Chapter X#Bonggangproposal!

3.4K 104 14
                                    

Pagbungad palang sa shop ay may kakaibang nararamdaman si Hannah.Sobrang tahimik ang lahat wala man lang bumabati sa kanya.Parang namatayan ang mga ito.Walang nagpapatawa at lalong walang kumakausap sa kanya.Lahat iwas ng tingin sa kanya maliban kay uncle bert na seryosong nakatingin sa kanya."Uncle may problema ba ang shop?bakit hindi pa tayo nagbubukas at bakit ang tahimik nyong lahat"kinakabahang tanung nya."Hannah kase si andrei...."Tila hindi makapagsalita si uncle bert." Uncle ano pong nangyari?"naluluha na sa kaba si hannah tumingin sya sa kasama nya seryoso ang mukha ng mga ito.Bigla namang nagsalita si drake."May tumawag kase kanina...naaksidente daw si bossing sa zubic...hindi sinabi kung ano nangyari basta kailangan daw nating magmadali!"dire-diretsong salita ni drake.Bigla namang bumunghalit ng iyak si dado"Naku!baka patay na si bossing bilisan natin!"Bigla naman syang binatukan ni harry."Gago ka umayos ka nga!"pigil din ang emosyon ni harry kahit kinakabahan din para kay andrei."Uncle ano pong gagawin natin...!"Hindi na napigilan ni hannah ang luha.Bigla namang tumunog ang cp ni uncle bert saglit itong nakipag-usap at pagkatapos ay tila natatarantang humarap sa kanya."Kailangan na nating magmadali...magsara na kayo pupuntahan na natin si andrei!"Mabilis ang kilos ng matanda kaya lalong kinabahan ang lahat.

Sa sasakyan walang umiimik maliban sa umiiyak na si hannah.Panay naman alo sa kanya ng tatlo habang si uncle bert ay tahimik lang na nakatingin.Panay ang tunog ang cp nito parang nag-uupdate sa kalagayan ni andrei.Hindi naman na nya tinatanong si uncle bert dahil lalo lang syang kinakabahan.Maya-maya ay kinabig sya ni drake sa balikat nito."Matulog ka na muna hannah babes...gigisingin ka na lang namin"Alok ni drake na hindi naman nya tinanggihan.Nakatulog na nga ng tuluyan si hannah."Hay...salamat...nakatulog rin!"Nakapag-ingay narin sa wakas si drake."Ui ano ka ba baka magising yan!"Saway ni uncle bert."Hindi yan uncle naghihilik na eh"Sabat ni dado.Bigla namang tunog ng cp ni uncle bert."Hello andrei malapit na kame sa resort...may susundo ba samin papuntang isla?"nilakasan na ni uncle bert ang boses."Uncle baka marinig ka ni hannah"sagot ng nasa kabilang linya."Naku!eto nakatulog sa kakaiyak!"natatawang sagot ng matanda."Uncle masyado naman yata acting nyo...ok lang ba sya?"nag-aalalang tanong ng binata."Wag kang mag-alala ok naman sya!" Tinapunan pa ulit ng tingin ni uncle bert ang natutulog na si hannah."Oh basta uncle may nakaabang na pong bangka na susundo sa inyo"yun lang at ibinaba na ni andrei ang fone.

Narating na nila ang rest house pero tulog parin si hannah kaya pinagtulungan na lang nila itong ilipat sa bangka at talagang hindi ito nagigising.Nagtaka naman si uncle bert kung bakit ganun kalalim ang tulog ng dalaga.Tiningnan nya isa-isa ang tatlo at sabay-sabay yumuko ang mga ito."Konti lang naman uncle..."hirit ni harry."Ang tinutukoy nito ay ang nilagay na pampatulog sa inumin ni hannah.

Nakarating na sila sa resort tulog parin ito.Nagtatakang sinalubong sila ni andrei dahil buhat buhat nila si hannah."Uncle bakit di pa sya gising?!"nag-aalalang tanong ni andrei."Naku!tanong mo sa mga lokong yan!"naiiling na nagpatuloy sa paglakad ang matanda."Anong ginawa nyo????"gigil na hinarap ni andrei ang tatlo."Bossing....baka malaglag si hannah"hirit ni drake na panay iwas kay andrei."Sige na nga dalin nyo na sa kwarto si hannah...kayo talaga...!"pigil na pigil ang inis ni andrei sa tatlo.Hindi kase ito ang eksenang inaasahan nya.Nasira tuloy ang plano nya.Pagkadala sa kwarto ay nagsipag talunan na sa pool ang tatlo habang si uncle bert naman ay sa pagkain dumiretso.Sinundan naman ni andrei sa kwarto ang natutulog na si hannah.

Masayang tinititigan ni andrei ang natutulog na si hannah.Obvious na nastress ito sa binalitang naaksidente sya.Napansin nyang bahagya itong gumalaw kaya nagmamadali syang lumabas at pina-alerto ang mga kasabwat.Sa isang hudyat nya ay tutugtog ang band at puputok ang fireworks na makikita ng lahat na may nakasulat na "Will you marry me".

Hindi alam ni hannah kung nasaan sya madilim na kase sa kwarto kaya dahan-dahan syang bumangon at tinawag ang mga kasama pero walang lumalabas.Kaya minabuti nyang kapain ang switch ng kwarto.Familiar sa kanya ang kwarto na yun pero di nya na pinansin dire-diretso na syang lumabas ng kwarto at nagulat sya ng biglang may tumugtog at nagliwanag ang langit.Halos masilaw sya sa liwanag nito.Talagang kahit sino ay mapapatingin.Biglang bumuo ng salita ang fireworks."I LOVE YOU HANNAH" at pagkatapos ay may sumunod pa..."WILL YOU MARRY ME HON?!"halos di na nya namalayan nasa harapan nya na pala si andrei na lumuhod pa sa harap nya dala ang singsing."Akala ko naaksidente ka?"naghalo ang inis at tuwang reaksyon ng dalaga."Natakot ka ba?...akala mo iiwan na kita?"tumayo si andrei at niyakap ang dalaga ng mahigpit."Nakakainis ka talaga!"pinagpapalo nito ang likod nya.Natatawa namang binuhat sya ni andrei at inikot-ikot pa.pagkatapos ibaba ay sumeryoso ito at ibinukas ang singsing."Ms.Hannah Dela Rosa...will you marry me???!" kumikislap ang mga matang tanong ni andrei."Paano kung ayoko?"nakangiting tanong ng dalaga."Ah sorry ka....wala kang choice!...mamili ka...u will marry me?or i will marry you?Natatawang nagkulitan pa ang dalawa."Sige na nga I will marry you na lang!"pagkarinig ng sagot ay nagsigawan ang lahat."Yes!party!party!"Malakas na sigaw ng tatlo na ginaya ng lahat.Kumpleto ang buong barkada at iba pang malapit na kaibigan ng dalawa.Maliban sa parents nila dahil parehas naman nasa ibang bansa ang mga ito.

Habang nagkakasiyahan ay sinolo naman ni andrei si hannah sa gilid ng pool."I miss you hon!...nag-aalala ka ba ng husto?Ang galing nilang umarte noh?"tila nang-aasar pa na sabi ni andrei."Uhhm!"kinurot nya ito ng madiin sa tagiliran.Kaya napasigaw ito ng malakas.Bigla na naman sumigaw si drake"Hoy!sama kame dyan!"nangangantyaw na sigaw nito.Nakakubli kase sila sa likod ng malabong na halaman kaya hindi sila tanaw ng nasa taas.Nagtawanan ang dalawa at unti-unting lumapit ang mukha ni andrei at ginawaran sya ng halik."I LOVE U?"sambit nito habang hinahalikan sya ."Love you too"mahinang tugon nya.Tila wala silang pakialam sa nagkakaingay na bisita basta masaya silang magkasamang dalawa.Basta ang mahalaga sa ngayon alam nilang mahal nila ang isat-isa.

***wakas***

Ikaw Pala Ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon