Chapter VII#Firstkiss

2.1K 78 1
                                    

Nag-uwian na ang lahat maliban kay andrei at uncle bert ang pinakamatandang staff na halos anak na ang turing sa kanilang lahat.Kumuha ng wine si andrei at nagsimulang uminom mag-isa."Hindi ka pa ba uuwi andrei?"Wika ni uncle bert na tinapik pa ang braso ng binata."Mauna na po kayo uncle!"Matamlay na sagot nya."Kailangan mo ng kausap?"Hindi na sya hinantay sumagot ng matanda umupo na ito agad sa harap nya."sige tagayan mo ko at magkwento ka!"Inamba pa ni uncle bert ang baso upang lagyan ng wine."Ba't ganun uncle...galit na galit sakin si hannah?...nagso sorry naman na ako pero galit parin sya...ako na nga itong nagpapakumbaba!"tila nagsimula na syang maghinga ng sama ng loob."Bakit ano bang ginawa mo kase?"usisa ng matanda."May nasabi po kase akong hindi maganda!"hindi buong paliwanag nya."Eh kung ganon lang naman...simpleng bagay lang naman yan...hayaan mo muna sya...teka bakit ba ganyan na lang ang pagkadismaya mo na di ka batiin ni hannah eh dati naman na kayong nag-aaway dalawa". "Pero iba po ngayon uncle" nakayukong sagot ni andrei."Anong iba?..narealize mo na???"Tila nang-aasar ang pagtaas ng kilay ni uncle bert."Uncle!"reklamong sagot ni andrei."Sa akin ka pa ba maglilihim andrei?...ikaw naman kase ang tagal mo bago maaming gusto mo sya..."diretsahang pahayag ng matanda."Ano pong gagawin ko uncle?"Hindi na nagkaila pa si andrei."Oh hindi ba't dyaan ka magaling?sa mga chiks?...suyuin mo...!Nakangiting suggest ng matanda."Uncle hindi ganon kasimple yun...bestfriend ko si hannah"Kunot-noong wika ni andrei."Oh di bahala ka baka maunahan ka pa ng iba dyan!" Pormang tatayo na ang matanda dahil bwisit na sa kausap."Pero uncle...! "Pangungulit parin ni andrei."Pag-isipan mong sinabi ko....mauna na ko sayo...umuwi ka na rin gabi na!...ikaw na bahala magsara ng shop".Tinapik-tapik pa nito ang braso nya bago umalis.

"hayssss!!!...grabe naman!!!""tila baliw na sumusigaw mag-isa si andrei.

Natagpuan na lang nya ang sarili sa harap ng bahay ni hannah."Han...please talk to me....!Nagkakalampag si andrei sa labas ng gate na ikinagising ni hannah.Nagmamadali itong bumaba at pinagbuksan sya."Ano bang ginagawa mo rito ha?...naiiskandalo mo mga kapitbahay ko...umuuwi ka na nga..."Inis na pilit syang tinataboy ni hannah."Hindi ako aalis hanggat di mo ako kinakausap".Hirit ng laseng na si andrei."Abah!at naglaseng ka pa nga talaga noh?...hay...punung-puno na ko sayo ha!"Inis na pumasok sya ng bahay kasunod si andrei."sige magpalipas ka ng tama mo dyan sa sofa at pagkatapos umuwi ka na!"Galit na umakyat na sya sa kwarto pero sumunod parin si andrei."Sorry na please!!!...patawarin mo na ko han..."Pagmamakaawa nito na sabay yakap sa kanya."Ano bang ginagawa mo ha?laseng ka na eh...magpahinga ka na nga lang dun sa baba"Pilit na tinulak ni hannah si andrei upang kumalas sa pagkakayakap."Ayoko...gusto ko tabi tayo!"parang batang naglalambing pa ito sa kanya."pwede ba andrei umuwi ka na nga!"inis na tinulak na nya ito dahilan upang mapaupo ito sa kama."Parang batang umiyak ito sa harap nya."I'm sorry...hindi ko sinadyang saktan ka...nagselos lang ako kaya ko nasabi yun...patawarin mo na ko please!!!Nagulat si hannah sa ipinagtapat ni andrei bagamat hindi diretsahan tila nakuha nya naman ang ibig sabihin nito.Hindi nya maintindihan kung paano nakalapit si andrei sa harapan nya at dahan-dahan sya nitong hinalikan sa mga labi.Para syang na freeze ng mga oras na yun hindi sya tumutol o nagalit man lang.Hindi nya alam kung may anong spark ang halik na yun.At hindi nya rin alam para saan ang halik na yun.

Ikaw Pala Ang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon