Chapter XLV

52 17 2
                                    

"You know something about this, don't you?" galit na tanong ni Thiago kay Thunder. "Elaine isn't here. You deceived me. You jerk!"

"As if naman kasing sasama ka sa akin kung alam mong ito ang makikita mo rito, 'di ba?" sagot ni Thunder sabay lakad papalapit sa lamesa kung nasaan sila Deyanne. "I am the one who sent a message to Perry and Patrick. Deyanne called Ariston of course, and Mona to Lucas. This whole hostage scheme was plan to reunite this group."

"For what?" tanong ni Lucas na lumakad papunta sa gitna nilang lahat. "Para uminom? Ano wala na kayong kainumang hampas-lupa? Hindi na masaya?"

"No! Guys, please makinig muna kayo," muling pakiusap ni Deyanne. "Ako at si Mona ang nagplano ng lahat ng ito. Nakiusap lang kami kay Thunder para tulungan kami."

"Para saan pa?" may inis na tanong ni Thiago. "This is an effing waste of time!"

"Listen first, Papa T. Please," sabi ni Deyanne sabay tingin kay Thiago.

Tumigil si Thiago. Nagbuntong hininga siya bago itinuon ang pansin kay Deyanne.

"Nagbago si Ariston matapos ang nangyaring away ninyo," patuloy ng dalaga. "Ngumingiti siya, pero palaging may lungkot sa mga mata niya. At tuwing may kaharap siyang alak, madalas natutulala siya. Ni ayaw na nga niya pumunta sa pantry kung saan kayo madalas nag-stay pag lunch."

"Deyanne..." marahang awat ni Ariston kay Deyanne.

"Same with Lucas. He changed drastically since you guys fought," sabat naman ni Mona. "Bigla na lang din siyang nawala. Tapos pag balik niya, he became more serious about everything. And ayaw na niyang makipagsalamuha sa iba. He's really different from before."

"Bigla na lang kayong nawala. Hindi namin alam kung anong nangyari sa inyo," patuloy ni Deyanne. "Wala na 'yong grupo ng maiingay sa pantry. Wala na 'yong grupo na tinitingala ng marami sa campus. Bigla na lang nawala 'yong grupo na mismong nagpasaya sa inyong lahat."

Natahamik ang lahat, bago magkatinginan. Totoo ang sinabi ni Deyanne. Kahit na sandali pa lang silang magkakakilala at halos puro kalokohan lang, ay napakalaking tulong ng samahan nila para sa isa't-isa. Lalo na para kay Thiago.

"I am sorry." Napatingin ang lahat kay Thiago nang marinig ang sinabi nito. "I triggered everything that destroyed the group. Masyado akong naging makasarili, at ipinasa ko sa inyo ang lahat ng sisi. Kaya siguro, nakakarma na ako ngayon. I am really sorry, guys."

"No. It's my fault," biglang sabat ni Lucas at tingin kay Thiago. "Tama ka naman noon, Thiago. Nagalit ako dahil naapakan ang ego ko. Pero ang totoo, sa halip na magalit, dapat nagpasalamat na lang ako sa inyo. You guys did that to help me, even though you already know the risks."

"I was at fault, too," biglang sabi ni Ariston. "If we just handed you help without deceiving you, siguro hindi na umabot sa ganito. I'm sorry, Lucas." Sandaling tumigil si Ariston at humarap kay Thiago. "I'm sorry, Thiago."

"Masasakit 'yong mga binitawan kong salita sa inyo. Especially to you Lucas," sabi ni Thiago sabay lapit sa binata. "I'm sorry. I was too selfish. Sana, kalimutan mo na 'yong nangyari at mapatawad mo ako," patuloy ni Thiago sabay abot ng kamay niya kay Lucas.

"Kalimutan mo na 'yon, paps. Sorry din," sagot naman ni Lucas sabay kuha sa kamay ni Thiago.

"Sa iyo rin Ariston. You just wanted to help. I'm sorry kung may nasabi akong hindi maganda sa'yo," baling naman ni Thiago kay Ariston.

"Ako rin, I'm sorry," dugtong naman ni Lucas sabay harap kay Ariston. "At hindi man lang ako nakapagpasalamat sa lahat ng tulong mo."

Ngumiti si Ariston at lumapit sa dalawa. At pagkatapos ay tinapik niya ang balikat ng mga ito. Pagkatapos ay lumapit naman si Thunder at nakangiti siyang pumwesto gitna nila Lucas at Thiago. At inakbayan niya ang mga ito. Napangiti naman sila Deyanne at Mona.

"So, bati-bati na?" tanong ni Thunder.

