyon kakahabol sakanya at hinilot nang kaunti bago sya tuluyang hinarap.

"Does it hurt?" Umiling naman ako. Medyo lang.

Lumapit ako sakanya at bahagya syang niyakap. Mukha naman syang natigilan at dahan-dahan ring gumanti nang yakap sakin. Rinig na rinig ko ang malalim n'yang buntong-hininga. Inangat ko ang tingin sakanya, ang tangkad ba naman.

"Galit ka parin ba?" Mahinahong tanong ko.

"Yes, baby... I'm so mad. I'm calling you hundred of times, yet, you haven't noticed me though I'm just right your back. You're so happy while saying those words–"

Naawa ako sa lungkot nang boses n'ya. Parang anytime ay mababasag na. Ang cute-cute talaga!

"Shh. Bakit ka kasi hindi nag-tanong sakin? Kapatid mo kaya sinabihan ko noon, si Wrena 'yun no," mas lalo n'yang sinubsob ang mukha sa leeg ko at kinagat iyon.

"No. You're lying..."

"Si Wrena nga iyon!" Tumaas na ang boses ko dahil hindi sya naniwala. Mukha ba akong sinungaling.

"But, I haven't seen her. Yong lalaki lang, he's wearing a polo shirt..." tila batang nagsusumbong sa Mama.

Polo shirt? "Baka naman 'yong bodyguard tinutukoy mo?"

Hindi na sya nag-salita pa at humigpit ang yakap nya sa bewang ko. "Okay na? Hindi na galit ang baby ko?" Pang-aasar ko sakanya.

"Don't tease me like that... Baby, I'm scared... And so fucking jealous." Sabi nito. Bago paman ako makapagsalita ay inunahan na n'ya ako. "I'm afraid that you might like someone... while I'm waiting for you..."

Hindi ko narinig ang sinabi n'ya kasi sobrang hina noon. "Bakit ka naman natatakot? Nag-seselos?"

Dahil ba nag I love you ako sa akala nyang hindi si Wrena? Kinikilig ako! Pigilan n'yo ako please. Dahil lang doon?

Ang babaw n'ya naman? May gusto ba sya sakin kaya sya nag-seselos? Ano naman ang nagustuhan n'ya sakin? Hindi naman ako maganda... Sobrang ganda lang. Mukha akong tanga kakangiti.

"...you are scary. The way you shout... stamping your feet in the ground that wants me to embrace you every single time..."

Nosebleed ako doon ah. Sorry, ito lang ako. Bobo. Sukarap lang.

Fire Burning Where stories live. Discover now