"Sorry sa inyong lahat. Lalo na sa mga nadamay lang," sabi ni Thiago sabay tingin sa lahat ng naroon at sinagot naman iyon ng lahat ng malalaking ngiti. "I promise to be a different Thiago from now on. And thank you, Deyanne for the effort. Ariston is really lucky to have you beside him. Ikaw din, Lucas. You should be grateful to have Mona."

"Salamat, Papa T!" sagot ni Deyanne pagkatapos ay nag-high five siya kay Mona. "Narinig mo 'yon, my sweetie pie, Ariston? Swerte ka raw sa 'kin." sabi ni Deyanne na sinundan naman ng tawanan ng lahat. "Kidding aside, Thank you kasi hindi kayo nagwala at nagalit sa akin. Ang totoo ay natakot ako na hindi mag-work ito."

"Well, it worked," nakangiting sagot naman ni Thunder.

"Okay! Stop the drama already. Sayang naman ang mga alak dito, oh. And I guess this deserves a celebration, right?" malakas na tanong ni Perry na sinangayunan naman ng lahat.

"Alright! You may drink anything you want!" malakas na sabi ni Thunder.

"YOWN!" sabay-sabay na sigaw nila Beau, Eli, at Partrick.

"Wait... you mean you treat us?" tanong naman ni Chase kay Thunder.

"Oo nga. I didn't bring any cash or card," sabi naman ni Thiago.

Ngumisi si Thunder at pagkatapos ay pumalakpak siya ng tatlong beses. Naglabasan ang apat na lalaki mula sa gilid ng bar at sinimulang ayusin ang lugar. Mayroon namang tumakbo papunta sa kusina at kaagad na naghanda para sa pagluluto. Ang isa naman ay pumwesto na sa may bar counter at nagsimula ng magpunas ng mga baso.

"Don't tell this place is yours," gulat na tanong ni Thiago kay Thunder.

"No. This is a property of our fraternity. And don't worry about the bill. Ako ng bahala. Just enjoy. Huwag ka lang maninira ng lamesa," sagot ni Thunder na tinawanan naman ng lahat.

Nagsimula ang munti nilang party. Isa-isang lumabas mula sa kusina ang masasarap na pagkain, at ganoon din ang mga inumin. Tuluyan ng nawala ang tensyon na kanina lang ay bumabalot sa buong lugar, at napalitan iyon ng kasiyahan.

Tinawagan na rin ni Thiago ang kuya niya, at sinabi ritong walang problema at hindi na kailangan ng mga pulis.

"You look so different," sita ni Perry kay Lucas.

"Yeah, para bang ang angas lalo ng dating mo. From good boy to bad boy na super rich," komento naman ni Eli sabay tawa.

Napangiti si Lucas at pagkatapos ay uminom siya na alak bago nagsalita. "Ang totoo niyan..." Pero natigil iyon nang biglang tumunog ang cellphone ni Thiago at mapatingin ang lahat sa kanya.

"Ah, sorry," sabi ni Thiago sabay tayo. "Just go on."

"No, it's okay. Sagutin mo muna 'yan,Paps," sabi naman ni Lucas.

Kaagad na tumabi si Thiago at tinignan niya ang kanyang cellphone. At nagsalubong ang kilay niya nang makita ang isang hindi pamilyar na numero. Natapos ang tawag ng hindi niya iyon sinasagot. Babalik na sana siya sa mga kaibigan nang muling mag-ring ang cellphone niya. Parehong numero noong kanina.

"Hello? Who's this?" agad na tanong ni Thiago.

"Hello, Thiago? This is Paisley's mom." Mabigat ang hinga ng ginang sa kabilang linya.

"Ah, yes po. Uhm... ano pong... Bakit po?" Hindi naiwasan ni Thiago ang magtaka. Bakit nga naman siya tatawagan ng ina ni Paisley?

"Thiago, please come here," agad na sabi ng ina ng dalaga. Nanginginig ang boses nito at nakaramdam na si Thiago ng hindi maganda.

"Ano pong problema? May nangyari..."

"Please. Puntahan mo kami dito sa ospital," agad na dugtong ng ginang. "Si Paisley. Nasa emergency room siya ngayon, at kritikal ang lagay niya."

Natigilan si Thiago sa narinig. At pakiramdam niya ay nawala ang dugo sa buong katawan niya. Napasandal siya sa pader at napakapit sa upuang malapit sa kanya. Hindi siya kaagad nakasagot at parang bigla siyang nakaramdam ng hilo.

"Thiago... you have to go here..." umiiyak na sabi ni Mrs. Astor.

"O-opo. Sa-saang o-ospital po?"

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now